NIYAKAP ng mahigpit ni Caleb ang bata, at sab*k na sab*k niyang hinalikan ito sa mag kabilang pisngi ni Aaliyah, ganon din ang noo, sintido, baba at pati na rin ang tungki ng ilong nito. Para din siyang lumutang sa hangin at napunta sa alapaap, dahil sa tuwa niya na makita at mayakap ang bata. Kahit ngayon lamang niya nakita si Aaliyah ay bigla na lamang napuno ng pananabik ang kanyang puso. Naramdaman din ni Caleb ang pagyakap sa kanyang katawan ng maliliit na kamay ni Aailyah, kaya mas lalo siyang napaiyak dahil sa tuwa. Parang may gumapang na kuryente mula sa kamay ni Aaliyah, patungo sa kanyang katawan at naglakbay ito sa kanyang buong pagkatao. Naramdaman din niya ang kanyang puso na para itong piniga at bahagyang tumigil ang pagt*bok nito, dahil sa tuwang nararamdaman niya. Tumayo

