"Oh, ano pang tinatayo-tayo niyo dyan!? Tapos na ang palabas! Umalis na kayo sa harapan ko!" Pagtataboy ni Celesty sa mga kasambahay na nakatayo pa rin sa may Living area. Nanlilisik din ang kanyang mga mata na tumingin sa mga ito, bago pinagsalitaan ng masasakit. "Tayo na sa kusina." Malumanay na wika ni Maricel, habang pinupunasan ang kanyang luha. Parang dinurog ang kanyang puso, dahil sa sakit na kanyang naramdaman mula sa kanyang mga nasaksihan. Hindi naman siya maaring mamagitan sa away ng pamilya, dahil wala siyang karapatan na mangialam. PAGKA-ALIS ng mga kasambahay ay agad na nilapitan ni Celesty si Halley at bigla na lang niya itong hinila patungo sa taas at ipinasok sa loob ng kuwarto. Pagkapasok nila sa loob ng kuwarto ni Halley ay bigla na lang nagtawanan ang dalawa, dahil

