"Ms. Thisa, what are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Aljoe sa pinsan ng kanyang boss na si Lord Aaron Go. Nakatayo naman sa harapan ni Aljoe si Ms. Ang, habang nakahalukipkip ito at naka titig sa kanya. "I'm here to bring my friend back home. I already arranged her bill in this hospital. Thank you for helping her to get away from her kidnappers." Sagot ni Thisa. Hindi pa rin talaga maipagkakaila na isa itong spoiled brat, dahil sa pananalita at kilos nito. Nagtatakang napatitig si Aljoe sa babae, dahil sa pagtataka nito sa narinig niyang sagot ni Thisa. "Ms. Smith is your friend? How did that happen? How did you know each other?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aljoe. Nagsalubong na ring ang kilay nito, dahil sa pagtataka kung paano naging magkakilala ang dalawa. "Why, Aljoe?

