CALEB'S POV..... PUTING kisame ang bumungad sa akin pagmulat ko ng aking mata. Hindi ko rin alam kung nasaan ako ngayon, dahil ang huling natatandaan ko ay binabaril ako ni Ella, dahil sa matinding galit niya sa akin. Kitang-kita ko rin sa kanyang mga mata ang matinding pagkasuklam niya sa akin. Kulang na lang ay magbuga siya ng apoy at sunugin ako ng buhay nang mga sandaling iyon. Hindi ko naman siya masisi, dahil totoo naman na napaka laki ng kasalanan ko sa kanya. Sinaktang ko siya ng sobra, physically and emotionally. "Nasa langit na ba ako?" Tanong ko, habang nakatingin ako sa kisame. Puro puti kasi ang nakikita ko sa paligid ko, kaya naisip kong baka patay na ako at nasa langit na. "Malamang, buhay kapa! Meron bang patay na nagsasalita?" Masunigit na sagot sa akin ni Aljoe. "Tsak

