BIGLANG nag-unlocked ang mga bakal na naka suot sa kamay at paa ni Celesty. Nagtatakang napatingin naman ang babae, dahil sa nangyayi. Hindi rin niya alam kung paano ito nabuksan na walang nagtatanggal sa kanyang kamay at paa. Iginala niya sa paligid ang kanyang mga mata, ngunit wala naman siyang makita na tao sa paligid. Hanggang sa biglang may lumitaw na liwanag at nakatutok ito sa kanya. Nasisilaw niyang itinakip ang kanyang kamay sa mukha niya, para hindi siya masilaw sa napakaliwanag na ilaw. Humakbang siya palayo sa liwanag, ngunit sumusunod naman ito sa kanya. Hanggang sa may nakita siyang isang bar*l sa sahig, kaya pinulot niya ito at tiningnan kung may b@la. Napangiti naman si Celesty, dahil puno ang mag@zìñę ng b@r*l ng tingnan niya ito. Hinawakan din niya ng mahigpit ang pulu

