"Hon, 'yong Wax Apple ko, huwag mong kalimutan." Biglang nagmulat ng mata si Caleb, dahil sa sinabi ni Ella. Akala niya ay nakalimutan na nito ang prutas na napaglilihian nito kanina, pero muli na naman nitong na alala. Niyogyog pa siya ni Ella, upang masagot niya ang sinasabi nito. "Hon, p'weding saka na lang kapag p'wede na akong bumiyahe? Ang layo kaya ng Malaysia at Pilipinas, para manguha lang ng gusto mong prutas. Alam mo naman na hindi pa ako gaanong magaling. Binigyan na naman ako ng Antibiotic at pain k*ller, para sa mga operasyon ko. Nabigla kasi kaninang umaga pagsalo ko sa 'yo sa banyo nang mawalan ka ng malay-tao." Paki usap ni Caleb. Niyakap din niya si Ella at hinalikan ito sa noo. Bigla naman nalungkot si Ella, dahil sa sinabi ni Caleb. Pero na-u-unawaan naman niya it

