SINALO ni Caleb ang katawan ni Ella, upang hindi ito bumagsak sa sahig. Ngunit hindi naman niya ito p'weding buhatin, dahil sa kanyang mga sugat. Hinila niya ang malaking towel na nakasampay at inilatag niya ito sa sahig, saka dahan-dahan niyang ipinahiga doon si Ella. Kumuha rin siya ng bagong towel sa lagayan at inilagay sa ulo ng babae, bago niya ito iwan sa loob upang tumawag ng 911. MATAPOS makabihis ni Caleb ay dumating na ang 911. Tumawag ang mga ito sa intercom sa Basement Carpark, para ipa-alam ang kanilang pagdating. Walang p'weding pumasok sa Private Elevator ng mga Smith, kung wala silang Card key na gagamitin. Kailangan muna nilang mag Door bell, upang pagbuksan sila nang may-ari ng bahay. Matapos magbukas ang pintuan ng Elevator ay pumasok sila sa loob at muling pinindot

