TEARS OF JOY‼️

1750 Words

"Mr. and Mrs. Chavez, magandang balita! Nagising na po si Mr. Caleb Chavez." Biglang napakalas sa pagyayakapan sina Ella, Maricel at Lucas, dahil sa kanilang naring. Sabay-sabay silang napatingin sa pintuan kung saan nanggaling ang boses ng isang babae, at nagsasabing gising na si Caleb. Nagkatinginan pa silang tatlo, bago nila napagtanto ang magandang balita na dala ng isang Nurse. "Nay, Dad, gising na daw si Caleb." Sambit ni Ella. Muli din pumatak ang kanyang luha, dahil sa sayang naramdaman niya, dahil sa balitang gising na si Caleb. Lahat din ng lungkot at takot sa kanyang puso ay napawi, dahil sa kanyang narinig. "Nurse, totoo ba ang sinasabi mo? Gising na ang anak ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Maricel. Humakbang na rin siya palapit sa Nurse, upang kompermahin ang balita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD