"WELCOME HOME, DADDY!..." Masayang pagbati ni Aaliyah kay Caleb. Patakbo rin siyang lumapit sa ama na nakasakay sa wheelchair. Nakalabas na rin si Caleb sa hospital, matapos na pakiusapan ni Ella ang Doctor nito. Regular pa rin na pupuntahan ito ng Doctor at Nurse sa kanilang tahanan sa New York City, upang masiguro na hindi nito napapabayaan ang sarili sa bahay. "Be careful, sweetie." Nag-aalalang wika ni Ella sa anak, dahil gustong magpakarga ito sa ama na nakaupo sa wheelchair. Si Ella naman ang nagtulak rito papasok sa loob ng kanilang bahay. May sarili din silang elevator, patungo sa top floor ng Condominium Building na pag-aari nila Ella. Napakalawak ng kanilang bahay, dahil sakop nila ang buong Top floor. Para silang nakatira sa Palace, dahil sa laki nito at ganda sa loob. "Da

