MASAYANG ipinagdiwang ang first birthday ng kambal nila Ella at Caleb na sina Calvin Elijah at Callen Mauro. Dumating din lahat ang kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan, upang ipagdiwang ang unang kaarawan ng kamabal. "Ang bilis talaga nang paglipas ng panahon, ano? Tingnan mo, isang taon na ang mga inaanak namin. Tapos ilang buwan pa ang hihintayin, manganganak na naman ang asawa mo, pare." Sabi ni Aljoe kay Caleb, habang pinagmamasdan nila ang kanilang mga anak na naglalaro sa malawak na garden ng Smith Mansion kung saan nakatira sina Caleb at Ella. Doon nila piniling manirahan na pamilya, dahil walang nakatira sa bahay nila Ella. Sa America kasi nakatira ang daddy ni Ella, kaya sila naman ang tumira sa bahay ng mga Smith sa Pilipinas. Kompleto silang lahat na magkakaibigan nga

