ELLA'S POV.... Excited si Aaliyah, dahil ngayon ang araw na makikilala niya ang kanyang lolo at lola. Patungo na kami ngayon sa bahay nila Caleb. Si Caleb din ang nag drive ng kotse, naka kandong naman sa akin si Aaliyah dito sa shotgun seat. Nakasunod lang sa amin ang mga Bodyguard ko, upang siguruhin na ligtas kaming pamilya. Pagdating namin sa mansion ng mga Chavez ay nakita kong naka abang na sina daddy Lucas at nanay Maricel sa amin. Naka akbay pa si daddy Lucas kay nanay Maricel, habang nakatayo sila sa may porch. Sa mismong harapan nila ipinarada ni Caleb ang kanyang kotse at mabilis na lumabas, upang pagbuksan kami ng pinto ni Aaliyah. Binuhat muna ni Caleb si Aaliyah, upang makalabas ako ng kotse. Hinawakan pa niya ang ulo ko, para siguruhin na hindi ako ma u-untog sa paglaba

