ELLA'S POV... "Caleb, baka magising si Aaliyah!" Sambit ko, para tumigil si Caleb sa balak niyang masarap sa akin, este masama pala. Hindi rin ako makagalaw, dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa magkabila kong pulsuhan. Halos hindi na rin huminga si Caleb, dahil sa panggigigil niya sa akin. Naririnig ko pa ang malakas na tunog ng kanyang paghalik sa katawan ko. May kasama na rin kagat at pagsipsip sa balat ko ang paraan niya ng paghalik sa akin. Ang init din ng hininga ni Caleb na tumatama sa balat ko. Parang napapaso ako sa bawat paglapat ng labi ni Caleb sa katawan ko. Nakakakiliti, at nakakatangay. Parang nadadala na rin ako, dahil sa masarap niyang paghalik sa akin. "Lumipat na ang anak natin sa kuwarto ng lolo at lola niya, honey. Solo na natin ang kuwarto natin." Sagot sa aki

