ISA-ISANG BINUKSAN ni Ella ang mga pintuan ng mga kuwarto sa second floor. Agad din niyang itututok ang kanyang bar*l sa loob upang malaman niya kung doon nga ang kuwarto ni Halley. Ngunit wala siyang nakita sa mga naunang kuwarto na pinasok niya. Hanggang sa makarating siya sa pinaka huling pintuan at ito naman ang kanyang binuksan. Naka locked ang pinto, kaya muli niyang ibinalik sa holster ang hawak niyang bar*l, upang buksan ang pinto. Kinuha niya ang kanyang hair pin at ito ang kanyang ginamit na pang kalikot sa butas ng susihan ng door knob. Hindi naman nagtagal at nabuksan niya ito, kaya dahan-dahan niyang pinihit ito at sumilip sa loob. Pag bukas pa lang niya sa pinto at maririnig na ang napakalakas na sound ng TV sa loob ng kuwarto. Napa kunot ng noo si Ella, dahil sa naririnig ni

