NAGPALINGA-LINGA muna si Ella, bago siya lumapit sa mataas na pader ng malaking Mansion. Napakalaki nito at halos kasing laki na ng kanilang bahay. Mas lamang lamang ang bahay nila dahil kung sa likod mo ito titingnan ay para itong 5 story building house, dahil second floor na ang kanilang harapan. Ang bahay na nasa kanyang harapan ay three story lang walang basement. Makikita rin sa paligid lahat ng mga kotse na pag-aari ng home owner. Ibinaba ni Ella ang dala niyang bag at kinuha ang isa niyang bar*l na ginagamit niya sa paglalagay ng lubid sa mataas na bahagi, upang mas mapadali ang kanyang pag-akyat. Inilagay niya sa bunganga ng bar*l ang dulo ng matulis na metal, saka niya itinali ang manipis na lubid na dala niya. Kahit manipis ito, ngunit solid naman ang pagkakagawa at kayang buha

