SAKAY NG KANYANG LIMOUSINE si Ms. Smith, kasama ang kanyang executive secretary. Nakasunod naman sa kanyang sasakyan ang iba pa niyang bodyguards. Nakaupo naman sa shotgun seat ang pinuno ng mga bodyguards niya na si Rafa, upang mabantayan siyang mabuti at agad na maipagtanggol, kapag may magtangka sa buhay niya. Pauwi na sila sa kanyang bahay na bagong bili niya sa isang exclusive subdivision. Naging palaisipan din kay Elastasha ang mga sinabi sa kanya ni Mr. Chavez. Hindi niya kilala ang lalaki, ngunit kung umasta ito sa harapan niya ay tila kilalang-kilala siya nito. Kaya napapaisip siya ng malalim, dahil sa mga sinabi ng lalaki sa kanya. Hanggang sa makarating siya sa kanyang bahay ay si Mr. Chavez pa rin ang kanyang iniisipan. Tahimik lang siyang bumaba ng Limo, at pumasok sa loob n

