PAG GISING ni Ella ay agad niyang pinuntahan si Caleb sa ICU. Biglang bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata, dahil sa pangamba at sakit sa kanyang kalooban. Natatakot siya sa posibleng mangyari kay Caleb. Tinapat din siya ng doctor na 50/50 ang chance na maka survive si Caleb, dahil sa tama nito sa baga at sa malapit sa puso nito. Babuti na lang at nadala siya kaagad sa hospital at nalapatan ng kaukulang lunas. Na-operahan nila ito kaagad at nasalinan ng d*go. Napakaraming d*go ang nawala sa katawan nito, dahil sa tatlong b*la na tumama sa kanyang katawan. "Caleb, lumaban ka, kailangang mabuhay ka para sa amin ni Aaliyah. Marami kaming naghihintay sa 'yo, mga nagmamahal sa 'yo. Diba sabi mo, magpapakasal pa tayo sa Simbahan? Kaya kailangan mong gumising agad at magpagaling, par

