HALOS MATUMBA si Ella, dahil sa sobrang pag-aalala niya kay Caleb. Kitang kita niya kung ilang beses itong sinubukan na gamitan ng AED ang lalaki, upang i-revive ito. "Caleb, please, lumaban ka!..." Umiiyak na sigaw ni Ella, habang sinusuntok nito ang pintuan ng ICU. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang makita niyang nag stable na ang line sa life support ni Caleb. Nilingon din siya ni Doctor Miller at nag tumbs up ito sa kanya, upang iparating na nailigtas na nila ang buhay ni Caleb. Muling napaiyak si Ella, dahil sa tuwa niyang hindi tuluyang bumigay si Caleb. Dininig ng panginoon ang kanyang mga panalangin at pagsusumamo, para sa buhay at kaligtasan ni Caleb. Pati sina Daddy Lucas at Nanay Maricel ay malakas na umiyak, dahil sa tuwa. Nagyakapan pa silang tatlo, dahil sa saya n

