MATAPOS MAG-USAP nina Ella, Aljoe at Nathan ay umalis na rin ang dalawang lalaki, upang simulan ang kanilang ipinangakong trabaho kay Ella. Si Ella naman ay tinawagan ang kanyang ama, upang malaman nito ang pag dating ng mga bago nilang tauhan sa kanilang Mansion. Muli din pumasok si Ella sa loob ng ICU, upang muling makausap si Caleb. Kahit tulog ito ay alam ni Ella na maririnig pa rin siya ng lalaki at mararamdaman nito ang init ng kanyang kamay na humahaplos sa kamay at mukha nito. Na a-awa si Ella sa asawa, dahil sa dami ng mga tubo na naka lagay sa bibig at ilong nito. Pati ang kamay at dibdib ni Caleb ay mayroong naka kabit na mga apparatus sa kanya. Hindi maubos-ubos ang luha ni Ella, dahil sa awa niya kay Caleb. Hindi rin nito inasahan na sasaluhin lahat ni Caleb ang b*la ng ba

