AGAD NA PINUNTAHAN ni Ella sina Aljoe at Nathan, upang makausap niya ang mga ito. Kailangan niya ang tulong ng dalawa ngayon, dahil sila ang maraming contact dito sa Pilipinas. Mas sila din ang nakakaalam ng mga lugar sa lahat ng panig ng bansa, dahil dito sila naka base na dalawa. Kahit half-Filipino si Ella at marunong magsalita ng tagalog ay hindi siya gaanong familiar sa mga lugar sa Pilipinas. I-ilan lang din ang mga kakilala niya, kaya ngayon ay halos mangapa siya kung paano siya lalakad at isasakatuparan ang kanyang mga plano. "Heto ang mga information na may kaugnayan kay Michael Perez. Ito naman ang mapa ng Casa Vida. Pag-aralan mo munang mabuti ang bawat sulok ng building na iyon, para mas madali sa 'yo na pasukin. Napaka higpit din ng kanilang security system doon, pero tutulon

