MALAPIT NA SI BLACK DOVE sa baba nang hilain niya ang handle ng kanyang Parachute. Muli siyang tumaas, dahil sa biglang pagbukas ng kanyang Parachute at tila hinigop ito ng hangin pataas. Mahigpit ang hawak niya sa magkabilang handle, upang muli siyang bumaba. Dahan-dahan siyang bumaba sa mismong rooftop ng Casa Vida. Patakbo pa siyang lumapag sa sahig, dahil sa lakas ng hangin. Hanggang sa unti-unting bumaba din ang Parachute at mabilis niya itong hinila at muling ibinalik sa loob ng kanyang bag. Hinanap ni Black Dove ang Exit ng building, para doon siya papasok patungo sa loob. Bago niya buksan ang pintuan ay nag hudyat muna siya sa mga kasama sa loob. "I'm going in now." Sambit ni Black Dove. Alam niyang naririnig siya ng mga kasama niya, dahil meron silang lahat na suot na earphone

