PINIHIT NI BLACK DOVE pintuan ng kuwarto ni Michael Perez, ngunit naka lock ito sa loob. Alam ni Black Dove na naka paghanda na ang kanyang kalaban, kaya hindi na rin siya magdadalawang isip na gawin ang mga bagay na makakapag pabilis ng kanyang trabaho. Hindi rin sila dapat na magtagal sa loob ng Casa Vida. Baka biglang dumating ang mga pulis sa lugar at makita pa sila sa loob at mahuli. Sa trabaho nilang lahat ay hindi sila dapat magpakita sa mga pulis at lalong-lalo nang hindi sila p'weding mahuli ng mga ito. Ibinaba ni Black Dove ang kanyang backpack at kinuha niya mula sa loob nito ang dala nitong maliit na b*mba. Idinikit niya ang maliit na device sa may tapat ng lock ng pinto at mabilis na pumunta sa may gilid, upang magtago at hindi siya mahagip ng malakas na pagsabog. Nag bigay

