“Blue 18 years old ka ano ang plano mo?”
“Kuya college na ako, paano kaya kung mag exam ako sa isang university na libre ang tuition yun meron Nursing na course. Sa Cebu meron siguro di ba Kuya?”
“Yes meron sa Cebu State University meron sila pero mag take ka muna ng exam Blue at kung papasa ka at mataas ang resulta pwede ka sa Nursing at libre lang yun dahil meron na tayong Free Tertiary ngayon thanks kay Senator Bam na siyang author ng law na iyon.”
“Kaya ba natin pumunta kuya. Kailan daw ang exam? Okay na naman lahat ang aking mga papers Kuya meron na ako papers galing sa indigency at sa PWD as a Person with disability.”
“Kaya mo ba Blue baka mapahamak ka doon maraming bully doon bunso.”
“kuya eh di ka pa ba beliv sa aking di ba sabi mo ang lakas ng kamao ko at yun mga side kick ko ay parang kay jackie chan hehe. Kuya don’t worry about me if meron man magtangka they don’t what’s my retaliation is. Hindi ako umaatras sa laban at kahit na bulag ako i can still feel and sense them. Papaniguro ko sayo na hindi sila uubra sa Blue na ito promise.”
“ Sasamahan kita mag exam at mag enrol pero hanggang dyan lang kasi meron tayo ditong fishing boat na kailangan ko pagtuunan ng pansin din Bunso pero pag meron time bisitahin kita doon kaya gusto ko sana kukuha ako ng condo na ikaw lang mag isa para magawa mo ang kahit na ang gusto mo sa loob ng condo.”
“Meron kang pambayad Kuya?”
“Matagal ko ng painag ipunan yan bunso buhay pa si Nanay at meron din galing kay Nanay na pinalago ko para magamit natin ngayon kaya pagpunta natin doon sa cebu mag condo hunting tayo para naman kung bibisita ako meron akong matutuluyan.”
“Salamat Kuya hindi ko talaga lubos maisip bakit ako binigyan Ng pamilya na kagaya Nyo kabuti, salamat Po talaga. Alam mo Kuya mahal na mahal ko kayo kahit Hindi Tayo magkadugo at Meron pa akong dapat Gawin yun ay hanapin Ang naging sanhi Ng aking pagkapunta Dito at bakit nangyari ito sa akin. Alam ko na swerte ko Ang pagkapunta sa Inyo Kuya pero kailangan ko pa rin Malaman ko ano Ang NASA likod Ng pagkapunta ko Dito.”
“Swerte ka namin ni Nanay Bunso at palagi kang swerte sa pamilya natin. Habang hindi pa ako nakapag asawa ikaw ang priority ko at pagdating ng araw alam ko makakayanin mo mag isa tsaka kami magpakasal ni Ate Sol mo.”
“Kuya start a family na pakasal na kayo para magka baby na kaagad i need pamangkin din no Kuya sige na pakasala na kayo para meron ka kasama dito habang wala ako at may kasama ka rin pagbisita sa akin. I love Ate Sol you are the most kind person sa lahat na nandito at si Ate Sol ay malaki rin ang itinuro sa akin. Inalalayan ako niya sa pagbasa siya palagi ang nasa tabi ko habang inaral ko ang alphabet kahit pareho kami ay bata pa. Utang ko sa kanya ang pagbasa at pagsulat.Lahat ng ginawa mo Kuya ay nakatatak dito sa utak at puso ko. Kahit hindi ko kayo nakikita pero nakaukit ang inyong mukha dito sa utak at puso ko. Kaya mag asawa na kayo Kuya para naman hindi na ako mag iisa sa buhay mo meron ka ng kapatid at magkaroon ka na ngayon ng asawa.Soon meron na akong mga pamamgkin.”
“Pag usapan namin ng Ate mo Bunso.Ako ang bahala. Sige na punta na muna ako ng dalampasigan baka may paparating na fishing boat natin.”
“Sige kuya dito lang muna ako maglilinis lang muna ako at punta din ako ng dalampasigan mamaya.”
Meron ngang dumating na fishing boat at meron na kaagad bumili ng mga isda na dala nila. Noon dinala ko pa sa palengke ng bayan ngayon hindi na dahil ang mga vendors na sa palengke ang pumupunta dito.
Habang tinitimbang namin ang mga isda bigla na lang natahimik ang paligid kaya sumulyap ako sa mga tao, nakita ko silang lahat na nakatingin kay bunso na papalapit na sa amin. Alam nila na bulag ito pero yun mukha niya ay parang hindi bulag kung makatingin sayo at tinanong ko siya bakit. Sabi niya alam niya ang area na may mga tao kaya doon siya tumingin at ngumiti. Ag alam din niya na ngumiti din daw ang mga tao kaya ang akala ng mga bagong salta na normal abg mga mata nito. Sabi ni Bunso naramdaman niya ang pag ngiti nila at ang surprise sa nga mata at mukha pag malaman na bulag pala siya. Sabi ni bunso hindi daw niya maipaliwanag na naamoy niya ang lahat at naa identify niya kanino amoy yun kaya nakilala niya ang mga tao.
Ngayon super ganda ang kapatid ko from her head hanggang talampakan. Wavvy light brown ang buhok nya meron kulay na asul na mga mata at matangkad may balingkinitan na katawan at puno ng muscle dahil sa kanyang pag martial arts at lahat ng ito ay hindi niya alam. Wala siyang pakialam kahit na sabihan pa siya ng mga tao na super siyang maganda. Kahit ako nagagandahan sa bunso namin ni Nanay at yun ang kinakatakutan namin baka pagsamantalahan siya at kaya ko siya binigyan ng mga libro kung paano jdepensa ang sarili nya. Ngayon na sa syudad na siya mag aaral ng Pre Med course niya kampante ako dahil marunong na siya idepensa ang sarili.
“Kuya parang malakas ang swerte ngayon sa dagat di ba? Naaamoy ko ang maraming isda kuya.”
“Oo nga Simone swerte sa dagat ngayo anv Kuya mo peri hindi na namin ito pinagtataka dahil ng dumating ka dito naging maganda ang mga kabuhayan ng isla na ito hindi lang sa Kuya mo kundi sa aming lahat. Alam mo naiisip namin noon pa na dahil sayo ang pagiging mayaman ng dagat kaya sinusuklian din namin ng magtanaw ng utang na loob namin sayo at pagpapasalamat namin sa Magkapal na dito ka niya pinadpad.”
“Tama si Loling dyan napakaswerte namin sayo Simone.”
“Oh halina kayo kunin nyo na ang inyong mga binili mura lang yan kaya ibenta nyo rin ng mura huwag garapalan ng presyo.”
“Oo naman kapitan kami na po ang bahala maliit na rin naman ang patong namin palagi po namin sinimusunod kung magkano ang bili namin.”
“Okay sige hanggang sa susunod na mga araw palagi lang kaming andito.”
“Simone?salamat ha naambunan mo kami ng swerte at napakabuti nyong magkapatid. Sige hanggang sa susunod naway sweswertihin pa kayo mga kaibigan namin dito sa Isla.”
Nang makaalis ang mga komprador bumalik kami ni Kuya sa bahay at sabi nya ready na daw kami papunta ng cebu. Binayaran na niya sa banko ang condo ko at binayaran niya na ng buo.
“Salamat Kuya at kung sakaling mag asawa ka na inform me Kuya ha dahil uuwi ako sa araw ng kasal mo promise po.”
“Ikaw pa bunso eh ikaw talaga una ko pagsabihan.”
——————-