CHAPTER 10

2577 Words
CHAPTER 10 Pabalik na kami sa classroom namin at kasabay ko ang tatlong binatang to. Halos lahat nang istudyante napapaligon samin. 'Right! Attention. Attention.' Yumuko ako at hindi pinansin ang nasa paligid ko. Ha! Dito naman ako magaling eh. Dito ako magaling. Sa pagtatago sa mga tao sa paligid ko. Naramdaman ko ang braso ni Uno sa balikat ko. Nilingon ko naman siya pero hindi niya man lang ako sinulyapan. Nung tatanggalin ko sana ang kamay niya ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa balikat ko. "Don't," bulong niya. "Why are you doing this?" Bulong ko sa kanya habang nakayuko. Lagi na lang siyang gumagawa nang bagay na hindi ko inaasahan. Ayoko namang sanayin siya pero pakiramdam ko ay ako ang unti-unting nasasanay sa ginagawa niya. "Because I can." Umiling ako sa sagot niya. Nang makapasok kami sa loob nang classroom namin ay napahinto ang mga kaklase namin sa ginagawa nila at tiningnan kami. Lalo na ang kamay nang lalaking nasa tabi ko. Narinig ko pang sumipol-sipol ang dalawang kaibigan ni Uno. "Hindi ka pa ba uupo?" Tiningnan ko siya nang masama at umupo na rin sa tabi niya. Sobrang tahimik ng classroom at tanging kulitan lang ni Sebastian at Avo ang naririnig namin. "What?" Tanong niya nang nilingon ko siya pero hindi na ako nag salita. Nang pumasok ang susunod na guro namin ay nagsimula na naman ang ingay at kulitan nang mga kaklase ko. "Hey?" Nilingon ko siya. "Ano?" "Do I make you uncomfortable?" "Not really." Pag sisinungaling ko. Mas nilapit niya ang upuan niya sakin kaya napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. "Then, what's wrong?" Inosenteng bulong niya. "Why are you doing this Uno? Really, it's..it's.." hindi ko alam kong ano talaga ang itatanong ko. "What?" Nakakunot lang ang noo ko kaya napabuntong hininga siya, "I told you. I want to know more about you." Umiwas ako nang tingin. 'Bakit kailangan niya pang maging ganito? Ayokong masanay sa kanya. Pero may parti sakin na nakikiliti sa ginagawa niya.' Wth! "By the way," inangat ko ang paningin ko sa kanya at tiningnan siya pero ngumiti siya. Hindi tulad nang ngiti niya nung sumasayaw kami. Alam kong ang ngiting pinapakita niya ay peke, hindi totoo, tulad ko... Hindi totoo. Mapagkunwari. Peke. "Ano?" Tanong ko. Sa tanang buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi itago ang tunay na ako. Kung meron mang mas nakakakilala sakin, walang iba kundi si kuya Drake lang. "Unogrego. Unogrego Wilson." Seryosong bulong niya kaya napakunot ako. "Ha?" "Sabi ko Unogrego. Unogrego ang tunay kong pangalan." Napanganga ako sa kanya. "Bakit mo yan sinasabi sakin ngayon?" Naguguluhang tanong ko. "Because I want you to trust me. I want to trust you too. Like what I've said, I want to know you. And in order to do that, I need you to trust me and vise versa." Napanganga ulit ako. "I.. I.." napapikit ako nang madiin, "I don't trust anyone." Sabi ko na halos ang sarili ko ang kausap ko. "Then, learn to trust someone. Try to trust me." Seryosong sabi niya kaya napatitig ako sa kabuohan niya. "Ms. Alonzo?" Napaangat ang paningin ko sa guro namin na nasa gilid ko na pala. "M-ma'am?" "Gusto mo bang ibahagi samin ang iyong tinatalakay rito sa likod?" Tatayo sana si Wilson sa tabi ko pero pinigilan ko siya. "Patawad po Binibini." Nakayukong sabi ko sa Filipino teacher namin. Sinulyapan niya sandali si Uno na tiningnan siya nang masama. "Ginoong Wilson, kahit pa anak ka nang may ari nang paaralan to ay hindi ko hahayaang ang gawaing to. Hindi to magugustuhan nang Ginang pag nalaman niya ang iyong ginagawa sa klase ko." Hindi siya pinansin ni Uno at tumayo ito. "Uno," pabulong na tawag ko sa kanya. Yumuko naman siya sakin at ngumisi. Ang ngisi na yun. Yan ang laging nakikita ko sa mukha niya. Yan ang ngising gangster niya. Tss! "Mahal na binibini," panimula niya at yumuko, "Pasensya na kung nakakadistorbo kami nang kasintahan ko sa inyong pagtatalakay nang panibagong kaaralan para sa araw na to. At alam kong hindi rin magugustohan nang ina ko pag nalaman niyang ang gurong nasa harapan ko ngayon ay sumisipsip sa kanya sa pamamagitan nang pagbabalita o pagsusumbog nang mga walang ka kwenta-kwentang bagay. Kaya kung inyong mamarapatin ay lalabas nalang kami nang aking kabiyak para mapagpatuloy mo ang inyong walang humpay na pagtatalakay." Gasped.  Seriously? This is the first time I heard him talk straight in Filipino. At talaga bang sinabi niya yun sa guro namin? Kahit kailan ay hindi ko nagawa yun sa mga lecturer ko. "Sandali lang.." pigil ko sa kanya nang hinila niya ako patayo. "Hehe." Awkward na tawa ko habang nakatingin sa guro namin na gulat na gulat parin sa sinabi ni Uno. "Nagbibiro lang po siya Binibini--" "Winter," seryosong tawag ni Uno pero hinila ko lang ang kamay niya at pinaupo siya sa tabi ko. "Wag na kasi.." bulong ko sa kanya. "Pasensya na binibini. Hindi na po kami mag iingay." Nakayukong sabi ko. "Isa," galit na bulong ni Uno sakin sa tabi ko. "Please.." pagmamakaawa ko. Ayoko nang sobrang atensyon lalo na ngayong sobrang tahimik nang classroom namin. Tss! Ang lakas rin nang tinira ng lalaking to ah at dinamay pa ako sa palabas niya. "Ahem!" Umubo pa si ma'am. "Tulad nga nang sabi ko. Ang tayutay o Figure of Speech sa ingles ay bla bla bla .." Napabuntong hininga ako at tiningnan si Uno sa tabi ko na nakakunot parin ang noo habang natingin sa harapan. 'Ano kayang iniisip niya?' Haist! Naalala ko ang sinabi niya kanina. 'Kasintahan? Kabiyak?' Kyaaaaaaaaaaaa... ** Bakit niya sinabi yun? Nilikot ko ang mga kamay ko. ** "Hey?" Napalingon ako sa likod ko. "Unogrego." Pilit kong hindi pinakita sa kanya ang ngiti ko. "Tss.." tumabi siya sakin, "Where are you going?" Katatapos lang nang klase namin at papunta na sana ako ng library nang hinabol niya ako. "Library." Sagot ko at naglakad ulit. Sinabayan niya naman ako kaya napahinto ako. "Anong ginagawa mo?" "Sinasamahan ka." Napakunot ang noo ko. "Bakit?" Yumuko siya at nilapit ang mukha niya sakin. "Dahil gusto ko." Ngumisi siya at kinuha ang libro sa kamay ko. "Ano to?" "Akin na nga yan." Pilit ko namang inaagaw sa kanya ang libro pero nilalayo niya naman sakin. "Pride and Prejudice?" Tanong niya. "Fan ka ba ni Darcy at Mr. Bingley?" Tumatawang tanong niya. "Ano naman ngayon?" Saka ko inagaw sa kanya ang libro. "What are you going to borrow next?" He asked. "Twilight." "Another Fiction?" He looks amused, "You can watch movies you know.." napahinto ako. "Iba parin yung nababasa mo yung istorya. Meron kasing parte nang istorya sa libro ang hindi pinapakita sa palabas. At mas maiintindihan mo lang ang kwento pag binasa mo." Napabuntong hininga ako. "Basta mas maganda pag binasa sa libro ang kwento." Naglakad ako paakyat sa library pero napahinto ako ng mapansin kong hindi siya sumunod. Lumingon ako sa kanya pero seryoso lang siyang nakatitig sakin. Lumapit siya at nang magkaharap kami ay inayos niya ang buhok ko sa may noo at tinitigan ang mukha ko. Tulad nang lagi kong ginagawa ay hindi ko pinapakita sa iba ang emosyon ko. At sana nagagawa ko yun sa lalaking nasa harap ko. "Sinasabi mo bang mahahalintulad kita sa libro?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Tulad ng libro at movie, may kwento ka rin na hindi mo nilalabas. Sa likod nang babaeng nasa harap ko ngayon ay may kwentong hindi hinahayaang basahin nang iba." Napayuko ako. "Wala namang dapat malaman sa kwento ko." "Dahil natatakot ka na ilahad ang buong kwento mo. Tulad ka lang rin nang ibang palabas. Hinahayaan mo lang na makita nang iba ang gusto mong makita." Napailing siya, "Alam mo kung anong gusto ko sa pagiging gangster? Yun ay ang pagiging malaya ko." "Malaya?" "Oo, malaya. You can do everything without fear in your heart." Seryosong sagot niya. Pilit akong ngumiti, "Alam mo kung ano ang gusto ko sa pagiging libro?" Panggagaya ko sa sinabi niya, "Ikaw lang ang nakakaalam sa likod nang kwento nang libro. Nasayo kung anong ipapakita mo o kung anong itatago mo. At alam mo kung anong gusto ko sa libro?" "What?" "Sa pamamagitan nang libro nagagawa nang mga manunulat ang mga bagay na hindi nila magagawa sa totoong buhay. At tulad kong mambabasa, may nalalakbay ako na hindi ko nagagawa sa totoong buhay." Umiwas ako nang tingin, "Sa pagbasa at pagsulat may nagagawa ka at may natutuklasan ka." Tumalikod ako sa kanya. "Hey," tawag niya ulit sakin. "Hintayin mo nalang ako dyan sa baba." Sigaw ko habang deretsong umakyat sa itaas papuntang library. ** "So you're not going to talk to me?" Byernes nang tanghali nang nilapitan ako ni Uno. Mula kasi nung dumating ako sa school ay hindi ko siya pinansin. Hindi rin naman niya ako pinapansin kaya deadma lang din ako. "Bakit?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Hindi mo rin naman ako kinakausap so bakit kakausapin kita?" "I said don't talk back." He growled. "Com'on." "Hey? Saan mo ko dadalhin?" Pigil ko sa kanya pero talagang matibay din ang lalaking to at talagang kinaladkad ako. "Lunch." "Ha? Sinabi ko bang sabay tayo?--" huminto siya at humarap sakin. "Clubhouse. Nagpadala na ako nang pagkain--" "Pero--" "Stop talking. Let's go." I rolled my eyes. "Eat this, and this, and this one, this, this--" "Teka lang!" Pigil ko sa kanya, "Bat ang dami? Hindi ba dito kakain ang mga kaibigan mo?" "Tapos na sila. Now, eat all of that!" "Grabe siya.." napailing ako. "Ang dami naman kasi--" "You're slim." Bulong niya. Hindi ako nakasagot habang nakayuko sa pagkain sa harap ko. 'Bakit niya ba ko pinapakain nang ganito karami? Siya na ba ang bagong babysitter ko ngayon?' "Winter," he warned. "Ito na. Kakain na! Hahawakan ang kutsara at kakain ang hinanda niya." I said sarcastically. Napailing siya at kumain na rin sa harap ko. "Wag na kaya tayong pumasok?" Napahinto ako sa pag aayos nang gamit ko sa bag. "Hindi pwede." Sabi ko sa kanya at akmang lalabas sa clubhouse nila. Agad niya naman akong hinarang sa pintuan. "Ano na naman?" "Wag na kasi tayong pumasok." Inis na ulit niya. "At ano sa tingin mo ang gagawin natin? Nasisiraan ka na talaga." At akmang lalapit ulit sa pinto. "Stay here." Inangat ko ang paningin ko sa kanya, "Kahit ngayon lang." Napabuntong hininga ako. "Bakit ba kasi?" "Just stay here. Let's talk--" "About what?!" Inis na putol ko sa kanya. "Kahit ano." Saka siya umiwas ng tingin at naglakad pabalik sa sofa. "Alam mo? Napakabad influence mo talaga sakin." Sabi ko nalang at umupo sa kabilang sofa. "Sabagay nakakainis nga naman ang klase natin ngayon." Ngumisi siya sakin. "Ano?!" Inis na tanong ko. "Stay here." Ulit niya. I rolled my eyes. "Whatever. Teka, di naman siguro ipapatawag ang parents ko dahil hindi ako pumasok diba?" Gulat na tanong ko. Hindi ko na gustong mag ka round two na naman ang iksena namin sa parking lot ng mga magulang ko. "Ako ng bahala sa bagay na yan. Isa pa, hindi na yun mauulit ngayong alam na ng kahit sino ang posisyon nang mga magulang mo sa school nato." Napanganga ako. 'Tama nga naman siya.' "Avo," sagot niya sa kabilang linya. May tumawag pala sa kanya. Hindi ko napansin. Binalik ko ang paningin ko sa tv. "No. Tapusin niyo muna yan. Pupunta ako mamaya." Narinig ko pang sabi niya. "Hindi ako pumasok. I'm with her." Nilingon ko siya at nakatitig lang siya sakin. "Yea. Just finish that. I'll go later." Saka niya binaba ang cellphone niya. "Hindi rin ba sila pumasok?" Tanong ko. "Gang fight." Simpleng sagot niya pero seryoso ang mukha. Napaiwas ako nang tingin. Parang sumakit ang ulo ko sa sinabi niya. Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit. 'Damn the past!' "What's wrong?" Binalik ko ang paningin sa kanya saka pilit na ngumiti. "You know what, dati halos hindi kami maghiwalay ng kuya ko. Kung anong gusto ko binibigay niya. Minsan may pagkakataon na nagagalit siya sakin at pinapagalitan niya ako pero sa twing ginagawa niya yun ay kinakausap niya parin ako." Napabuntong hininga ako. Sobrang miss ko na talaga si kuya. "You can cry," bulong niya pero sapat lang para marinig ko. Tama na, tama na ang minsang umiyak ako sa harapan niya. Ang ayaw ko sa lahat ay maging mahina ng dahil lang sa nakaraan ko. "Miss ko na si kuya.." nakayukong sabi ko saka pekeng tumawa, "But you know what? Sometimes we just have to accept that people are going to stay in our hearts even when they don't stay in our lives. Tulad ni mom at tulad nang ibang tao sa buhay ko iiwan lang rin nila ako. Hindi sila kumakapit kahit sobrang higpit na nang hawak ko sa kanila." Hindi naman ako umiyak pero bakit halos habol hininga ang ginagawa ko ngayon?! Sobrang lakas nang pintig nang puso ko. Minsan nga natatanong ko pa kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon pagkatapos nang mga nangyari sakin. Napailing nalang ako. "You know what's worse? It's how you can do nice things for someone all the time and they never notice, but if you make one mistake, it's never forgotten. Like my parents, I always do what's best for them. Kahit na tinatago nila ako sa malaking mansyon nila para hindi malaman nang ibang tao na may anak si dad sa ibang babae. Hindi ko naman kasalanan yun pero yun ang tumanim sa utak nila." Tinitigan ko siya at nakatitig lang rin siya sakin. "Si kuya ang tumayong mom at dad ko. Pero pinahamak ko pa siya." Seryosong sabi ko. "Gang fight? Dahil sa dalawang salitang yan. Nasira ako, nasira ko ang buhay nang kuya ko." "Hindi mo kasalanan yun." Plastik akong tumawa sa sinabi niya. "Nasasabi mo lang yan kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon namin." Sagot ko at tumayo. "Tara?" "Saan?--" "Pumasok na tayo. Kahit sa last period lang." Napabuntong hininga siya sa sinabi ko at tumayo. Lumapit siya sakin saka niya tinitigan ang kabuohan nang mukha ko. ** Pumasok ako sa last period nang klase namin pero si Uno ay hindi naman sumunod at may gagawin pa daw siya. 'Tss! Wala ka talagang maasahan sa lalaking yun.' "May gwapo daw sa labas nang gate--" "He's so cute." "Hunk--" "Taga Williams nga lang--" Napahinto ako sa pag aayos nang bag ko nang marinig ko ang sabi nang classmate ko. Taga Williams? Hindi naman siguro si Jeric yun? Napatawa ako sa isipan ko. Malamang kung si Jeric yun hindi sila mag aabalang pag usapan ang baklang yun. Nakita ko naman si Trinity na diritsong lumabas pagkatapos kausapin yung apat na babae na nag uusap tungkol sa lalaking nasa labas. 'Ano naman ngayon kung may taga Williams sa labas nang gate?' Napahinto ako. Hindi kaya??? No! Imposible. Imposible. Napahawak ako sa kwentas ko. Nagmadali akong lumabas ng room nang mapansin kong nagmamadali rin ang ibang istudyante sa corridor palabas nang school. 'Bakit sila nagmamadali?' Nang marating ko ang gate ay parang may kung anong palabas na nandun. Nakita ko si Uno kasama si Sebastian at Avo at kasama ang ibang istudyanteng lalaki nang Wilson Academy habang sa labas naman nang gate ay may isang itim na kotse. Teka? Saan na yung sinasabi nilang taga Williams? "Winter!" Tawag sakin ni Sebastian at kumaway. Napansin naman agad ako ni Uno. He's serious and what? Angry? Frustrated? Pero nang makita niya ako ay parang lumambot ang mata niya. "Come here." Sabi ni Uno pero sapat lang para marinig ko. Lumapit ako sa kanila habang pinapatay na ako sa mga titig nang mga istudyanteng babae. Tss! "Anong nangyayari rito?" "May nangahas kasing bumisita sa skwelahan natin at talagang taga Williams pa." Inis na sagot ni Avo sa gilid ko. Hinila ni Uno ang kamay ko papalapit sa kanya saka ko naman siya tiningnan nang masama. Mahilig talaga siya manghila! Dapat ang pangalan niya ay UnoHILA. Ha! Mais talaga. -___- "What?" Inis na tanong niya. "What your face! Ikaw nga tong nanghila ikaw pa tong naiinis." Bulong ko. Hindi niya nalang ako sinagot at seryoso paring nakatitig sa kotse sa labas nang gate. "Hindi niyo ba papasokin--" "Are you nuts? He's an enemy." Seryosong sabi ni Uno. "Pero diba sabi niyo nga diba na bumibisita lang--" napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko si Trinity na lumapit sa kotseng yun. 'Anong ginagawa niya?' "That's Trinity right? Siya ba ang pinuntahan ng lalaking yun?" Narinig ko pang tanong ni Avo. Pero hindi ako makapag-isip nang maayos. Parang nalunok ko yata ang sarili kong dila. Wala namang ibang kakilala si Trinity sa Williams kundi---- Lumabas ang lalaki sa kotse niya at parang huminto ang takbo nang oras nang makita ko siya. "Ku-kuya.." sambit ko. "Kuya? Kuya..." dali-dali akong tumakbo palabas nang gate. Narinig ko pang tinawag ako ni Uno pero hindi ko siya pinansin. Andito si kuya. Andito ang kuya ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD