Chapter 3
Napasabunot si Uno sa kanyang buhok. Halata kasing wala sa sarili ang katabi niya at idagdag pa ang bulongan nang mga ka klase niya dahil magkatabi sila. Naging issue rin kasi ang biglaang magkatabi ng transferee at ng isang Unogrego.
"F*ck it! All of you.." tumayo si Uno at napalingon naman ang lahat nang istudyante. "Shut the f*ck up!"
Tumingala si Winter sa ginawa ni Uno pero agad ring yumuko nang makita niyang yumuko si Uno para makita ang reaksyon niya pero tulad nang lagi niyang nakikita ay blanko lang itong nakatingin sa kanya. Natahimik ang buong klase nanatiling nakayuko at hindi na nagsalita pa. Napailing nalang si Winter at pinagpatuloy ang pag sagot sa activity nila sa chemistry.
"We need to finish this before the break." Bulong ni Uno at umupo sa tabi niya.
"Okay. Gusto mo bang ikaw na ang mag present nito mamaya?" Hindi siya nilingon ni Winter pero alam niya na para sa kanya ang tanong nayun.
"That would be fine." Saka tiningnan ang dalaga.
"Oh." Inabot niya ang papel kay Uno. "Pwede na ba akong bumalik sa upuan ko?"
"Why?" Parang biglang natauhan si Uno, "Oh. Ge." Wala sa sariling sabi nito. Tumayo naman si Winter at naglakad sa kabilang upuan.
**
"Ms. Alonzo," tawag ni Mrs. Sison. Inangat ni Winter ang paningin niya.
"Yes, Ma'am?" Tanong nito.
"Can you sit beside of Mr. Wilson? Napansin ko lang na kayong dalawa ay walang katabi sa upuan niyo. Isa pa kulang nang dalawang upuan sa kabilang section. Plano ko sanang ipahiram muna ang upuan." Sabi nito habang nakatayo sa harapan. Nagbulungan naman ang mga kaklase nito.
"Pero Ma'am-"
"Just sit here, idiot!" Narinig niyang sabi ni Uno. Natahimik ang buong klase at nakatingin lang sa kanilang dalawa. Ilang sandali pa ay nagsalita ulit si Mrs. Sison.
"Sige na Ms. Alonzo. Umupo ka na sa tabi ni Mr. Wilson."
"Yes Ma'am." Tumayo ito at tumabi sa binata.
"Tss. Don't you ever think that I like you here," narinig niyang bulong nang binata. "I just need freakin' slave who can write down notes. Tinatamad ako. Ipagsulat mo ko." Utos nito. Sinulyapan ni Winter si Uno pero agad ring binalik ang paningin niya sa notebook na hawak niya. Hindi niya alam kung bakit pinag-aaksayahan siya ng oras ni Uno. Gusto niya ng tahimik na buhay.
"Just do it freak and I'll treat you lunch. Hindi ka na lugi niyan." Bulong pa nito.
"No need. Ipagsusulat na kita kahit di mo na ako eh libre." Sagot nito.
Hindi maipaliwanag ni Uno pero pakiramdam niya ay iniiwasan siya nang dalaga. Hindi niya naman alam kung bakit siya nito iniiwasan. Kung tutuusin nga ay maging masaya pa ito dahil pinili niyang tabihan siya nito kahit alam nang buong sino na ayaw nito na tinatabihan siya ng upuan. Mas nakukuha ng dalaga ang atensyon ng binata dahil kakaiba ito sa mga babaeng nakakasalamuha niya.
*
"Dude, iba ka rin eh." Nilingon ni Uno si Seb. Nakatambay sila ngayon sa club house nila.
Ang club house nila sa Wilson Academy ay nasa rooftop nang paaralan. Ito ang nag iisang silid na makikita sa rooftop. Malaki naman ang rooftop kaya maliit lang tingnan ang tambayan nila. May mga laroan sila sa loob nito at may mini library para sa kanilang tatlo.
"What?" Inis na wika ni Uno saka umupo sa mahabang sofa at in-on ang flatscreen na TV nito. Agad namang tumabi si Seb at Avo sa kanya.
"We know that she's different but we didn't expect you to like her." Sabi ni Avo.
"Like? Who?" Naguguluhang tanong ni Uno saka pinatong ang paa niya sa mini table sa harap nito at nanuod ulit nang TV.
"Si Winter. Alam namin bro, nararamdaman namin--"
"What the f*ck?" Inis na nilingon ni Uno si Seb.
"’Wag ka nang mahiya dude. Naiintindihan ka namin. Ba’t di mo sinabi na ganun pala ang mga type mo?"
"Maganda naman si Winter ah," singit pa ni Avo. Napabuntong hininga si Uno na parang nagpipigil nang inis. Hinilot niya ang noo niya at pinakiramdaman ang dalawa.
"You, two," malamig na tawag ni Uno, "Shut the f*ck up! I don't f*ckin' like her! She's hella ugly! Com'on Seb, Avo., would you really believe that she's kind of girl that I'm dying to love? She's not one of a kind. She's so simple and innocent. For me she's f*ckin' plain. So boring." Mahabang paliwanag ni Uno at nanuod ulit nang TV. Hindi maipaliwanag ni Uno kung bakit napaka defensive ng pagkakasabi niya nun sa mga kaibigan niya.
"Simple.." parang tinitimbang na wika ni Seb saka tumango-tango.
"Innocent.." ginaya naman ni Avo ang reaksyon ni Seb.
"Plain.." patango-tangong wika ni Seb.
"Boring..." sabi ni Avo. Sabay nagkatinginan ang dalawa at tiningnan si Uno. Parang nakita nila yatang nag supersayan si Uno sa tabi nila kaya agad silang tumayo.
"Were going-- yea, let's go." Nag-uunahan namang umalis ang dalawa. Napabuntong hininga naman si Uno at pinikit ang mata niya.
Alam niya sa sarili niyang namemesteryohan lang siya sa babae at ‘yun lang ‘yun. Ngunit nalalagyan ito ng malisya nang mga kaibigan niya. Tumayo siya at lumabas sa club house. Nasa malawak na rooftop na naman siya. Tiningnan niya ang paligid saka napagdesisyonang maglakad.
Nasa gilid siya nang clubhouse nila ng biglang bumukas ang pinto papuntang rooftop. Akala niya ay kaibigan niya pero nagulat siya nang makita run ang isang babae. Nakasuot ito nang uniporme nila. Nakaputing blouse at maiksing palda. Mahaba ang medyas nito at nakasuot rin nang sapatos.
Simpleng-simple lang ang istudyanteng ‘to. Napaisip siya. Hindi muna siya lumabas sa gilid at pinagmasdan lang ang dalaga. Napakasimple niya. Nanatiling nakalugay ang medyo kulot na buhok nito at natatabunan naman buhok niya ang mukha niya. Nagulat siya nang naglabas ito nang gunting at deretsong ginunting ang nasa harap nitong buhok.
'The f*ck!' Hindi maiwasang sabi ni Uno sa sarili niya nang makita ang dalaga sa kinatatayuan niya. Ginupit nito ang harapang buhok niya para maging bangs pero itanggi niya man alam niyang bagay sa dalaga ang bangs niya.
"Lagi niyo nalang napapansin ang mata ko!" Nagulat si Uno nang mag salita ito. Akala niya pa ay nakita siya nito pero hindi naman siya nito nilingon o pinuntahan. Sinong kausap niya?
"Anong nasa mata ko? Ha! Ano nga bang nasa mata ko at lagi niyo nalang ‘to napapansin?!" Inis na sigaw nito. Ngayon niya lang nakita ang dalaga nang ganito. Mula kasi ng pumasok ito sa iskwelahan nila ay lagging walang emosyon ang mukha niya lalo na ng mga mata niya.
"Hindi niyo naman alam ng istorya ko. Hindi niyo naman alam ang nasa matang ‘to!" Nagulat si Uno nang makitang umiiyak na ito. Hindi siya makagalaw dahil sa pinapakitang emosyon nang dalaga.
"Ito na! Ginupit ko nang buhok ko! Kung naiinis parin kayo dahil nakikita niyo ang mata ko edi tusukin niyo nang karayum ang mata niyo o pilitin niyo nalang ‘wag akong pansinin! Nakakainis kayo!!!!" Galit na sigaw nito. Muling natahimik ang rooftop at napagdesisyonan ni Uno na manatili run hanggang umalis ang dalaga.
Ilang sandali pa ay tumahan na ito at naglakad palabas. Napabuntong hininga si Uno. Kahit siya ay hindi makasagot kung bakit siya nagtatago kung sa katunayan ay teretoryo niya naman ito. Walang istudyanteng nagtatangkang pumunta sa rooftop dahil restricted area ito. Except nalang sa transferee na si Winter. Hindi yata alam nito na bawal puntahan ang lugar na ‘to.
'What happened to her?' Tanong niya sa kanyang isipan habang naglalakad pabalik sa silid nila.