Chapter 4
Nakaupo ngayon si Uno sa tabi ni Winter. Mula kanina nang bumalik siya sa silid nila ay hindi niya matingnan sa mata ang dalaga.
'Why she's acting that way by the way?'
Nakatingin lang ang binata sa bintana habang pinapakiramdaman and dalaga sa tabi niya. Nakita niya sa gilid nang mata niya na nakayuko lang ito habang nakatingin sa mga kamay nito.
Napailing siya. Ano bang pakialam niya sa dalaga? Kung tutuosin ay dapat wala na siyang paki kung ano ang iniisip nang dalaga at bakit siya nagkaganun. The hell he care!
"Where's your notes?" Hindi mapigilang tanong ni Uno kay Winter.
"H-ha?" Nilingon siya nang dalaga.
"I told you I want your notes." Seryosong sabi nito sa dalaga.
"Ah. Oo, akin nalang yung english notebook mo. Dun ko nalang isusulat yung lesson kanina ni ma'am Sison." Diretsong sagot nang dalaga. Di mapigilan ni Uno na titigan si Winter pero hindi man lang nag bago ang reaksyon nang dalaga.
"Pumunta ka mamaya sa rooftop."
"Ha?" Wala sa sariling sagot ni Winter.
"Bingi ka ba o tanga?" Inis na tanong ni Uno kaya napaiwas nang tingin ang dalaga. Nakakapanibago kasing nagtatagalog ang binata. Parang hindi pa siya sanay lalo na't paminsan-minsan lang ito magsalita.
"Akin nalang yung notebook mo ako nang bahala--" biglang tumayo si Uno at tiningnan nang masama ang dalaga. Nilingon sila nang mga ka klase nila pero agad ring iniwas ang paningin nila nang makitang galit ang mukha nang amo nila.
"I'm the Alpha. I'm the ruler. Lahat nang sinasabi ko ay batas. Lahat nang sasabihin ko susundin mo." Yumuko ang binata at magkapantay na ang mukha nila ngayon ni Winter, "At para malaman mo...may rules ako sa paaralang to." Seryosong tuloy nito.
Napanganga si Winter habang nakatitig sa binata. Nilabanan niya ang titig nito pero agad ring yumuko at sumuko.
"Okay sige na. Pupunta ako mamaya."
"Siguraduhin mo lang." Seryosong sabi ni Uno. Naalala niya kasi nung pinaghintay siya dati nang dalaga. Iniisip niya palang parang gusto niya nang sumabog sa inis.
"Pupunta na kasi." Inis na sabi ni Winter kaya medjo napangisi si Uno.
"You should be. Like what I've said, I have my rules here. Wala ka pang alam kaya mas mabuti pang sumunod ka sa lahat nang gusto ko." Inangat ni Winter ang paningin niya at muling nag tama ang paningin nila.
"Rooftop. After class." Tumayo nang maayos si Uno saka ito naglakad palabas. Napabuntong hininga naman si Winter habang nakatingin sa likod nang binata.
"Ibang klase." Nilingon ni Avo at Seb si Winter naka pwesto ngayon sa likod nang dalawang binata.
"Hindi namin akalaing magkakaganun si Uno sayo." Bulong ni Avo.
"She's kinda pretty, dude. Don't underestimate his taste. Look at her," hindi mapigilang mapayuko si Winter sa ginagawa nang dalawang binata sa harap niya. Dinikit niya ang mga daliri niya.
"He just wants my notes." Walang emosyong wika ni Winter.
"Maybe not." Ngumisi naman si Avo.
"She's simple and mysterious. No wonder nakuha niyang atensyon ni Uno." Bulong pa ni Seb. Kinabahan si Winter pero hindi niya pinahalata at pinilit na wag pansinin ang dalawang binata.
"She's pretty. Maybe she's hot too kung aayusan. And theres something in her eyes." Hindi maiwasang mainis si Winter. Lagi nalang napapansin ang mata niya.
'Ano ba kasing problema nila? Andito lang ako sa harap nila pero kung maka react tung mga to parang ang layo-layo ko.'
"Maybe we underestimate him." Ngumisi ang dalawa at tumalikod sa kanya. Napabuntong hininga siya at tumingin sa bintana.
'They always see the mysterious in my eyes but they don't know the story behind this eyes.'
*
"You're late." Pagkapasok palang nang dalaga ay yun na ang sumalubong sa kanya. Nakatayo ngayon ang binata sa gilid nang pinto habang nakatingin sa kanya. Medjo nagulat siya pero hindi siya nagpahalata.
Ang totoo niyan ay kanina pa nakaabang dun ang binata. Ilang minuto narin siyang nakatayo malapit sa clubhouse nila pero wala parin ang dalaga. At nung maisipan niyang puntahan ang dalaga ay narinig niya namang na bumukas nang pinto kaya napahinto siya.
"May tinapos lang ako." Sagot nang dalaga.
"I don't like late. Ako dapat ang inuuna mo." Nagulat si Uno sa sinabi niya saka pasimpleng umubo, "I mean ako dapat ang laging masunod. Akin ang iskwelahan to. Dapat nasa akin ang atensyon nang kahit na sino." Parang gustong suntukin ni Uno ang sarili niya dahil walang ka sense sense ang sinabi niya.
'F*ck it! What's happening to me?!'
"Pasensya na." Nakayukong wika nang dalaga.
"Let's go." Tumalikod si Uno at naglakad papunta sa clubhouse nila malapit sa pinto. Nang nilingon niya ang dalaga ay hindi pala ito nakasunod sa kanya.
"What are you doing? I said let's go!" Inis na wika nito. Napayuko si Winter at dinikit ang mga daliri niya. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa binata.
Nakatitig lang si Uno sa dalaga at muli niyang nasilayan ang kakaibang epekto nang mga mata nito. Hindi naman siya laging naiiyak pero may kung anong meron sa mata niya na nalulunod siya. Huminto si Winter sa harap niya.
"Pwede namang dalhin ko nalang ang notebook mo--"
"I said, no." Pinindot ni Uno passcode nang pinto sa clubhouse nila at diretsong pumasok. Matagal bago sumunod ang dalaga. Nang lingunin niya ulit ito ay nakahawak na ang dalaga sa kwentas niya.
'She has a necklace. An infinity necklace.' Tinitigan niya ang dalaaga pero nang inangat ni Winter ang mata niya at nagtama ang mata nila ay may kung ano na namang sinasabi ang mga titig nito.
"Just sit here," turo niya sa sofa sa mini sala nila sa harap nang tv.
"Dito ba ako magsusulat?"
"Obvious ba?" Inis na wika ni Uno at nilabas ang notebook niya at nilagay sa mini table. Umupo naman agad ang dalaga at kinuha ang notebook sa bag nito.
Habang nakatayo si Uno ay di niya maiwasang tumitig sa dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili niya habang nakatitig sa dalaga. Maganda naman ang dalaga, maputi, makinis, matangkad at di niya matatangging matalino rin ito dahil lage silang pinagpapares nang mga guro nila at halos ang dalaga ang sumagot nang activity nila.
Naglakad si Uno sa mini bar nila at kumuha nang Juice at sandwitch. Naglakad siya pabalik sa harap nang dalaga at nilapag ang dala niya saka in-on ang tv.
"Eat this while you are writing." Hindi nakatingin si Uno kay Winter pero siya ang kausap nito. Tumango naman ang dalaga at nakita yun ni Uno sa gilid nang mata niya.
Umupo naman ang binata sa single sofa at nanuod nalang nang tv. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
"D*mn!" Napabangon si Uno nang mapansin niyang tanging ilaw nalang nang tv ang nagdadala nang liwanag sa silid. Agad siyang tumayo at in-on ang ilaw.
Nilibot niya ang paningin niya at hindi niya na mahanap ang dalaga. Inis siyang bumalik sa kinauupuan niya at nakita niya ang notebook niya sa mini table. Nakita niya rin ang maliit na papel kaya agad niya itong inabot.
'Di na kita ginising kasi ang himbing nang tulog mo. Una na ako. -- W.A'
Napangisi si Uno nang makitang ang ganda pala nang handwriting nang dalaga. Nilagay niya ito sa bulsa niya at kinuha ang English notebook niya saka niya nilagay sa loob nang bag.
*
"Where have you been yesterday dude? Hinanap ka namin sa condo mo." Sabi ni Avo nang makarating sila sa parking lot nang school.
"None of your business." Bulong ni Uno. Umakbay naman si Seb sa kanya at ngumisi.
"You're with her, right?"
"Who?" Inis na tinanggal ni Uno ang pagkakaakbay nito at naglakad papunta sa room nila. Di niya alam kung ba't nagmamadali siya.
"Winter." Agad napahinto ang binata. Tiningnan niya ang dalawang kasama niya.
"She's nothing to me, so stop teasing me with her." Seryosong sabi niya sa dalawa. Tumahimik ang dalawa dahil sa itsura ni Uno. Kahit kaibigan nila ito ay alam nila kung kailan tatahimik at kung kailan iimik.
Naglakad sila nang napadaan sila sa ladies room. Hindi sila huminto pero rinig na rinig nila ang sigaw nang mga babae run.
"She's a poser!"
"No, she's a loser!" Saka sila tumawa.
"Don't mind her. She's so pathetic."
'Tsk!' Pumasok ang tatlong binata sa loob nang section nila. Napabuntong hininga naman si Uno nang nakita niyang hindi pa dumarating ang dalaga. Umupo siya sa pwesto niya at muli siyang kinulit nang dalawang kaibigan niya.
Lumipas ang ilang minuto at pumasok na si Winter sa loob nang silid. Hindi alam ni Uno kung bakit sa twing nandyan ang dalaga ay talagang napapalingon siya. Parang nabagay lang din ang pangalan niyang Winter dahil singlamig pa nang winter ang mga mata niya ngayon.
Umupo ang dalaga sa tabi nang binata. Hindi niya man lang nilingon ang binata at basta nalang nilabas ang notes niya. Napabuntong hininga ulit si Uno.
"You left me last night." Bulong niya sa dalaga. Hindi man lang siya tinapunan nang tingin nang dalaga at yumuko.
"Pwede bang ako nalang magdadala nang mga notebook mo? Ako nang bahala sa lahat. Ibibigay ko nalang after class." Bulong niya. Nainis si Uno sa sinabi nang dalaga kaya binagsak niya ang notebook sa lamesa nila at tumayo. Nilingon sila nang mga ka klase nila pero hindi niya ito pinansin.
"Pag sinabi kong sasabayan kita, sasabayan kita! Wag mo kong galiting babae ka! Ako ang masusunod. Ako ang batas. At gusto ko andun ako pag sinusulat mo ang notes ko!" Narinig pa nila ang bulongan nang mga kaklase niya pero walang pakialam ang binata.
Dinikit ni Winter ang mga daliri niya at pilit nilabanan ang titig nang binata. Nanatiling blanko ang mata niya habang nakatitig rito.
"Pero kaya ko naman kahit--"
"Cut the f*ck up!" Muli niyang binagsak ang libro sa harap nang dalaga. Natahimik ang buong klase at nakatingin lang sa dalawa. Agad namang tumayo ang dalawang kaibigan nang binata.
"Dude, babae parin yan." Bulong ni Avo pero tiningnan lang sila nang masama ni Uno.
"Wag na wag kayong makikialam samin." Seryosong sagot ni Uno kaya agad na umupo ang dalawang kaibigan niya. Muling tiningnan ni Uno ang dalaga na nakatingin parin sa kanya.
"Ako ang masusunod. Naiintindihan mo ba? Isa yan sa rules ko." Galit na bulong niya sa dalaga.
Nagulat siya nang tumayo ang dalaga pero hindi niya ito pinahalata. Malamig siya nitong tiningnan at lahat nang nasa loob nang silid ay nakatitig lang sa gagawin o sasabihin nang dalawa.
Hindi na pinansin ni Winter ang binata at deretsong lumabas silid nila. Tumakbo palabas ang dalaga. Nakatitig lang siya sa likod nito. Ilang sandali pa ay narinig nila ang guro nila sa labas nang silid nila.
"Saan pupunta si Miss Alonzo?" Tanong nito nang makapasok ang guro pero maski isa ay walang nagsalita.
'F*ck it, Wilson! What you did to her?'
Naglakad ang binata sa harap nang guro nila at nagpaalam na pupunta sa clinic para sundan si Winter. Nang mag tanong ang guro nila ay hindi niya na ito pinansin at tumakbo nalang palabas nang section nila.
"Mr. Wilson. Saan ka pupunta?" Narinig niya pang tanong nang nakasalubong niya na guro pero hindi niya pinansin. Naglakad siya paakyat sa rooftop pero pagkapasok niya ay wala ron ang dalaga. Napasabunot naman siya sa buhok niya.
'Where is she?' Inis na tanong niya sa sarili niya. Maglalakad sana ulit siya pababa nang may napansin siya. Dahan-dahan siyang naglakad sa likid nang clubhouse nila.
Nakita niyang may dalagang nakaupo sa gilid nang clubhouse. Nasa itaas siya nang rooftop at kung titingnan mo siya ay para siyang istudyanteng tatalon sa rooftop pero hindi. Nakaupo lang siya run habang nakahawak sa kwentas niya. Yumuko ang dalaga habang nakatingin sa kabuohan nang paaralan.
Napabuntong hininga ang binata at naglakad papalapit sa dalaga.
"Stop right there." Hindi siya nilingon nang dalaga pero alam niyang siya ang sinasabihan nito.
"Uno Wilson...May ari nang skwelahang to, gangleader, rich kid, manipulator" bulong nang dalaga habang nakayuko. "Bakit ba hindi mo maintindihan ang nais kong iparating sayo?" Malamig na tanong nito. Galit na hinila ni Uno ang dalaga. Nagulat ang binata nang muntik mahulog sa itaas ang dalaga pero wala man lang itong reaksyon na nakatingin sa kanya.
"Ano bang gusto mong palabasin?" Galit niya na tanong sa dalaga habang madiin na nakapisil ang mga kamay niya sa braso nito. Hindi ininda nang dalaga ang sakit at deretsong nakatingin sa binata.
"Bakit ka ba nag kakaganyan?" Napahinto si Uno, "Bakit ba umaakto ka nang ganyan?" Seryosong tuloy nang dalaga.
"What? This is the real me." Malamig na sagot nang binata sa kanya at binitawan siya.
"Then stop bothering me." Pabulong na sabi nang dalaga habang nakayuko. Hindi mapigilan ni Uno at madiin niyang niyukom ang kamao niya. Galit siya at hindi niya alam kung bakit.
Dahil ba to sa babaeng nasa harap niya? Maaring natapakan ang p*********i niya dahil sa babaeng to. Yun lang. Walang ibig sabihin ang reaksyon niya. Tumalikod siya sa dalaga at naglakad papunta sa harap nang pinto nang rooftop saka huminto run.
Galit na galit ang binata pero hindi niya alam kung bakit. Inis niyang tinitigan ang pinto at kung may buhay man ang pinto ngayon malamang patay na ito dahil sa mga titig niya.
Nagulat ang dalaga sa pagsuntok ni Uno sa pinto nang rooftop. Ilang beses niya itong sinuntok at umalingawngaw ang ingay sa buong lugar. Nakatitig lang si Winter sa binata.
'Tanga ba siya? Metal naman yang sinusuntok niya. Balewala parin kung ilang beses niya yang suntukin.' Huminto ang binata at nilingon siya. Nilabanan niya ang titig nang binata pero wala siyang ibang makita run kundi galit.
"I'm not going to bother you if......you stop bothering me too." Galit na wika nito saka deretsong lumabas.
Napanganga si Winter sa sinabi niya.
'Me?? Bothering him? Is he crazy?'