CHAPTER 5

2815 Words
Chapter 5 Tatlong araw ang nagdaan at hindi na pinansin ni Uno si Winter. Para sa kanya ay hindi na ito nag e-exist kahit magkatabi lang naman sila nang dalaga. Inaamin niya, natapakan ang p*********i niya dahil pakiramdam niya ay hinihindi-an siya nang dalaga. Siya si Uno Wilson. Mayaman, may-ari nang iskwelahan, tinitingala nang kababaehan at kinakatakutan nang taga Wilson Academy. Nakukuha niya lahat nang gusto niya. Napapasunod niya ang lahat sa utos niya. Pero iba na ngayon. Hindi niya alam kung bakit nakukuha nang dalaga nang ganun-ganun lang ang atensyon niya. Sinulyapan ni Uno ang dalaga sa tabi niya. Ilang araw ang nagdaan at wala paring kibo ang dalaga sa kanya. Minsan pag may activity sila hindi lang ito nag sasalita at pinapakita lang ang result nito sa kanya. 'Hindi ba napapanis ang laway niya dyan?' Inis na binalik ni Uno ang paningin niya sa bintana. "--yes Miss Alonzo?" Nilingon ni Uno ang Guro nila sa harapan nang tinawag nito ang dalaga. Tumayo ang dalaga kaya inangat ni Uno ang paningin niya. "Ma'am may I go out? Pupunta lang po ako sa clinic. Masama lang po talaga ang pakiramdam ko." Pinayagan siya nang guro at deretso naman siyang lumabas. 'What happened to her?' Kanina nang pumasok ang dalaga ay napansin niya na na matamlay ito. Oo, madalas itong walang imik pero may iba sa kanya ngayon. Napabuntong hininga naman si Uno. 'Why would I care?' Tss! Pagkatapos nang math na klase nila ay dumeretso na siya sa cafeteria at bumili nang makakain. Nakita niya namang nakasunod lang sa kanya ang dalawang kaibigan niya. Sa katunayan ay kanina pa siya kinukulit nang dalawa niyang kaibigan na pumunta nang bar. Wala siya sa mood kaya hindi niya nalang pinapatulan. "Dude, a-attend ka ba sa dance fest next month? Sa pagkakaalam ko kailangan yun every section." Sabi ni Avo habang kumakain sila sa cafeteria. "There are lot of chix niyan mamen!" Manyak na sabi ni Seb at nag apir pa silang dalawa ni Avo. "By partner yan diba? I'll guess, si Bella ang pipiliin mong maparner noh?" Tumawa si Avo habang tinutukso si Seb. "No way!" Maarting sabi nito. "Mas hot naman si Trinity." Ngumisi si Seb. "Back off, bro. Ako ang partner nun, dun ka sa hipon mo!" Tumatawang sabi ni Uno. Ngumisi naman si Uno kaya siya ulit ang kinulit nang dalawa. "How about you, dude? Sheena is fine. She can be your partner since siya naman ang muse nang section." Sabi ni Avo kay Uno. May mga officer narin kasi sila sa section nila at maganda rin naman ang muse nila. Napailing nalang si Uno. "She's not my type." Umiiling na sabi nito. Nagtinginan naman ang dalawa. "How about the secretary?" Tinaas taas pa ni Seb ang kilay niya. "Si Winter Alonzo?" Tanong ni Avo. Ngumiti naman nang nakakaloko si Seb pero hindi lang ito pinansin ni Uno. "I think she's also the president of writing club." Tuloy ni Avo. Napatingin ang dalawa sa kanya. "Well, narinig ko lang kasi kahapon dun sa club meeting at nakita ko siyang nakatayo. Nung pumasok ako nakita ko ang pangalan niya sa name nang President sa club." Mahabang paliwanag nito. "She's really good. Kaya nga gusto ni Uno na maging tigasulat niya si Winter." Tumango tangong sagot ni Seb. Napabutong hininga si Uno at tumingin sa labas nang cafeteria. Kitang-kita kasi ang nasa labas nang cafeteria dahil sa glass lang naman ang nakapalibot rito. Nakatingin lang siya sa labas habang nasisidaanan ang mga istudyante. 'Bakit niya ba laging naiisip ang dalaga?' Hindi niya maiwasang mainis sa sarili niya pero pinipigilan niya parin ang sarili niyang sugurin at hanapin ang dalaga. "--Williams Academy." Biglang binalik ni Uno ang paningin niya kay Avo at Seb. "Gusto nila nang laban mamaya." Seryosong sabi ni Avo. "Hindi ba talaga sila nag tatanda? Ilang beses na natin silang natalo. Ilang beses narin nating napatunayan na mas malakas parin ang Wilson Academy kesa sa mga pipitsuging mga gang nila!" Sagot ni Seb. "Accept the fight." Seryosong sagot ni Uno at tumayo. "We will fight them. Mauna na muna kayo sa room. Sabihin niyo excuse ako." Tinanong siya nang dalawang binata pero hindi niya ito pinansin at diretsong lumabas. Dumiretso siya sa locker niya at pasimpleng sumulyap sa kinaruruonan nang locker ni Winter pero hindi niya yun nakita. Napabuntong hininga siya at sinirado ang locker niya. Gusto niyang sabihin kay Winter na gusto niya itong makapartner sa dance fest nila. Ang sabi nang P.E teacher nila ay sa byernes na magsisimula ang practice nila. Hindi niya alam kung papaano niya sasabihin sa dalaga lalo na't hindi naman sila nagkikibu-an. Di niya namalayang naglalakad na pala siya papuntang clinic. "Mr. Wilson, what are you doing here?" Tanong nang nurse sa school. "Migraine." Deretsong sagot niya at pumasok sa silid. Napansin niyang nakalaylay ang kurtina sa pinakadulo kaya alam niyang andun ang dalaga. Diretso naman itong naglakad sa ikalawang higaan kasunod nang pinakadulo. Humiga siya run at pinikit ang mata niya. "Hindi niyo po ba iinumin tong gamot?" Tanong nang S.A nila. "Nah. I need to sleep. Go away." Agad namang lumabas ang S.A saka sinirado ang pinto. Humarap si Uno sa kurtinang nasa harap niya. 'Gising kaya siya?' Napailing siya. Bakit niya ba pinag aaksayahan nang oras ang babaeng to? Napaupo siya at sinandal ang ulo niya sa headbord  ang kama. "Are you awake?" Hindi sumagot ang dalaga kaa medjo nainis siya. "Stop ignoring me." Seryosong sabi ni Uno. Hindi parin sumagot ang dalaga kaya napakunot ang noo niya. 'Ano bang problema niya at hindi niya parin ako pinapansin?' Inabot niya ang kurtina niya para mabuksan ang kabila at nung mabuksan niya ay nakita niyang natutulog si Winter. Nakahiga ito habang nakayakap sa kumot nito. Nakakunot ang mga noo at humihilik pa. Seryoso lang si Uno na nakatitig sa dalaga at hindi niya na sinirado ang kurtina sa pagitan nila. 'Mali to. Bakit ko ba to nararamdaman?' Gusto niyang iiwas ang paningin niya pero hindi niya magawa. 'Hindi kita dapat magustuhan. Hindi ikaw ang tipo ko.' Umiling si Uno. Humarap siya sa kesame at seryosong tumitig sa ilaw sa silid. Bakit ba siya nagkakaganito? Hindi niya makontrol ang sarili niya. Parang hindi siya si Uno sa twing nasa paligid ang dalaga. Ano bang meron sa kanya at nakakaramdam siya nang ganito? Narinig niyang umuungol ang dalaga kaya napalingon siya sa katabi niyang kama. Nakakunot parin ang noo nito habang mahigpit na nakayakap sa kumot nito. Hindi maipagkakailang may nararamdan nga siya sa dalaga pero alam niyang hindi ito tulad nang iniisip nang mga kaibigan niya. Muling umungol ang dalaga kaya napabangon siya at pinagmasdan ito. Ilang sandali pa ay umiiyak na si Winter habang natutulog. Nagulat si Uno sa pag iyak nang dalaga. 'Why is she crying?' Hindi siya makalapit sa dalaga. Nagulat nalang siya nang bumangon si Winter. Nakayuko ito habang nakapatong ang mga braso nito sa tuhod niya. Niyakap niya ang tuhod niya at saka pinatong ang noo nito sa tuhod niya. Nagulat si Uno nang bigla nalang itong napahagulgul. Hindi naman masyadong malakas pero sapat lang para marinig niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga. "Are you okay?" Tanong niya. Inangat nang dalaga ang ulo niya at pinagmasdan ang binata. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ni Uno nang tinitigan siya nang dalaga. Ayan na naman ang mga titig niya. Ang mga mata niya. "I'm not okay." Halos pabulong na sagot nang dalaga, "Why are you here? You're always following me!" Walang emosyon na sabi niya sa binata. Hindi naman makasagot ang binata sa sinabi niya. "Please stop showing up! Ayoko sayo! Gangleader! Arrogant! Conceited! Please! Get lost!" Hindi naman sumigaw ang dalaga pero pakiramdam niya ay nabingi siya sa sinabi nito. Ngumisi siya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa dalaga. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya at umiling. "Did you think I'm following you?" Di makapaniwalang tanong nito, "Masyado mo namang napapansin lahat nang kilos ko at nagiging assuming ka pa." Seryosong sabi nito. "Then, why are you here?!" "Don't shout at me lady!" Seryosong sabi nito, "Nakakalimutan mo yata kung sino ako. Sa ating dalawa ako ang may mas karapatan sa lugar natu at sa kamang hinihigaan mo!" Galit na wika nito. "Don't be flattered lady. I'm not attracted to you kung yan ang iniisip mo." Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang dalaga. Madiin niyang niyukom ang kamay niya sa bulsa niya. Napayuko ang dalaga dahil sa sinabi nang binata. Pinunasan niya ang luha niya at nag ayos. Tumayo siya at hinarap ang binata. "I'm sorry. Ayoko lang nang nakikita ka--" hinawakan ni Uno ang braso nang dalaga nang akmang maglalakad ito. "Wag kang feeling.." hinarap ni Uno ang dalaga at nginisihan ito, "Gaya nga nang sabi ko, hindi kita type." Marahas niyang binitawan ang dalaga, "At sa susunod, matuto kang matakot sa kaharap mo. Malamang pinagbibigyan ko lang ang talas nang dila mo pero hindi mo nanaisin pag nagalit na ako. Baka gusto mong ipakilala ko sayo kung sino si Uno Wilson sa lugar nato." Seryosong sabi nito. Yumuko si Winter. "I'm sorry. Hindi na mauulit." Hindi siya binitawan ni Uno saka niya napansin na nakahawak na pala ang dalaga sa kwentas niya. 'Ano bang meron sa bagay na yan?' "Pwede na ba akong umalis?" Nakayukong tanong ni Winter. Binitawan naman agad siya nang binata. "Don't you dare talk back again." Bulong ni Uno na sapat lang para marinig nang dalaga. Hindi niya ito sinagot at lumabas na sa silid. * "Hindi ka parin ba nagsasawa sa pagiging talunan mo at talagang hinamon mo pa ulit kami?" Nakangising sabi ni Avo habang nakatingin sa kabilang bahagi nang lugar. They are surrounded with the Williams Academy gangs and punks. They are high schooler but the gangleader of each group are not minors anymore. Uno, Avo and Seb are not sh*tty-teens but some of their gangs are teens. Most of their gangs are minors but they know how to fight because aside from being active in academic, all of the students in Wilson Academy, specially boys, are required to join the club of judo, boxing and wrestling. Hindi rin naman tumanggi ang mga magulang nito dahil kailangan nila ito lalo na sa self defense nila. Yun nga lang hindi lang para sa self defense ang pinag-aralan nila. "Stop the act, Avo. You are loser! You didn't fight well." Sagot nang kabilang kampo. Williams Academy is also a school wherein all the students are almost the same with the Wilson Academy. They were trained to be fierce, cold and cruel but they can't match the Wilson Academy. Wilson Academy is very popular and they have wealth. Although Williams Academy are for rich kids, the students in Wilson Academy are naturally wealthy and powerful in the society. "Shut up, Grendel." Seryosong sabi ni Uno sa leader nang Williams Academy. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa hood nang kotse niya. "Arrogant as ever, Uno Wilson." Nakangising sagot ni Grendel. "You can't change that." Ganting sagot ni Uno at ngumisi. Nawala ang ngiti sa labi ni Grendel at nilabas nang mga kasama niya ang mga baseball bat nila. Agad rin namang kumilos ang mga kasama nila Uno at kinuha ang kanya-kanyang baseball bat nila. "Always ready." Bulong ni Grendel. "Bakit hindi mo nalang iharap samin si Hades para matapos na." Pagtutukoy niya sa kapayid ni Grendel. Sumeryoso ang mukha ni Grendel habang nakatingin sa binata. "Wag mo siyang idamay rito." Seryosong sagot nito. "Bakit? Natatakot ka bang mahanap namin siya?" "Hindi mo alam ang pinagsasabi mo. Wag ang kapatid ko." Galit na sabi ni Grendel. "Then, stop messing us! You and your f*ckin' hella gangs are loser so you better keep them and let them suck their f*ckin' thumbs like a hella baby!" "Don't insult us! Hintayin niyong bumalik siya! Makikita niyo ang hinahanap niyo!" "I'm scared." Kunwaring takot na sabi ni Seb saka sabay-sabay silang tumawa. Hindi nakapagtiis ang kalaban at sinugod sila. ** "Piece of cake." Bulong ni Avo nang makita niyang halos maubos na ang kalaban nila. Nakita niya pa si Uno na sinusuntok si Grendel. Lumapit siya sa dalawa at pinigilan si Uno. "Let's stop dude. Baka maabotan tayo nang parak." Sabi nito at hinila si Uno. Tinanggal ni Uno ang pagkakahawak ni Avo sa kanya at muling sinuntok si Grendel. "Stop messing with us! You piece of sh*t!" Galit na sabi nito at naglakad palabas sa bakanteng gusali. Sumunod naman ang mga kasamahan nila. Pinunasan ni Uno ang kamay niya na may dugo pa ni Grendel. Inis niyang nilingon si Avo at Seb na nasa tabi niya ngayon na naka hawak sa baba nila. "You let that ass kicked your face, huh?" Sarkastikong tanong ni Uno sa dalawa. "You can't blame us bro, gag* yun! Hindi marunong lumaban nang patas." Inis na sabi ni Avo. "Nasa dugo nila yun." Sagot ni Seb sa kanan niya. "Even his brother Hades. Kahit saan niyo sila dalhin walangya talaga silang lumaban. Hindi patas bro." Lumigon si Uno kay Avo bago sumakay sa kotse niya. "What do you mean?" Seryosong tanong nito. "Nothing dude. Wala naman silang laban satin." Ngumising sagot ni Avo at inakbayan si Seb. Hindi na sila pinansin ni Uno saka pumasok sa kotse niya. * Kinabukasan. Byernes ngayon at may klase sila sa P.E kaya deretso silang pumasok sa gym. Lahat nang mga lalaking kaklase ni Uno ay naglalaro nang basketball habang si Uno, Seb at Avo naman ay bored sa panunuod sa kanila. "Mamayang uwi-an ang practice natin para sa dance fest ha," announce nang president nila sa section. Napansin ni Uno si Winter sa kabilang side nang court. Mag isa lang ito habang nanunuod nang basketball. 'May parner na kaya ito?' Napailing siya at tinitigang mabuti ang dalaga. She's always alone! 'What's new?' Lagi naman talaga itong mag isa sa twing nakikita niya ito. Tinitigan niya ang dalaga na seryosong nanunuod nang basketball. Di niya mapigilang mapaisip tungkol sa dalaga. Isang ordinaryo lang naman itong istudyante pero bakit iba ang impact nito sa kanya. Ilang sandali pa ay nakita niyang lumapit ang grupo ni Bella sa dalaga. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan sila. Blanko lang ang mukha ni Winter habang nakatingin sa dalawang kasama ni Bella sa harap niya. Tiningnan sila ni Uno at hindi maikakailang inaaway nila ang dalaga pero wala man lang itong reaksyon. Ilang sandali pa ay tumayo na si Winter pero tinulak lang siya nang mga kasama ni Bella. Napatayo si Uno pero hindi siya gumalaw at nakatitig lang siya sa pwesto nila. Tumayo si Winter saka ito tumalikod sa tatlong istudyanteng nasa harap niya saka nag lakad palabas ng gym. Agad namang sinundan ni Uno si Winter saka siya huminto sa harap nang locker niya. "Bakit mo ako sinusundan?" Inis na tanong nang dalaga. "I'm not following you." Walang emosyon na sagot ni Uno saka kunwareng binuksan ang locker niya. Nakita niya sa gilid nang mata niya na nakayuko lang ang dalaga habang nakatingin sa locker niya. Napabuntong hininga naman si Uno. 'Bakit ko ba siya sinundan dito?' Inis na tanong niya sa kanyang sarili. Nilingon ni Uno si Winter at nagulat siya nang mag tama ang mata nila. "What?" Kunwareng tanong ni Uno at sinirado ang locker niya pero nanatili paring nakatayo sa harap nito. Umiwas nang tingin ang dalaga. What's her problem? Bakit ba sa twing nakikita ko siya lagi nalang siyang ganyan? Walang emosyon ang mukha niya pero may kakaiba naman sa mata niya.  Hindi namalayan ni Uno na nasa harap niya na pala ang dalaga. Hindi niya napansin at kusa siyang lumakad papalapit sa dalaga. "B-bakit?" Tanong ni Winter sa kanya pero wala pareng emosyon ang mukha niya. "Bakit hindi ka lumaban sa kanila?" Tanong niya. "Gusto mo bang e-bully ka nang mga istudyante rito? Magiging laruan ka nila pag hindi ka lumaban." Hindi niya alam kung anong pinagsasabi niya at bakit niya ba to sinasabi sa kanya. Wala naman talaga siyang pakialam pero di niya mapigilan ang sarili niya. "Wala namang magbabago kung papatulan ko sila." Nakita ni Uno ang emosyon sa mata nito. Lungkot. Napailing siya. "Wala namang masamang lumaban." Bulong nito sa kanya. "Para sayo, wala." Napatingin ang dalaga sa likod nang binata kaya napalingon rin siya rito. "Dude!" Nakita niyang papalapit sa pwesto nila si Seb at Avo. "Kanina ka pa namin hinahanap. Practice na daw para sa dance fest. Tara!" Nilingon niya ulit si Winter pero wala na ito sa harap niya. 'Langya talaga ang babaeng yun!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD