CHAPTER 6

3022 Words
Chapter 6 Winter's Point of View Tahimik. Loner. Misteryosa. Yan ang lagi nilang sinasabi sakin pero isa lang naman akong normal na istudyante tulad nang iba dyan. Para sakin mas normal ako kesa sa mga istudyante sa paligid ko. Deretso akong lumabas sa main building nang Wilson academy saka ako dumeretso sa junior building. Naglakad ako papunta sa rooftop nitong building kung saan hindi ko siya makikita. 'Uno Wilson' Isa siya sa mga gangster na nakilala ko. Well, siguro iba siya dahil nasa ibang sitwasyon kami ngayon. Dumeretso ako sa itaas saka ako umupo. Tanaw na tanaw ko ang buong Wilson Academy. Ang senior high building pati narin ang main building kung saan makikita ang gym, faculty, admin at clinic. Sa di kalayuan at natatanaw ko rin ang tinatayo nilang bagong building para sa college. Plano nang paaralang to na gawing unibersidad ang lugar. Tama ba tong paaralan na pinasukan ko? Ako si Winter Alonzo. First time kong makapag-aral sa ganitong paaralan at ito ang unang pagkakataon na marami akong nakikitang istudyante sa paligid ko. Ito naman talaga ang gusto ko nuon pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nakatulala lang ako sa langit habang pinagmamasdan ang magagandang tanawin. Maganda at napakasariwa nang hangin sa lugar nato. Bakit ko ba kinukwestyon ang pag pasok ko sa iskwelahan na to kung ganito naman pala ito kaganda. "Look who's here," I heard her voice again. Lumingon ako sa likod and here she is. She look at me mockingly. Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit nang papalapit siya sakin. "Trinity," sambit ko nang nasa harap ko na siya. Napansin kong may kasama siya pero binalik ko ulit sa kanya ang mata ko. "Bilib na talaga ako sayo, Winter." Pumalakpak pa siya. "Akala ko hindi ka makakasurvive sa lugar nato. You're really an Alonzo." Ngumisi pa ito. "What do you want, Trinity?" Tumawa siya, "Lalong tumatagal nagiging misteryosa ka parin sa mga taong nakapaligid sayo." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "You're not even beautiful pero bakit inggit na inggit sayo si Bella?!" Tinaasan niya ako nang kilay. "Just try to be straight to the point, Trinity." "Winter, Winter, Winter. Wag na wag mong gagamitin sakin ang malamig na boses na yan. Kung hindi ko lang kaibigan ang kuya mo ay hindi kita pagbibigyang pansin. By the way, this is Jeric. Classmate natin siya and he wants to be your partner." "My partner?" "Yes?" Humarap naman sakin ang tinawag niyang Jeric. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. "Siya ang magiging partner mo sa dance fest." Paliwanag nito. "Hindi ako sasali--" "Hindi pwede yan. Isipin mo nalang na ginagawa ko to para sa kuya mo." Maldita na sabi nito kaya napabuntong hininga ako, "Iiwan ko muna siya sayo, Jeric. Please be good to her." Napahawak ako sa kwentas ko nang iniwan ako ni Trinity kasama ang lalaking to. Naalala ko siya. Kaklase ko siya at nakaupo siya sa likod ni Trinity. Lumapit siya sakin pero blanko lang akong nakatitig sa kanya. "Stop." Seryosong sambit ko nang makita kong tatlong metro na ang layo namin. Napaisip ako. Andito kami ngayon sa junior high building at nasa rooftop kami. Hindi ako pwedeng manatili nang kahit isang oras kasama ang lalaking nasa harap ko. "Are you afraid--" "Of course not." Sagot ko, "Ayokong makapartner ka. Pwede ka nang umalis." Napabuntong hininga siya. "Ayaw ko rin namang makapartner ka pero--" napakamot siya sa ulo niya, "Nakiusap kasi sakin si Trinity. Ayoko siyang tanggihan. Wag kang mag alala hindi ako lalapit sayo kung hindi kailangan. Sinabi sakin ni Trinity ang mga dapat at hindi dapat kong gawin." Tuloy niya. Tinitigan ko siyang maigi. Hindi naman siya katangkaran. Hindi rin siya gwapo at lalong hindi rin siya pangit. Neat kung manamit at tulad nang ibang istudyante ay mayaman rin ang isang to. Mapagkakatiwalaan ko ba ang isang to? "Kailangan ko lang nang partner. Yun lang. Wag ka nang chossy! Hindi ka naman maganda." Narinig ko pang bulong niya. Parang tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Tiningnan ko siyang maigi at napangisi ako. "You're a gay?" Nagulat siya sa tanong ko at tumingin sa paligid. "Are you nuts? Ssshh!" Saka niya muling nilibot ang paningin niya. "Just be my partner okay? Ayoko rin naman sa mga kaklase nating babae dahil natatalbugan nila ang p********e ko." Tumikhim pa ito, "Kaya mas pipiliin kong sayo nalang para at least umangat naman ang ganda ko." He rolled his eyes. Napatawa ako sa isipan ko. Kung sa unang tingin hindi talaga halata na bakla siya. Muli kong tiningnan ang kabuohan niya. Lalaking lalaki siya sa suot niyang uniform. "Okay. Tara na sa baba." Yaya ko sa kanya at naglakad pabalik sa gym. ** "Just be sure na wala kang pag sasabihan kung hindi sasabunutan talaga kita!" Narinig kong sabi niya nang papasok na kami sa loob nang gym. "Oo na." "Good. Kayo lang ni Trinity ang may alam kaya wag na wag mong ipagkakalat. Intende?" Tinaasan niya pa ako nang kilay. Tinitigan ko siya saka tumango. "At isa pa, pwede ba ngumiti ka naman? Wala akong makitang emosyon sayo! My goodness! Hindi ko alam kong natatawa o naiinis ka na ba? Hindi ko rin alam kong nagulat ba kita, ano bang problema nito?!" Narinig ko pang bulong niya pero hindi niya ako hinarap at dumiretso lang siya sa loob nang gym. Nakuha namin ang atensyon nang ibang istudyante pero tulad nang lagi kong ginagawa ay hindi ko nalang ito pinansin. Nakita ko ang mga kaklase ko sa harap ni ma'am. Tumakbo kami ni Jeric papalapit run kaya naagaw rin namin ang atensyon nila. "Mr. Heras at Ms. Alonzo. You're late!" Yumuko ako. "I'm sorry ma'am." "Okay. Find your partner tapos formation na. The class president will show the formation later. Go!" "Ma'am she's my partner." Sabi ni Jeric. Biglang tumahimik ang mga kaklase namin kaya nilingon ko ang nakakumpol na nakaklase ko. Huminto ang panigin ko sa gitna at nag tama ang paningin namin. "Okay Mr. Heras at Ms. Alonzo, pumwesto na kayo." Dumiretso kami sa nagkumpulan kong mga kaklase. Naramdaman kong hinawakan ni Jeric ang bewang ko at pumwesto kami sa likod. "Get off your hands, Mr." Bulong ko. "Alangan naman hindi kita hawakan?! Paano ko yun gagawin habang sumasayaw? Tanga ka?" Nakangiting bulong niya malapit sa tenga ko pero naramdamaan ko ang inis sa boses niya. Nilibot ko ulit ang paningin ko at nakita kong nakangisi lang si Trinity habang kaharap niya ang partner niya. Kilala ko ang partner niya. Siya rin yung laging kasama ni Uno. Hinanap ko nang mata ko si Uno pero hindi ko siya mahanap. Nag simula na ang tugtog at pumwesto na ang mga classmates ko pati ang choreographer sa harap. 'Nasaan ba ang lalaking yun?' Mula nang nag aral ako sa paaralang to ay lagi nalang sumusulpot o minsan nawawala ang lalaking yun. Napailing ako. Gusto ko siyang iwasan dahil may iba akong nararamdaman sa mga kilos niya. Hindi naman sa masyado akong assuming pero pakiramdam ko ay naengkanto ko siya. Napailing ako. 'Nice choice of word, Winter.' "Tabi!" Napalingon ako sa likod namin at nakita namin si Uno at katabi niya yung isang kaklase namin na babae na hindi ko kilala. Napansin naming napahinto rin ang ibang kaklase namin at tiningnan lang kami. "Ha?" Naguguluhang tanong partner ko pero nang tinignan siya nang gangster sa gilid ko ay yumuko siya. "Alis!" Saka niya ako hinila palayo sa partner ko. Nagulat ang mga kaklase ko sa ginawa niya pero mas nagulat ako. Inangat ko ang paningin ko sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Hinawakan niya ang bewang ko ang mas nilapit ang katawan namin. Hindi ko magawang iiwas ang paningin ko pero nanatili parin akong nakatitig sa kanya. Those dark orbs eyes are staring at me. Naramdaman kong umalis si Jeric sa harap namin at pumwesto sila malayo sa kinaroroonan namin. Muling nagpatuloy ang practice pero hindi maiwasan ang pasulyap-sulyap na ginagawa nila samin. Hindi ako gumalaw kahit na nakahawak siya sa bewang ko. Nakatitig siya sakin na para bang may gusto siyang sabihin. "Why are you holding that again?" Saka niya tiningnan ang kamay ko na nakahawak sa kwentas ko. Umiwas ako nang tingin. "Bakit mo ginawa yun kay Jeric?" "Bakit siya ang partner mo?" "Hindi mo ba alam na nakiusap sakin yung tao--" "Ginawa ko lang ang dapat." Ngumisi siya, "You should be thankfull because I saved you from the bad dancer." Tinitigan ko lang ang mukha niya pero sumeryoso siya. "Now, dance." Utos niya. Kanina pa kasi kami hindi gumagalaw rito sa likod pero hindi naman kami pinagalitan nang choreographer. "Hindi mo na sana ginawa yun." Nilingon ko si Jeric pero naiinis ang mukha niya habang nakatitig sa kapartner niya. Sa pagkakaalam ko ay siya ang muse namin kaya siguradong umuusok na ang tenga ni Jeric dahil sila ang magkapartner ngayon. "Stop looking at him." Nilingon ko ang nasa harap ko. "Ha?" "Dance." Seryosong utos niya at mas nilapit ang katawan ko sa bewang niya. Ginamit ko ang kamay ko para iharang sa dibdib niya. "Why are you doing this?" "Doing what? Dance. I won't repeat myself again." Umiwas ako nang tingin. "Winter." Nilingon ko siya at nakita ko ulit na mas naging seryoso siya. Mas nilapit niya pa ang katawan niya. Gamit ang isang kamay niya hinawakan niya ang isang kamay ko at nilagaay sa likod nang leeg niya niya. "I don't want to dance." "Really? I saw you. You enjoyed your dance with that f*ckin loser. Dance or else.." tumingin ako sa harapan at nagsimulang sumunod sa steps na tinuturo sa harapan bago pa siya magalit nang tuluyan. Ano bang problema nang gangster na to? "That's good." Bulong niya. Napansin kong sobrang lapit niya na sakin at nararamdaman ko ang paghinga niya sa tenga ko. Napapikit ako at napalunok. Jezaaz! I don't want this. All my life, I never dance with anyone except with my brother. But he's not here now. Muli kong naramdaman ang likido sa mata ko at pakiramdam ko ay tutulo ito kaya muli kong dinilat ang mata ko. Nagtama ang paningin namin ni Trinity pero iniwas niya ang paningin niya. "Ikaw ang partner ko sa lahat. Sa ibang subject at kahit sa ibang okasyon. Wala kang ibang magiging partner kundi ako. That's an order." Inangat ko ang paningin ko sa kanya pero hindi niya man lang ako tinapunan nang tingin. Napabuntong hininga ako. Ayoko siyang awayin. Ayokong magalit sa kanya at lalong mas ayaw kong mapalapit sa kanya. Dilikado siya. Hindi masasayahan si kuya pag nalaman niyang kumakaibigan ako sa isang gangster. Teka, kaibigan? Hindi ko siya kaibigan. Kaklase ko lang siya. Yun lang! "Do you like me?" Wala sa sariling naitanong ko sa kanya at deretso lang na nakatingin sa mukha niya pero hindi man lang siya yumuko para tingnan ako. Tinanggal ko ang kamay ko sa leeg niya at dahan-dahan ko itong binaba papunta sa dibdib niya para maiwasan ang pagkakalapit namin. I felt his body tense. "Sana mali ang iniisip ko. I don't like you. You don't interest me, too." Mas humigpit ang hawak niya sakin. Natapos ang practice pero hindi parin kami umaalis sa pwesto namin. "I don't like you too." Yumuko siya at tinitigan ako sa mata. "You are assuming....and amusing." Tuloy nito pero seryoso paring nakatitig sakin. Bumitaw siya sakin at nilagay ang kamay niya sa bulsa niya. "I'm sorry. I don't really like you." Nakayukong sabi ko. "Please don't come near me again." Pakiusap ko. "The feelings is mutual b*tch." Malamig na sagot nito. "Apparently, I can't do that. I'm always near wherever you are so bear it. I need you. Welcome to hell, by the way." Tuloy niya. Napaangat ang paningin ko, "You are my slave now. Lahat nang utos ko susundin mo gaya nang mga ginagawa nang mga istudyante sa paaralang to. I owned them, then, as well as you Alonzo. Stop putting your hope too high. This is hell and I'm just welcoming you to my world." Tumalikod siya at deretsong umalis sa gym. Naiwan ako sa gitna habang tiningnan nang mga istudyante sa paligid. 'Hell? I'm already in hell, Mr. Wilson. ' * Pumasok ako sa shower room nang gym at naligo para makapagbihis. Naramdaman ko ang malamig na tubig na umagos mula sa ulo ko papunta sa katawan ko. Napapikit ako at unti-unting tumulo ang luha sa mata ko. Hinawakan ko ang leeg ko pababa sa katawan ko. Malamig ang tubig pero hindi dun naka focus ang atensyon ko. Unti-unting bumabalik sakin ang alaala ko nung nakaraang taon. Ang mga alaalang nagbago sakin. Ang mga alaalang sumira sakin ngayon. In-off ko ang shower at kinuha ang towel ko saka nagbihis. Nang makalabas ako sa isa sa mga cubicle nang shower room at nakita ko si Bella kasama at dalawang alalay niya. Napailing ako. "B*tch! Ang saya mo siguro at nakapartner mo si Prince Uno." Prince Uno my ass. Hindi ko naman gustong makapartner ang lalaking yun bakit ba laging big deal yun sa kanila? Lumapit silang tatlo sakin with those b*tchy smile on their face. They are always like this. They bullied me but I don't give a d*mn. "Uuwi na ako." Sabi ko at lalagpasan na sana sila. "Not so fast, dear." Binitawan niya ang braso ko at kumuha nang alcohol sa bag niya at nilagyan ang kamay niya. "What do you want?" "Stay away from him." "You should tell that to him." Tumawa naman sila sa sagot ko. "At sa tingin mo ay si Prince Uno pa ang naghahabol sayo? Wake up, b*tch!" Naramdaman ko namang hinawakan ako nang dalawang kasama niya. Hinawakan nila ang braso ko at hinarap ako kay Bella-the-freak. "Bitawan niyo ko." Tumawa lang sila. "Mamahalin tong alcohol ko. You should be honor dahil isasampal ko ang kamay ko sayo na may mamahaling alcohol." Tumawa sila. "Saglit lang to. Be patient." Saka niya ako sinampal sa kanan. "Stay away from him." Muli niyang sinampal ang kaliwa ko. "Don't talk to him." Sinampal niya ulit ako sa kanan. "I hate you." Sinampal niya ulit ako. "You should hate him too." "He don't like you." "You're just nothing!" "B*tch!" Bawat salitang binibitawan niya ay kapalit ay sampal sa mukha ko. Hindi ako umiyak o nagmakaawa. I don't give her a pleasure in torturing me. Napaupo ako nang tinulak ako nang dalawang kasama niya. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko silang nakangisi. "Last warning freak. Stay. Away." Saka sila naglakad palabas at iniwan ako sa loob nang mag isa. Lagi nalang ganito ang eksena. Kung naging comedy sana ang storya ko ay tatawagin ko silang mga banyo b*tches. Tumayo ako at humarap sa salamin. Nakita ko ang pamumula nang pisngi ko at napansin ko rin na dumudugo ang gilid nang labi ko. Pinunasan ko ito at naghilamos. Pag angat ko nang paningin ko ay nagtama ang paningin namin ni Trinity sa salamin. "Alam nating dalawa na kayang-kaya mong labanan ang tatlong yun." Ngumisi siya. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig sa kanya. "But you chose not to hurt them. Why Winter? Natatakot kabang makilala nila?" "I don't give a d*mn." "Your brother will be disappointed with you. Tinuruan ka niya pero hindi mo ginagamit ang lakas mo para laban ang mga pangit na yun." Tumalikod siya at umalis. Napailing ako. 'Kuya..' napabuntong hininga ako at lumabas. Tinali ko ang buhok ko at naglakad papunta sa gate. Nang makalabas ako ay nakita ko na naman siya sa tabi nang kotse niya. Hindi ba siya nagsasawa na lagi niya nalang akong nakikita? Tiningnan niya ako at nung mag tama ang paningin namin ay sumeryoso ang titig niya. Nilampasan ko siya at deretsong naglakad papalayo sa paaralan. "Dededmahin mo ko ngayon?" Hindi ako huminto pero hinabol niya ako. "You should listen to the Alpha, b*tch." Hinarap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko pero agad ko itong iniwas nang maramdaman ko ang pamamanhid nito. "Are you hurt?" "Stop it, Wilson." Malamig na wika ko. "Please stop bothering me. Hindi mo parin ba naiintindihan ang gusto kong mangyari ha?" "Watch your mouth." Seryoso at galit niyang sabi sakin. Hindi ko namalayng nagtitigan na pala kami sa labas nang Wilson Academy. Tinitigan ko ang mukha niya. Gwapo siya pero mapanganib. Nakasuot siya nang uniform at naka leather jacket. Siguro kung tulad lang ako nang crazy-s***h-clingy-s***h-teenage-girly student ay magugustuhan ko siya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tumalikod sa kanya. Hindi niya naman ako hinabol o sinundan kaya deretso lang akong naglakad. Mapanganib ka Uno. Hindi naman malayo ang condo ni kuya sa paaralang to kaya nilakad ko nalang. Nadaanan ko pa ang 7/11 kaya pumasok ako at bumili nang pwedeng kainin saka naglakad ulit papunta sa condo. Mula sa school papuntang condo ay mga 7minutes lang pag nilakad. Hindi talaga malayo at lalong mas madali sakin dahil hindi ko na kailangan nang kotse. Pumasok ako sa loob nang condo ni kuya at dumeretso sa kusina. ** "Ano ba? Natatapakan mo ko!" "Sorry." "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kaliwa dapat?!" "Sorry." "Paulit-ulit nalang tayo. This is d*mn frustrating." "Sorry." "Akala ko ba matalino ka?!" Napabuntong hininga ako habang sinisigawan nang lalaking nasa harap ko. Kanina pa kami nagpa-practice at lagi ko siyang natatapakan at lagi niya rin akong nasisigawan. Naramdaman ko pa ang mga nanlilisik na titig nila Bella sakin habang ang mga kaibigan naman nang lalaking to ay nakangisi lang. "Sorry." Yan lang ang lagi kong sinasabi. Whole day ang practice namin ngayon. Lunes na lunes at wala kaming ibang inatupag kundi ang practice nato dahil malapit na ang dance fest at hindi pa kami handa. 'Tss. Mas gusto ko pang mag basa nang libro o gumawa nang assignment kesa ganito.' "15 minutes break." Sigaw nang choreo. Hindi rin ako makatingin sa kanya dahil alam kong nagagambala namin ang practice pero wala siyang magawa dahil si Uno Wilson ang partner ko. Hindi siya nababangga nang kung sinu-sino. "Tss!" Inis na iniwan ako ni Uno sa gitna at dumeretso sa mga kaibigan niya na kaliwa't kanan ang mga babae. Napayuko ako at pumwesto sa bench. Wala akong katabi at walang kahit sinong gustong tumabi sakin. Kinuha ko ang tubig sa bag ko at ininum ito. Pinunasan ko rin ang pawis sa noo ko. "Buti nalang at hindi ikaw ang partner ko." Tumabi sakin si Jeric at binigyan ako nang sandwitch. Inabot ko ito at nagpasalamat. Ilang sandali pa at nagsalita siyang muli. "Ano bang meron sa mata mo?" Nilingon ko siya pero hindi siya sakin nakatingin kundi sa mga kaibigan ni Uno. 'Tss! Bading talaga!' "Bakit?" Tanong ko. "Gusto ko lang malaman bakit nakukuha mo ang atensyon nang mga tao dahil lang sa mata mo." Tiningnan niya ako at nanatili parin ang titig ko sa kanya. "Hindi ko alam kong anong ibig mong sabihin. Hindi ko rin alam kung anong meron sa mata ko at napapansin niyo nalang ito." "There's a story behind those mysterious eyes." Seryosong sabi niya. Yumuko ako para iiwas ang mata ko nang makita ko ang isang pares nang paa sa sahig. Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko at nagtama ang paningin namin. "You should be punish." Seryosong sabi nito at hinila ang kamay ko papalayo kay Jeric. Seryoso ang mukha niya habang hilahila ako papalabas nang gym. Nang lumingon ako sa likod ay nakita ko ang dalawang kaibigan nang lalaking may hawak sa kamay ko at hinila rin nila si Jeric. 'What's happening?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD