CHAPTER 7

2032 Words
Chapter 7 Narating namin ang rooftop saka niya ako marahas na tinulak. Napaupo ako sa semento habang hawak-hawak ang tuhod ko. 'Shoot!' Ang sakit! "You should be punish!" Ulit niya. Inangat ko ang paningin ko sa kanya at nakita ko ang galit na galit na mga mata niya. Pinilit kong tumayo kahit na nararamdaman ko ang kirot nang tuhod ko. Pakiramdam ko ay nasugatan yata ako. Pero hindi panahon ngayon para maging mahina ulit ako. "Ano bang ginawa ko sayo?" "You didn't follow my f*ckin' rules in this school!" Sigaw niya sa mukha ko. Napakunot ang noo ko. "Rules? Anong rules--" "Dahil bagohan ka kaya ka walang alam!" Galit na sigaw niya. "Rule number 13. No one are allowed to touch what's mine." Nakatitig lang ako sa kanya. "Rule number 17. Uno's property was not allowed to go beyond his limit." Mas lalong kumunot ang noo ko. "Yan ang dalawang rules na nilabag mo." "Saang parte dun ang nalabag ko?" tanong ko. "Lahat!" Sigaw niya sa mukha ko mismo. "Ha?" "Do you really have to be dense?" Inis na tanong niya. "You are my property. You let that ass touched you. You go beyond my limit!" Galit na sigaw nito. Naging seryoso ang mukha ko at mas naging malamig ang pagkakatitig ko sa kanya. Ayoko nang ganito. Dapat noon palang umiwas na ako. Pero paano ko nga ba gagawin yun kung lagi siyang nakabuntot sakin?! "Una sa lahat, hindi mo ako pag-aari kaya wala kang karapatan--" "Believe me, I have all the rights!" Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papasok sa clubhouse nila. Bigla akong kinabahan. "What are you doing?" Tinulak niya ako sa sofa at nanatiling nakatayo sa harap ko. "As your punishment, you have to clean this room. Now." Tumayo ulit ako. This guy is really an evil creature! "Ha!" Hindi makapaniwalang sabi ko, "Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan o ayaw mong intindihin?" Pakiramdam ko talaga ay sobrang haba nang buhok ko. "Uno, ayoko sayo. Ayaw kitang laging nakikita. Naalibadbaran ako sayo. Masakit ka sa mata. Nakakairita ko. Gusto kong mawala ka na sa paningin ko. Please tigilan mo na ako!" Deretsong sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko ay sobrang lamig nang paligid. Ilan ba ang aircon sa lugar nato? Tiningnan ko ang mukha niya pero wala akong makitang emosyon. Lumapit siya sakin kaya napaatras ako pero wala na akong ibang maatrasan. Tiningnan niya ang kamay ko na may hawak nang kwentas. Napayuko ako pero hinawakan niya ang baba ko at inangat ito para muli kong masilayan ang mukha niya. "Ilang beses ko rin ba sasabihin sayo na wag kang mag assume? Wala akong gusto sayo kung yan ang iniisip mo." "Then stop bothering me." Tinulak niya ulit ako sa sofa. "Sasabihin ko ang utos ko sayo--" "Hindi mo ako utusan!" "Shut the f*ck up!" Sigaw niya mismo sa mukha ko. He is so fast. He's now leaning on me. Napalunok ako at iniwas ang paningin ko. "First, shut up and do what I say. You're my slave. Always go back to rule number 13 and 17. Follow that rules or else." Muli ko siyang tiningnan. "This is unfair." Bulong ko. "Life is unfair." Saka siya tumayo at nilagay ang kamay niya sa bulsa niya. Napayuko naman ako. "Lahat nang e-uutos ko ay susundin mo..... Don't worry. This would be the last. I won't bother you anymore." Saka siya naglakad papaalis sa lugar. Napailing ako. 'Paano ba ako napunta sa sitwasyon na to?' Nagsimula na akong mag linis nang bawat sulok nang lugar. 'Rich kid.' Wala sa sariling sabi ko. Bakit ba kailangan niya pang ipalinis to eh halata namang may taga linis sila rito? Nilibot ko ang paningin ko sa lugar. May parang mini bar sila pero wala namang alak o kahit anong liquior. Mga pagkain, juice at softdrinks lang ang meron. Meron rin silang billiards at iba't ibang klase pang laro sa loob. Ganito ba ang kuta nang mga gangster? Kung sabagay. Ganun rin ang kuta nang ... nevermind. * Naglakad ako papunta sa condo ni kuya. Nang makapasok ako sa loob ay agad akong nag bihis at pumunta sa sofa. Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kesame. 'Life is unfair.' Pinikit ko ang mga mata ko. Isang taon na ang nagdaan at hanggang ngayon ay sariwa parin sa alaala ko ang lahat. Narinig ko na nag ring ang telopono kaya agad akong napatayo. "Hello?" Sagot ko sa kabilang linya. "Sino to?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses nang aking ama. "Dad?" Halos pabulong kong sagot. "Winter? Anong ginagawa mo sa condo nang kuya mo? Tama nga ang hinala ko sayong bata ka!" Galit na sigaw nito sa kabilang linya. "Dad, I'm sorry." Pumikit ako. "Nakauwi na kami sa Pilipinas. Pumunta ka sa mansyon ngayon din." "Dad--" "Don't force me to drag you here!" Galit ulit na sigaw niya. "Umuwi ka ngayon din! Ipapasundo kita sa driver natin. Just wait there! Is that clear?" "Yes dad." In-off na ni dad ang telepono pero nanatili parin akong nakatulala habang pinapakinggan ang operator sa kabilang linya. Wala sa sariling naglakad ako papasok sa loob nang kwarto ni kuya. Nilibot ko ang paningin ko sa lugar saka ako umupo kama. Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko. "Kuya.." mahinang tawag ko sa kanya kahit alam ko namang hindi niya ako maririnig. "Kuya...kailangan kita..kuya.." napahagolgol ako at niyakap ang katawan ko. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pag doorbell mula sa labas. Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Miss Alonzo." Pormal na tawag sakin nang isa sa mga body guard ni dad at mom. "Tuloy ka--" "Pinapauwi na po kayo ni Mr. Alonzo, Miss. Nag-aalala na po ang yung ama nang malamang lumayas kayo." Napatawa ako sa aking isipan. Wala sa sarili akong lumabas at sumunod sa dalawang body guard namin. Nilingon nila ako sandali. Tiningnan nila ang kabuohan ko saka naglakad. Nakalimutan ko yatang mag bihis. Pumasok kami sa elevator saka lumabas sa parking lot. Sumunod ako sa kanila at deretsong pumasok sa kotse. Nang umandar ang kotse ay wala akong ginawa kundi ang manahimik sa likod habang pinagmamasdan ang daan papunta sa mansyon nang mga Alonzo. 'Kabilang ba ako sa pamilya nila?' Napailing ako. Muling bumalik ang atensyon ko sa labas nang sasakyan nang huminto kami. Andito na kami sa napakalaking gate papasok sa loob nang mansyon. Nang tuluyan kaming pinapasok ay isang mahabang kalsada na naman ang dinaanan namin bago huminto sa tabi nang fountain sa harap nang mansyon. Bumaba ako sa sasakyan at tiningnan ang kabuohan nang lugar. Ito ang lugar kung saan ayaw ko nang balikan. Nag mistulang kulungan ito sakin nang ilang taon. Pumasok kami sa loob at tulad nang inaasahan ay sinalubong ako ni mom at dad. Lumapit sila sa kinatatayuan ko at hindi na ako nagulat nang sinampal ako ni mom. "Walang hiya ka talagang bata ka!" Sigaw niya sakin. "Tama na Helen." Pigil sa kanya nang aking ama. "At anong plano mo ngayon sa batang yan Gabriel? Wag mong sasabihing kakampihan mo ulit ang babaeng yan! Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa anak ko?!" Tiningnan niya ako nang masama. "Nakalimutan mo ba na kung hindi dahil sa kanya hindi makukulong si Drake!" "Tama na Helen. Hayaan mo muna kaming mag usap ni Winter." Tiningnan niya ako nang masama bago siya umalis. I looked at my dad and he's looking at me intently. I closed my eyes to apologize. "I'm so sorry dad." Nakayukong sabi ko. "Sinabi ko na sayo. Hindi ka pwedeng umalis sa bahay nato pero hindi ka nakinig sakin." Tiningnan niya ang kabuohan ko, "You're studying at Wilson Academy?" Tanong niya kaya tumango ako. "Who told you to run away from your lecturer? You have your personal teacher for few years in staying here. Hindi pa ba sapat na meron kang special treatment mula sa pamilyang gusto mo--" "I'm sorry dad. I'm so sorry." Nakayukong sabi ko sa kanya. Lumapit siya sakin at nung inangat ko ang paningin ko ay agad niya akong sinampal. "Manang mana ka talaga sa ina mo!" Tumalikod siya sakin at wala akong ibang ginawa kundi titigan ang likod niya at unti-unting nawala siya sa paningin ko. Napabuntong hininga ako at pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko ang kabuohan nang dati kong silid saka ako ngumiti. Siguro nga nasa akin na ang lahat maliban sa pamilyang gusto ko. Pinunasan ko ng luha sa mata ko at humiga. * Kasalukuyan kaming nasa mahabang lamesa at tahimik na kumakain. Tiningnan ko si mom at dad pero parehas silang walang emek. Yumuko ako at pinagpatuloy ang pagkain. "Tataposin mo ang isang taon ngayon sa Wilson Academy pagkatapos ay kailangan mong bumalik sa personal teacher mo. Hahanapan kita pagka nasa coleheyo kana. Hindi mo na kailangan pang lumabas rito para mag aral sa ibang lugar." hindi ako sumagot sa sinabi ni mom. "Wag na wag mo nang uuliting suwayin kami, Winter." Dugtong nang aking ama. "Kung ano mang gusto mong gawin ngayon, gawin mo na--" "Pero Gabriel--" "Helen," pigil ni dad. "Hayaan mo nalang siya. Ang importante kailangan niyang matapos ang huling taon niya sa high school." Tumayo si mom at naglakad papalayo samin. Ngumiti ako kay dad pero tumayo rin siya at iniwan akong mag-isa sa harap nang lamesa. Muli kong naalala si kuya Drake. Siya ang naging kakampi ko sa mahabang panahon pero wala na siya ngayon sa tabi ko dahil sa ka gagahan ko. 'Ano bang gusto mong patunayan ngayon Winter?" * Maaga akong bumalik sa condo ni kuya at nagpalit nang uniform para sa klase ko mamaya. Alas sais palang nang umaga at nasa harap lang ang paaralang pinapasukan ko. Nag luto ako saka kumain. My life is so boring. Hindi tulad nang ibang high school teenager. How I hope na tulad nila maranasan ko ring e enjoy ang high school life ko. "Finally.." habang naglalakad ako sa lobby nang Wilson Academy ay hinarang na naman nila ako. "Well, well, well.. Andito na naman ang basura nang school." Hinarap ko silang tatlo habang bored na tiningnan ang kabuohan nila. 'Hindi ba sila nagsasawa sa ginagawa nila?' "Bella, ayoko nang gulo." Bulong ko. "At anong gagawin mo?" Nagsimula nang nagsilapitan ang mga istudyante sa harap namin. Tiningnan ko sila saka ko binalik ang paningin ko sa tatlong dalaga. "Wag ngayon Bella." Sabi ko. "Then, beg." Tiningnan ko ang kabuohan niya. "I don't want to repeat my self, Bella. Stay away from me." Nagulat sila sinabi ko pero nanatili akong walang emosyon sa harap nila. Narinig ko pa ang bulungan nang nasa paligid ko pero hindi ko ito pinansin. Naglakad papalapit sakin si Bella saka niya hinawakan ang baba ko. Pilit kong nilalayo ang mukha ko sa kanya pero mas diniin niya pa ang daliri niya sa pisngi ko. 'D*mn!' "Trash!" Hinila niya ang buhok ko pero hinawakan ko lang ang kamay niya para pigilan siya. Walang maski isa ang nakialam sa munting palabas na pinapanuod nila. Sasagutin ko sana siya nang makita ko sa di kalayuan ang grupo niya. Ang grupo nila Uno. 'Siya na naman?' Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya at dahan-dahan siyang lumapit sa mga nakapalibot na istudyante samin. "Sa susunod alamin mo kung saan ka nararapat!" Mas hinila niya pa ang buhok ko. Napapikit ako. Umagang umaga palang pero sinisira na nang babaeng to ang araw ko. Nang minulat ko ang mata ko ay nag tama ang paningin namin ni Uno. Those dark and cold eyes. Anong iniisip niya? Is he thinking what I'm thinking? He can't interupt! Tama na ang panghihimasok niya sa buhay ko. Ayoko nang sobrang atensyon mula sa mga studyante rito lalo na kung tutulungan niya ako. Bago pa man siya makalapit sa posisyon namin ngayon ni Bella ay agad kong tinulak si Bella. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napaupo siya sa sahig. Agad siyang nilapitan nang dalawang kasama niya. "Alamin mo rin kong saan ka nararapat." Malamig na wika ko saka yumuko sa kanya, "Shrimp ka dba? Dapat nasa dagat ka." Saka ako tumayo nang matuwid. Muling nagtama ang paningin namin ni Uno at nakita kong nagsilayuan ang mga istudyante sa paligid niya. Na para bang isa siyang hari o kinakataas-taasang nilalang sa mundo. Tumalikod ako sa dereksyon nila pero pinigilan ako nang boses ni Bella. "Eh ikaw? Season ka dba? Hindi ka dapat rito!" Hinarap ko ulit siya pero hindi ako tumawa tulad nang ibang istudyante sa paligid namin. "Hindi mo ako kilala." Malamig na wika ko na nagpatahimik sa buong lugar. "Walang kahit isa sa inyo ang nakakakilala sa akin. At higit kanino man, ako ang mas nararapat sa iskwelahang to." Ngumisi ako. "You're kidding. Hindi ka nga mukhang mayaman--" "Wala sa itsura yan bruha." Lumaki ang mata niya at parang gusto kong bunutin ang mata niya at tapakan sa lupa. Tumalikod ako sa kanila. "What did she call me--" "Kilalanin mo ang kinakalaban mo bago mo ulit ako harapin." Saka ako deretsong umalis. Hindi ko dapat sila patulan pero ayoko rin namang mag mukhang mahina at ipagtanggol na naman nang lalaking yun. Mas malaking problema pag malapit ako sa lalaking yun na kung tutuusin ay siya rin ang problema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD