CHAPTER 11

2466 Words
Chapter 11 Lahat merong dahilan. May dahilan kung bakit nakulong si kuya. May dahilan kung bakit penoprotektahan niya ako at may dahilan kung bakit andito na siya ngayon sa harap ko. "Kuya..." tawag ko sa kanya. Ngumiti siya ng makita niya ako saka siya lumapit at yumakap. "Kuya... kuya..." paulit-ulit kong tawag sa kanya habang umiiyak. "Ssshhhh.. andito lang ako." Bulong niya sa tenga ko. Siya si Deogracias Drake Alonzo. Ang kuya ko na nakulong dahil sakin. Ang kuya ko na pinoprotektahan ako. Ang kuya ko na nag-iisang kakampi ko. At ang kuya ko na nag-iisang tao na naniniwala sakin. "Kuya..." "Wag ka ng umiyak. Kailangan nating mag-usap." Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko saka niya nilingon si Trinity sa gilid namin. Parang nakalimutan kong andito pala kami ngayon sa labas ng school dahil sa sobrang saya ko ng makita ko si kuya Drake. Hindi ko pinansin ang paligid at mas lalong hindi ko nilingon si Uno na alam kong nasa likod ko na ngayon. 'Anong sasabihin ko? Ayokong ipakilala siya kay kuya. Alam kong makakahalata si kuya pag pinakilala ko si Uno sa kanya.' "We need to go." Paalam niya kay Trinity. Hindi naman makapagsalita si Trinity at yumuko nalang. Alam kong gusto niya si kuya at alam kong nararamdaman rin yun ni kuya. "Sige." Naglakad kami ni kuya papunta sa kotse niya pero bago ako makapasok sa loob ay tinawag ako ni Uno. Nilingon ko siya pero pinilit kong hindi magpakita ng kahit anong emosyon. "Where the hell are you going?" Malamig na tanong nito, "You can't be with him. He's from Williams." "He is my brother, Uno." Paliwanag ko. Kumunot ang noo niya saka niya muling nilingon si kuya Drake sa tabi ko. "Dude," narinig ko pang tawag ni Seb sa kanya ng lumapit pa siya sa kinatatayuan namin. "Is he your brother?" "I'm her brother." Muling sumulyap si Uno sakin. "Dude, wala sa rules to." Narinig kong sabi ni Avo na nasa gilid na ni Uno at nasa harapan ko. "Anong rules?" Tanong ko. "Ito ang unang pagkakataon na may magkapatid sa magkaibang school. Magkalaban ang Williams at Wilson." Parang sinasabi nila na commonsense nayun. "Its not her fault." Inangat ko ang paningin ko kay kuya. "Blame it to me." "You own the Williams Academy, right?" Malamig na tanong ni Uno sakin bago siya humarap kay kuya. "Then why she's here? Why she chose this school instead of your school?" Ngumisi siya. "None of your business. Hindi ako ang nagpapatakbo ng gang sa Williams at isa pa kayo lang ang gumagawa ng alitan sa Williams at Wilson--" "Because our school are supposed to be rival, Drake Williams Alonzo," saka malamig na lumingon sakin si Uno, "Winter Williams Alonzo." Napayuko ako. Williams? Yan ang apelyedo ni Helen, my stepmother. "She's my sister." "And she's studying here. She's our property." Diin ni Uno. Ngumisi naman si Kuya Drake sa kanya. Ano ba? Dito ba talaga sila magtatalo? "Isa sa mga rules Uno. Hindi pwedeng angkinin ang pag aari ng kabilang grupo. Winter was originally part of Williams. She's part of the school and you can't f*ckin erase that to her. She's our property." Diin ni kuya. "Ikaw na nga rin ang nagsabi, Williams siya, nakatatak na sa kanya yun!" "Really?" Mas lumapit si Uno at taas noong tiningnan si Kuya. "Are you f*ckin sure about that?" Saka lumingon sakin si Uno. Alam niya! Alam niyang hindi talaga ako Williams. Walang dugong Williams na nananalaytay sakin. Siguro sa apelyedo ko pero hindi ko naman talaga ka ano-ano ang mga Williams. Napahawak ako sa braso ni Uno kaya napalingon silang dalawa sa kamay ko. Pakiramdam ko ay pati yata ang mga istudyante sa paligid namin ay nakatingin sa kamay ko pero hindi ko parin to tinanggal kahit nanginginig na ang mga tuhod ko. Hindi ba pwedeng maging tahimik ang buhay ko? "Uno," halos pabulong kong tawag sa kanya, "Sa Lunes nalang tayo mag usap. Andito na si kuya." Parang nakita kong lumambot ang mga mata ni Uno pero sandali lang yun at napalitan nang seryosong titig. Humarap siya sa akin na parang wala si kuya sa gilid ko. "Are you sure?" Seryosong tanong niya. Tumango ako saka yumuko pero hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya, "Sa Lunes. Hihintayin kita sa room, okay? Don't be late." Dali-dali akong tumango dahil naramdaman ko na naman ang masasamang titig ng ibang taong nakapaligid samin. Di ko alam kung sa mga admirers ba ni Uno galing o sa kuya ko. "Get inside, Winny." Pumasok agad ako sa kotse. Ilang sandali pa ay pumasok na rin si kuya at pinaandar ang kotse. Tahimik lang kami sa loob ng kotse ni kuya. Paniguradong galit siya dahil pumasok ako sa school at hindi lang basta school kundi sa Wilson pa! "Why you chose that school Winny? Pwede ka naman sa Williams bakit dun pa?!" Galit na tanong niya. "Kuya.. alam mo naman kung bakit ayoko sa Williams." Nakayukong sagot ko. Nakita ko pa siyang sumulyap sakin sandali. Napabuntong hininga ako. "Hindi ako pwede sa Williams kuya. Alam mo kung bakit." "May mag proprotekta sayo dun Winny. Mas safe ka dun." Napailing ako. Sana nga ganun lang yun. "Okay na ako sa Wilson Academy kuya." Naramdaman kong lumingon sakin si kuya pero hindi siya nagsalita pa. Nanatili kaming tahimik hanggang marating namin ang mansyon. "Kuya.." "Dito na muna tayo Winny. Nasa loob na si mom at dad." Yumuko ako. "Alam mo naman ang sitwasyon namin." "Naiintindihan kita pero ito ang gusto ni dad." Pinilit niyang ngumiti saka siya lumabas at pinagbuksan ako ng kotse. * "Kasama mo na naman yang babaeng yan!" Hindi palang kami kumakain ay yan na ang salubong sakin ni mommy Helen. "Mom.." nag beso beso sila ni kuya saka rin ako sumunod pero iniwas niya lang ang mukha niya. Hinawakan ako ni kuya at pinaupo ako sa tabi niya. "Kailan ka ba magtatanda Deogracias Drake?! Hindi pa ba sapat na pinahamak ka ng babaeng yan--" "Mom, kapatid ko siya." Pigil ni kuya pero nakayuko lang ako habang si dad naman ay wala lang emek sa gilid ni Helen. "Tigiltigilan mo ako sa mga ganyan mo Drake ha?!" Nagsimula na silang kumain pero nakahawak parin ako sa kutsara ko. Pakiramdam ko ay nalunok ko ang sarili kong dila at parang may mali sa tyan ko. "Kain na.." bulong ni kuya pero pilit lang akong ngumiti. "Kung hindi lang nagising ang anak ni Mr. And Mrs. Freire malamang hindi ka pa nakalabas ngayon!" Galit na sabi ni mom kay kuya. Agad kong nabitawan ang kutsara ko at gumawa ito ng ingay sa plato ko. "Nagising? Sinong nagising?" Kinakabahang tanong ko. "Mom, ano ba?" Inis na tawag ni kuya kay Helen pero hindi run nakatuon ang atensyon ko. "Ah! Oo nga pala. Hanggang ngayon ba pinipilit parin ng kapatid mo na yan ang kaartehan at kadramahan niya--" "Helen," tumayo na si dad. Nice! Ano bang bago sa gulo ng pamilya ko? "Sige! Kampihan mo yang pipitsugi mong anak!" Sigaw ni Helen pero hindi siya sinagot ni dad at dumeretso palabas ng dining area. "Tingnan mo na, tingnan mo na! Dahil sayong babae ka nagka sirasira kami!" Tumayo si Helen at sinundan si dad. Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan nila. Nakayuko lang naman ang mga katulong sa paligid namin pero pakiramdam ko pahiyang pahiya ako. "Sssshhhh.. Don't cry." Pagpapatahan sa akin ni kuya. Tiningnan ko naman siya saka niya pinunasan ang luha sa mukha ko. Bakit pakiramdam ko mali na nabuhay ako? Bakit ang malas ko? Bakit walang wala ako? Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang wala na akong maiyak. Pero paano? Gusto ko ng maubos lahat ng luha ko. Gusto ko ng maubos lahat ng sakit na nararamdaman ko. "Welcome home, kuya." Pilit akong ngumiti. ** Pumunta ako sa dati kong kwarto katabi ng kwarto ni kuya Drake. Lumabas ako sa may veranda na nakadikit lang din sa veranda niya. Siguro naman ngayon hindi na ako mahihirapan ng sobra? Andito na si kuya. Hindi niya ako papabayaan. Siya lang ang kakampi ko. Tumingala ako at tiningnan ang langit. Kung andito na si kuya ibig sabihin bumalik na rin siya. Inaamin ko natatakot ako. Maaring balikan niya ako at hindi ko na hahayaang madamay ulit si kuya. "What are you thinking?" Gulat akong napalingon sa kabilang veranda, "Wag mo na siyang isipin. Hindi importante kung gising na siya. Andito ako. Proprotektahan kita." "Kuya ayoko ng makialam ka." Seryosong sagot ko saka yumuko. "Ayokong may madamay ulit. Okay lang naman ako. Okay lang ako." "Winny, kapatid kita. At mananatili kitang kapatid." Nakita ko ang lungkot sa mata niya, "Isa pa kung hindi dahil sakin hindi ka nila pakikiaalaman." Tuloy nito. "Kuya.." "Dahil sakin kaya nangyari sayo yun. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Biktima ka lang." "Wala o meron mali ko parin dahil napahamak ka!" Sigaw ko sa kanya. Lumapit siya sa pwesto ko at umakyat papunta sa veranda ng kwarto ko. "Napahamak ako? Ano bang pinag-iisip mo?! Bakit lagi mo nalang sinisisi ang sarili mo? Why you are always negative to yourself?! Heto ka na naman Winter eh! You have issues in your self! Full of self loathing! Negative views! What else? Are you going to try to kill yourself again? If you f*ckin' do that I wont ever forgive you! You promised me! You promised me to be a better person." "How can I do that?" Sigaw ko. "No one believe me. No one--" hindi ko matuloy ang sinasabi ko. Gusto kong magalit, magtampo at tumakas pero alam kong wala akong mapupuntahan kundi sila lang. Sila lang ang pamilya ko. Niyakap ako ni kuya habang tuloy-tuloy lang ang pag agos ng luha ko. Natatakot ako. Galit na galit ako. Para saan pa? Bakit hanggang ngayon hindi ko parin matanggal sa utak nato na wala akong kasalanan!? "I'm the victim here. I'm the f*ckin' victim but no one will ever believe me!" Sigaw ko saka hinarap si kuya. "Wala naman silang alam! Wala silang alam! Wala silang alam!" Sinuntok suntok ko ang dibdib ni kuya habang umiiyak. Pinabayaan niya lang akong umiyak habang pinagsusuntok siya. "I don't deserve all of this, Drake. I'm not a sh*t! You f*ckin knew that!" Hinila niya ako at niyakap. "Sssshhhh... stop it baby. Stop crying please." Bulong ni kuya. "Your kuya is here now. Sssshhhh..." yumakap ako kay kuya habang umiiyak. "Don't ever leave me again." I stammered. "Never," hinalikan niya ang noo ko. "I love you bunso." Pinilit kong tumahan. "Welcome back ulit kuya Drake." Bulong ko. ** Sabado ngayon at nasa mansyon lang kami ni kuya. Plano niya na ring samahan ako sa condo niya at dun na muna kami uuwi bukas dahil yun ang mas malapit sa Academy. Babalik na rin siya sa Williams at talagang pinilit pa akong lumipat pero buo na ang desisyon ko. Mananatili ako sa Wilson Academy. "Bakit ba kasi mas gusto mo dun?!" Pangungulit ni kuya habang nakaupo sa kama ko at ako naman ay sinasagutan ang assignment ko. "Alam mo ang sagot ko dyan." Nilingon ko siya, "Okay na ba kayo ni Trinity?" Umiwas siya ng tingin. "I don't know what are you talking about." Nilagay ko ang notebook ko sa mesa saka ako lumapit sa kanya sa kama. "Kuya alam mong wala rin siyang kasalanan." Napangiwi siya. "Kaibigan mo na rin ba siya?" "Rin? You know I don't have friends." Balik ko sa kanya at humiga sa kama. "Simba tayo bukas?" Pinilit kong ibahin ang topic. Ngumisi naman siya saka humiga sa gilid ko pero may distansya parin. "You don't have friends. Only boy friend." Tukso niya. "Shut up! Di ko sabi siya boyfriend!" Diin ko pero tumawa lang siya. "May boy friend na si bunso." "Shut up nga. Kesa lovelife ko yung atupagin mo bat di nalang si Trinity ang pagkaabalahan mo." Bumangon ako at bumalik sa mini table at sofa ng kwarto ko. "I know what are you trying to say. Don't try to fix the things between Trinity and I. Just cut it." Seryosong sabi niya. Sinulyapan ko siya saka binalik ang atensyon ko sa assignment ko. "Listen,  Winny." Bumangon siya at lumapit sa pwesto ko. Humarap siya sakin pero nakayuko lang ako habang sinasagutan ang assignment ko. "I don't want to talk about her. Now, tell me about this Uno." "Paano mo pala siya nakilala?" Kahapon pa talaga ako nagtataka kung bakit sila magkakilala. Ngumiwi lang siya at parang wala lang sa kanya ang tanong ko. "Bago ako pumasok sa gang nakilala ko na siya. Isa sila sa kalaban ng Academy." Napabuntong hininga siya, "Pero hindi ko naman intensyon ang sumali sa gang. Siguro because of our power to the society kaya gusto nila akong pumasok sa gang nila. You know they don't want me there pero pinilit parin nila akong sumali sa gang ng Williams." Napahinto ako sa pagsusulat at pilit na ngumiti kay kuya. Ayoko ng ituloy niya pa ang kwento niya at alam kong nabasa niya ang nais kong iparating. Naalala ko noon nung una kong nakilala si Uno. Nung una ko siyang makita at talagang hindi matanggal sa isip ko yung mga titig niya sakin. May mga gabi na napapanaginipan ko ang mga matang yun. Haist! "Unogrego is just a friend. He is so curious, mysterious and a gangster, gang leader to be exact." Tumawa siya. "There's nothing wrong with that." "Did I say something wrong about him?" "You like him," "Hey! Hindi yan tanong!" Tumawa siya ng malakas. Baliw rin to eh? Diba dapat tanong muna? -__- "Okay, okay. Relax, will you? Let me rephrase it. Do you like him?" Tumatawang tanong niya pero tiningnan ko lang siya ng masama pero mas lumakas ang tawa niya. "Arrrrgggg!" Inis kong tinapon sa kanya ang notebook pero mabilis naman siyang nakatakbo papunta sa kama. "Relax okay? There's nothing wrong in liking someone. It means you are normal!" Inabot ko yung unan sa sofa at tinapon ko ulit sa kanya pero hindi siya natamaan. Kainis! "Stop it!" Kinuha ko ang notebook na tinapon ko sa kanya kanina saka umupo ulit at sinagutan ang assignment ko. "I think he like you too." Seryosong sabi niya. Nilingon ko siya pero nakaupo lang siya sa kama. "Maybe he loves you." Nagulat ako sa sinabi niya. 'Love? We barely knew each other!' "Imposible." Bulong ko. "Hindi yan imposible!" Sabi niya, "A person who truly loves you, is someone who sees the pain in your eyes, while everyone else believes in the smile on your face." Seryosong sabi niya. Napaiwas ako ng tingin. "Everyone see the pain in my eyes." "But not everyone know the story behind those eyes. Tell me, he knew something right?" Nangunot ang noo ko pero agad ko rin nakuha ang punto niya. "May sinabi ako sa kanya." Bulong ko. "Pero hindi lahat." Lumapit siya sakin, "Kasi kung alam niya na lahat....dalawa lang ang magiging option niya. Babantayan at proprotektahan ka niya o....... lalayuan ka niya." Nakita ko ang lungkot sa mata niya pero hindi ko yun pinansin. "I'm not planning to tell him the entire truth." Patuloy ako sa pag sulat habang nagsasalita, "Isa pa, walang kami. Oo gusto ko siya pero yun lang yun. Walang ibang ibig sabihin yun." Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ni kuya at mas mabuti yun dahil malapit ko ng matapos to. Pati kasi assignment ni Uno ginawa ko. Talagang ginawa akong secretarya ng lalaking yun. Napaisip naman ako. Pag nalaman ba ni Uno ang nakaraan ko magiging katulad niya ba si dad at Helen na huhusgahan lang rin ako? Pero ang mas gumugulo sa isip ko ngayon, gusto ko na ba talaga siya? Mahal niya ba talaga ako? Parang imposible. Hindi naman kilala ni kuya si Uno pero kung makapagsalita akala mo naman kilalang kilala niya. "Bukas babalik na tayo sa condo." Tumango ako. "At," niligpit ko na an gamit ko saka hinarap si kuya. "At?" "Papasok na rin si Hades sa Lunes." Parang nakalimutan kong huminga sa sinabi niya. 'Hindi pa ako handang harapin ang nakaraan.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD