Chapter 12
NP - Anything but Ordinary
By - Avril Lavigne
**
Inaayos ko ang gamit ko para bukas. Monday na kasi bukas at kailangan ko ng pumasok. Nakita kong pumasok si kuya sa kwarto ko.
"Mabuti nalang talaga at malaki tong condo ko kundi wala kang kwarto ngayon." I rolled my eyes.
"What is it kuya?" Tanong ko habang papunta sa harap ng salamin at sinuklay ang buhok ko habang nakatingin sa kanya sa salamin.
"I was just thinking--" putol niya at umupo sa kama.
"About what?" Tanong ko bago niya tinuloy ang sinasabi niya.
"Like what I've said, I was just thinking that it is good that you'll stay in Wilson Academy, for good." Napakunot ang noo ko pero nakayuko lang si kuya.
"Kuya.. I told you na nga. Okay na nga ako sa Wilson."
"Oo na." Lumapit si kuya sakin sa harap ng salamin. Hinawakan niya ang balikat ko at parehas na kaming nakaharap sa salamin.
"I'm so sorry, Winny." Malungkot na tuloy nito.
Tumayo naman ako at humarap sa kanya. Medjo tumingala ako kasi may katangkaran rin ang kuya ko. Tiningnan ko ang mukha niya saka ko hinawakan ang braso niya at ngumiti.
"Okay lang kasi ako." Diin ko. "Isa pa," napayuko ako para iwasan ang mga titig niya, "Natatakot ako kuya. Natatakot ako na baka magkita ulit kami ni Hades."
"Kaya nga mas mabuting sa Wilson ka. At least dun di ka niya mahahabol." Halos pabulong na sabi nito. "Winny," tawag niya at hinawakan ang baba ko para humarap sa kanya.
"Kuya, ayoko ng makita siya. Ayoko.." pagmamakaawa ko saka pilit nilalabanan ang luha ko saka ako napatawa, "Gustong gusto kong umiyak kuya pero nakakapagod rin pala minsan ang lagi nalang tumutulo ang luha mo para lang sa mga walang kwentang tao! Nagmumukha akong mahina sa mga taong yun!" Tumalikod ako kay kuya pero hinila niya ang braso ko at niyakap ako.
"Crying doesn't indicate that you're weak, Winny. Since birth, it has always been the sign that you're alive. Please bunso, kayanin mo. Andito lang si kuya." Parang naging signal ang sinabi ni kuya at basta nalang akong napaiyak. Tumango-tango ako at sumiksik sa leeg niya.
'Hanggang kailan ko ba dadamdamin to?'
"Isa pa," hinarap niya ulit ako sa kanya.
"Ano?" Tanong ko.
"May Uno ka na ngayon. Kaya dapat hindi ka na matakot kung balikan ka ng lalaking yun." Nakangising sabi niya. Umakto naman akong parang nagulat pero tumawa lang siya.
Napailing nalang ako, "He's not the one kuya. Oo gusto ko siguro siya at kaya niya ibigay sakin ang lahat pero hindi sapat yun." Naglakad ako papunta sa kama at naupo run. Sumunod naman si kuya at umupo sa tabi ko.
"Hindi mo naman kasi kailangan ng taong kayang ibigay sayo ang lahat, Winny. Ang kailangan mo, yung taong kayang iparamdam sayo na mas importante ka sa lahat." Napanganga ako. Bat ang hugot ni kuya ngayon? Kala mo naman may girlfriend.
Napangisi nalang ako, "Bat ganyan ka makapag salita ah? Hugotero ka masyado ngayon kuya ah! Bumavice ganda ka na!" Tumawa siya ng malakas at humiga sa kama.
Tiningnan ko lang si kuya. Deogracias Drake Williams Alonzo. Kung tutuosin isa sa mga inaasam ng mga babae si kuya. Gwapo, may abs, matangkad, mabait, mapagpasensya at marunong mag luto. Hindi siya yung tipong bad boy talaga. May pagkakataong jolly siya at may pagkakataong bad boy siya. Pero kadalasan nakikita ko lang siyang bad boy pag si Trinity ang kaharap niya.
"Winny," tawag niya pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya at hindi sumagot, "Always tell someone how you feel, because opportunities are lost in the blink of an eye but regret can last for a lifetime." Makabuluhan niyang sabi at muling umupo.
"Wag kang tumulad sakin. Hanggang ngayon nagsisisi ako sa mga bagay na hindi ko ginawa. Naging mahina ako at ayokong maranasan mo yun." Ngumiti siya, "Gusto ka niya. Believe me, kaya mag confess ka na."
"Ay kaloka!" Mabilis ko siyang hinampas ng unan pero nailagan niya lang yun gamit ang braso niya saka tumawa. Kahit kailan talaga kung ano-anong iniisip nitong lalaking to. Kapatid ko ba talaga siya?
"Bakit?" Tumatawang sabi niya. Nakakainis talaga! Lagi nalang akong pinagtritripan ni kuya. Ganito siya lagi nuon pa eh. Trip niyang inisin ako tapos pareho lang kaming tatawa. Ngumiti ako.
"Alam mo namang imposible yun kuya. Kahit may nararamdaman ako sa kanya di parin pwede."
"Why you say that?" Nakakunot ang noo niya.
"Look at me." Ngumiti ako saka niya tiningnan ang kabuohan ko pero mas lalong kumunot ang noo niya.
"There nothing wrong with you." Sabi niya. Napailing ako. Kaya niya lang nasasabi yan kasi kapatid niya ako.
"I'm simple, dull and boring." Paliwanag ko, "Ang mga tulad niya hindi basta basta magugustohan ang tulad ko. At isa pa, bat mo ba ako tinutulak sa kanya? Crush ko lang siya. Pinipigilan ko nga tapos ikaw--" tiningnan ko siya ng masama pero seryoso lang ang mukha niya.
"You're always negative to yourself. No matter how simple, dull and boring you are, there always be someone that will see you perfect and special. Nakita ko yun sa mata niya. Isa pa hindi kita tinutulak sa kanya. Pinipilit lang kitang maging normal-- ARAY! OUCH!" Daing niya ng pinaghahampas ko siya ng unan.
"Tigilan mo nga ako." I pouted.
"Tss. Sabagay, mas bagay nga sayo yung simple." Tiningnan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Ayokong mahulog ng tuluyan sa kanya kuya. Ayoko rin maging assuming. Mahirap umasa." Bulong ko, napangiti naman ako at humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kesami habang inaalala ko yung mga panahong nakasama ko si Uno. Napailing ako.
'Hindi pwede. Wag muna ngayon.' Pumikit ako at nilagay ko ang braso ko sa mukha ko para sana magtago.
"Maybe raindrops are the bravest thing created by God, kuya." Halos gumaragal ang boses ko habang nagsasalita, "Want to know why? It's because they are never afraid of falling. I'm afraid kuya. Unlike the raindrops, I'm afraid of falling into someone." And I think huli na ako.
**
Siguro nga mali to. Siguro nga walang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan ko siyang iwasan pero kailangan ko rin siya sa tabi ko.
But I don't know what will happen next if I stay away from him or if I stay beside him. Yes, I'm afraid. I'm afraid of what I feel.
Pero pag hinayaan ko naman siyang manatili sa tabi ko mas lalo akong mahihirapan. Hindi sapat na gusto ko siya.
'Do not fear to lose what needs to be lost.' It's better if I should stop this bago pa lumalala ang tong nararamdaman ko.
"Hey?" Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala ako sa Wilson Academy. "Nasa room na si Uno. Maaga rin siyang dumating rito." Tuloy niya. Natigilan ako pero agad ring naglakad.
"Avo," tawag ko sa kanya at sinulyapan siya.
"Ano yun?"
"Bakit ganun ang pakikitungo ni Uno sakin?" Napakunot naman ang noo niya.
"Ano namang mali sa pakikitungo niya sayo eh girlfriend ka naman niya?!" Agad akong napahinto at hinarap siya.
"Girlfriend? Sino? Ako?!" Gulat na tanong ko, tumango naman siya at parang naguguluhang tumingin sakin.
"Diba yun naman talaga kayo? Isa pa hindi namin nakita si Uno na ganyan sa ibang babae maliban sayo." Napanganga ako.
"Sinong may sabi?! Hindi ko naman siya boyfriend." Tuloy ko at naglakad papalayo sa kanya. Agad naman siyang sumunod at sinabayan ako.
"Anong hindi? Eh yun ang sabi niya."
"Nagbabaliw-baliwan lang yun--" hinila niya naman ang braso ko.
"Wag mo yang sabihin sa kanya." Seryosong sabi niya.
"Na alin? Na baliw-baliwan siya?"
"Hindi. Yung hindi mo siya boyfriend. Hindi mo kilala si Uno, Winter. Masama siyang magalit." Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa kanya at tiningnan siya ng malamig.
"Hindi niya rin ako kilala para sabihin yan. Hindi ko siya boyfriend." Hinila ko ang kamay ko at deretsong naglakad papunta sa room.
'Baliw ba siya? Hindi ko maalala na sinabi kong mag boyfriend-girlfriend kami. At anong masama siyang magalit? Bakit naman siya magagalit?!'
Nang marating ko ang section namin ay napansin kong nasa labas yung tatlong kaklase ko na madalas maagang dumating rito. Anong ginagawa nila sa labas?
Hindi ko nalang pinansin at deretsong pumasok. Nakita agad ng mata ko ang lalaking gumugulo sa utak ko. Can someone give me a break?
He was standing along the pathway habang nakapamulsa at nakatingin sakin. He looks hot! Drooooool. (*__*)>>
"Uno," sambit ko sa pangalan niya habang nakatayo sa pinto. Lumingon ako sa likod at hindi parin pumapasok ang mga kaklase ko.
Deretso akong naglakad papunta sa upuan namin at huminto ng hinarang niya ako. Deretso lang siyang nakatitig sakin.
"Ano?" Walang emosyong tanong ko.
"Care to tell? I need your explanation." Nakalimutan kong meron pa pala akong ipapaliwanag sa lalaking to. At talagang sing aga pa talaga ng inaasahan ko ha? -_-
"Pwede mamayang tanghali nalang? May klase pa tayo." Sabi ko at umupo. Humarap siya sakin at yumuko para magkalapit ang mukha namin.
"Delayed na ng ilang araw ang--"
"Uno please," pigil ko sa kanya at nilabanan ang titig niya. Nakita kong seryoso parin ang mukha niya pero hindi ako nagpatalo.
"Don't Uno please, Uno please me!" Seryosong sabi niya. Nakita ko ang ibang istudyante na nakatingin lang sa may pinto. Mga chismosa!
Pakiramdam ko tuloy ay nasa teleserye ang buhay ko dahil sa nangyayari sakin. Ano to? F4? Descendant of the sun? Dolce D Amore? O baka The Destroyed Wife? Tss!
"Mamaya na. May klase pa tayo." Seryoso ko ring sagot. Tumayo siya at nakapamulsa habang nakatingin sa gilid niya. Di ko mabasa ang reaksyon niya at sa pamamagitan ng pagtitig ko sa kanya ngayon ay may iba akong naramdman.
'Bakit kinakabahan ako? Bakit sobrang lakas ng t***k ng puso ko?' Bagsak ang balikat na umupo siya sa tabi ko.
"I can't believe this," narinig kong bulong niya. Ilang sandali pa ay pumasok na ang mga kaklase ko kasama ang advicer namin.
*
"Okay class. Tomorrow, our next topic are Chinese Mythology, Indian Mythology at Japanese Mythology. I want you to differenciate the 3 Mythology. We will discuss that early in the morning. Good bye class." Paalam ni Ma'am Sison.
"Good bye Ma'am." Lumabas na si Ma'am Sison saka naman nag simulang mag ingay ang mga kaklase ko. Haist! Sinulyapan ko si Uno sa tabi ko pero tahimik lang siyang nakatingin sa bintana.
"What?" Nagulat ako ng sinulyapan niya ako.
"Ha? Ah! Wala." Umiwas ako ng tingin. Tss! Kainis! Ba't di ko maiwasang titigan siya?
"Gusto ko ng malaman ang tungkol sayo at kay Drake." Bulong niya.
"Wala ka namang mahahalungkat samin. Magkapatid kami." Sagot ko.
"Eh bakit mas pinili mo ang Wilson Academy?" Napansin kong sinulyapan kami ni Avo at ni Seb pero agad rin silang umiwas ng tingin ng nilingon ko sila.
Tiningnan ko si Uno pero seryoso lang ang mukha niya habang nakatitig sakin. Ang maamo at maliit niyang mukha. Bakit ba pinanganak na gwapo ang lalaking to? Akala ko si kuya Deogracias na ang pinakagwapong nilalang sa mundo.
Di niyo ako masisisi. Buong buhay ko tiningala ko lang si kuya dahil siya ang nagmistulang idolo ko sa buhay. Dahil sa kanya kaya pinipilit ko maging matatag.
"Kailangan ko ba ng rason?" Walang emosyong sagot ko habang nakatitig sa kanya.
Hindi ko inaasahang may lalamang pa sa kuya ko. Kung hindi kami magkapatid ni kuya Drake malamang nagustohan ko siya. Pero siguro nga sinandya na naging magkapatid kami at nakilala ko si Uno. Napailing ako.
"What are you thinking?" Nakakunot ang noo niya, "Kanina pa ako tanong ng tanong sayo pero wala ka man lang reaksyon--"
"Hindi mo ako girl friend, Uno." Naramdaman kong napatigil sa pag uusap ang dalawang kaibigan ni Uno sa harapan namin.
Tss! Bakit ba laking chismoso ang mga istudyante rito?
"The f*ck?!" Nilingon ko siya at nakita ko ang galit na rumehestro sa mukha niya pero di ako nagpadala.
"Hindi mo ako girlfriend. Please don't act as one--" hinila niya ako patayo at kinaladkad ako palabas.
"Teka! Ano ba! Bitawan mo nga ako?! Uno!" Hindi niya ako pinansin at deretso lang kami palabas ng room. Nadaanan pa namin ang next teacher namin pero hindi man lang huminto si Uno at deretso lang kami papunta sa rooftop.
"Ano ba!?" Hinila ko ang kamay ko ng nasa harap na kami ng club house. "Hindi ka ba nagsasawa sa kakahila sakin? Alam mo," umiwas ako ng tingin. "Ayaw na kitang makita--"
"Stop, stop, stop!" Sigaw niya sa mukha ko.
"Bakit ba ganyan ka umasta!? Para kang linta!!!" Galit na sigaw ko. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nagalit ng ganito.
Mabilis ang paghinga niya habang nakatitig sakin. Anong iniisip niya? Si Uno ang kaisa-isang lalaki, maliban sa kuya at dad ko, ang nagpaparamdam sakin ng ganito. Bakit mas naaapektohan ako sa kanya?! Bakit naiinis ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"I'm warning you," buong bagang sabi niya. Napahinto ako habang nakatitig sa kanya. Inaamin ko, natatakot ako sa sinabi niya. The way he said those words brought something inside me.
Hinila niya ulit ang kamay ko at pumasok kami sa clubhouse. Tinulak niya ako paupo sa sofa saka napasabunot sa buhok niya. 'Wow! He's f*ckin' hot!' *____*
"I--I don't know how to deal with this." Pabulong niyang sabi saka umupo sa harap ng sofa sa mismong harapan ko. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatitig sakin.
"Listen woman," sabi niya, "I don't know what I feel. I know I'm not your f*ckin' boyfriend and I don't want to be the boyfriend of hella ugly girl like you!" Mahabang sabi niya na nakapanganga sakin, "What I'm trying to say is I want to be with you." Halos pabulong niyang sabi.
Kung may ilalaki pa ang pagnganga ko dahil sa gulat sa sinabi niya malamang sing laki na ng bola sa basketball ang bibig ko. 'Seriously?'
"What?" Yun lang ang nasabi ko saka siya napailing.
"In short, let's try."
"Try, what?" Naguguluhang tanong ko.
"This," napaiwas siya ng tingin. "I want to know more about you and this is the only way. Be my girl." Muli akong napanganga. Ano daw? Pakiulit? Tama ba yung narinig ko?
"Theres other way to know me. Hindi kailangan--"
"I don't want the other way. Look," he look at me intently, "I don't know this feeling. I don't want you to go around the other guys. I want you to stay by me and let me know you. I want to know you. Kailan ba yan tatatak sa maliit na utak mo?!" Tiningnan ko siya ng masama. At nang insulto pa talaga 'di ba?
"It will not work."
"It will." Diin niya.
"No. Tingnan mo nga tayo! Malaki ang pagkakaiba natin. You're something living in the dark and your dragging me to that path. There are lot of reason why we are not capable with each other Unogrego. I'm not worth it." Pabulong kong tuloy.
"D*mn it! Listen freak! Forget all the f*ckin' reasons why it won't work and f*ckin' believe the one reason why it will. And what? Dragging you at the dark path? Seriously!? Trust me. I don't know what will happen to us and I want you to just try this! Walang mawawala kung susubukan natin." Mahabang sabi niya. Wala akong pinakitang emosyon sa mukha ko.
Seryoso ba talaga ang lalaking to sa sinasabi niya? My inner goddess cross his arms. If he knew you he wouldn't do such thing like this! I shouted to myself.
"Don't let your emotions control you, Uno." Parang natigil siya sa sinabi ko. "Stop. This. Now." Napapikit siya ng madiin at parang sinampal ko siya mula 360°. 'I need to do this.'
"Are you rejecting me?" He asked with a cold stare, "I'm sorry to tell you this but," tinitigan niya ang mata ko pababa sa labi ko saka binalik ulit sa mata ko at tinitigan ako ng walang kahit anong emotion, "Welcome to hell, baby." Parang narinig ko na ang linyang to.
Hindi ako sumagot kaya tumayo siya at naglakad papunta sa kusina. Hindi ko na siya tiningnan pa at deretsong lumabas sa club house nila.
'Welcome to hell? No. Ikaw ang welcome to hell Uno kung ipagpapatuloy mo to.' Kung dahil lang to sa pagiging curious niya siguradong mapapahamak lang siya. Masasaktan lang siya. Magsisisi lang siya. Napailing ako.
'Para din naman sayo tong ginagawa ko.' Darating ang panahon at maiintindihan mo ko. Ayokong masaktan ka. Napangisi ako. Ako naman ang laging nasasaktan kaya mas pipiliin ko sa pagkakataong to na masaktan muli.