CHAPTER 13

2096 Words
CHAPTER 13 Sa umaga at hapon ay hindi na ako kinukulit ni kuya at parang busy na rin siya. Naging normal lang ang takbo ng buhay ko sa loob ng tatlong araw na yun. Parang simpeng istudyante.  Wala na rin yung bully na umaaligid sakin. Di ko alam bakit hindi na rin nila ako ginugulo. Tulad ng dati walang kumakausap sakin kahit si Trinity. Hindi naman bago sakin yun dahil matagal na akong sanay. Sa ilang taon ko ba namang nabuhay sa mundo na walang ibang inasahan kundi ang sarili ko malamang masasanay talaga ako. Tatlong araw narin ang nagdaan mula nung hindi na ulit kami nag usap ni Uno. Siguro nga nahimasmasan na siya na hindi ako karapatdapat sa kanya. Wala siyang mapapala sakin. "Winter," napalingon ako sa likod ko. Kasalukuyan kasi kaming nagpapractice ng tango for Mapeh subject namin sa gym ng sinundan pala ako ng babaeng to. "Trinity," hinila niya ako pabalik sa locker namin at tiningnan ang paligid namin. Nilibot niya ang mata niya at ng makita niyang kami lang ang nandito ay hinarap niya na ako. "Kamusta na si Drake?" Deretsong tanong niya. "Patay na patay ka talaga kay Deogracias noh?" Napangisi ako pero may nakita akong lungkot sa mata niya. Nawala ang ngiti ko at pinalitan ito ng seryosong titig. "Okay lang si kuya. Kung gusto mo kausapin mo siya. Pakikinggan ka niya." Sabi ko. "I'm sorry." Nakayukong sabi niya na nakapagpatigil sakin, "Dapat matagal ko ng sinabi sayo to. Dapat matagal na akong humingi ng tawad pero alam mo naman ang trauma ko. Natakot rin ako. Sorry." Nagsimula na siyang umiyak sa harapan ko pero wala akong reaksyon sa pag iyak o paghingi niya ng tawad. Wala namang may gusto sa mga nangyari nung nakaraang tanong. Walang may gusto nito. "Sorry please." Lumakas ang iyak niya kaya napatingin ako sa paligid saka siya ulit hinarap. "Tigilan mo na nga ang pag iyak iyak na yan!" Inis na sabi ko, "Di kita sinisisi. Wala akong sinisisi--" "Galit ka pa ba sakin?" Seryosong tanong niya, "Isa ako sa may kasalanan sa mga nangyayari sayo. Alam ko sinisisi rin niya ako." Pagtutukoy niya kay kuya. "Wala ka naman dapat ikabahala dun. Hindi galit si kuya sayo. Sinisigurado ko sayo yan," napabuntong hininga ako, "Last year was just a nightmare to us." Tuloy ko. Siguro nga binago nun ang buhay ko pero hindi ko na yun mababago. Tulad nga ng laging sinasabi ni kuya. Kailangan ko maging matatag. "I think Uno was worried with you," pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita siya. Napailing nalang ako. "Parang hindi naman." Sabi ko. "May namamagitan ba sa inyo?" Napakunot ang noo ko pero seryoso lang ang mukha niya, "I think it will be better kung alam niya. He can protect you lalo pa't Williams ang kalaban ng mga taga Wilson Academy." "Yes he can help but I won't let him. I can't escape with this Trinity." Sabi ko at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pigura ng tatlong tao. Parang nahigit nito ang hininga ko. Napansin yata ni Trinity na nakatitig ako sa gilid niya kaya nilingon niya rin to. Tulad ko ay nagulat rin siya ng makita ang tatlo. Seryoso lang ang mukha nilang tatlo habang papalapit sa dereksyon namin. 'Anong narinig nila? May narinig ba sila?' Arrrrgggg! Lumapit sila samin saka lang nilingon ni Uno si Trinity. "Leave us," He said darkly. Tiningnan muna ako ni Trinity bago binalik ang paningin kay Uno. "Don't hurt her." Tumakbo siya palayo samin. 'Typical Trinity, isn't she?' "Avo and Seb," tawag niya sa dalawang kasama niya. "Say excuse to Mr. Who-is-the-P.E-teacher. Sa parking lot nalang niyo kami hintayin. Mag uusap muna kami." Tumango naman ang dalawa at iniwan kami ng lalaking to. "Anong ibig sabihin nung narinig ko?" Deretsong tanong niya. Aba! Wala na talagang uso paligoy-ligoy sa kanila. "Now, you're talking." I rolled my eyes. "Answer me!" "Uno, diba nag usap na tayo? Akala ko ba tapos na?!--" hinila niya ang braso ko at tinulak ako saka dumikit ang likod ko sa isang locker, "Ano ba?! Nasasaktan ako!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko pero hindi niya parin ako binitawan. "Everytime I think of you, it make me want to claim you," napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ha? Anong ibig niyang sabihin?! Tiningnan niya ang mukha ko, ang mga mata ko papunta sa labi ko. Napalunok ako. Nilapit niya pa ang sarili niya at napadikit na ang ulo ko sa locker. "Think about this, Winter. I will never hurt you. I will never let you cry." Seryosong sabi niya at dinikit ang mga noo namin. Napapikit ako ng makita kong pumikit rin siya. Ilang minuto o segundo kami sa ganung posisyon ng nilayo niya ang mukha niya at tinitigan ako. Nakahawak parin ang mga kamay niya sa braso ko habang pinagmamasdan ako. "Hindi ko naman kailangan ang sagot agad. Think of it. I'll wait for your answer. Just don't push me away from you because I cannot do that." Halos bulong niyang sabi. "Bakit ako?" Naguguluhang tanong ko. Kasi sa dinami-daming babae, bakit ako pa? Walang ispesyal sakin. Wala siyang mapapala sakin. "Bakit hindi ikaw?" Ganti niya at napabuntong hininga, "Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I want to hella-sh*t out of your sight but every night, every f*ckin' night Winter, I dreamt of you. Those eyes, you being simple and..mysterious. I dream of you and now I realized how much I missed you." Napanganga ako. Is this a confession? I don't know! Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sabi nga nila. I miss you is better than I love you. Hindi ko alam kong ano tong pinagsasabi niya o kung anong nararamdaman niya. "Gaya nga ng sabi ko, hindi kita mamadaliin. Take your f*ckin' time. For now, we have to go to the parking lot. May pupuntahan tayo." Hinila niya ang kamay ko saka kami pumunta sa parking lot. Habang papunta kami sa parkig lot ay hindi ko maiwasang titigan ang mga kamay namin. Nakahawak lang siya sa kamay ko habang hilahila ako. Kitang kita ko rin ang likod niya at sobrang lakas ng s*x appeal niya. Siguro nga isa na ako sa mga babaeng nag lalaway sa kanya. Maybe I was turned on. Napahinto kami sa parking lot ng makita namin ang ilang mga kalalakihan sa labas ng gate. I stopped walking. They are familiar but I refused to know them. This can be! "What?" Nilingon ko si Uno na napahinto rin pala ng huminto ako. "M-mauna ka na. M-may naiwan pala ako--" hinigit niya ulit ang kamay ko at hinarap sa kanya. "What's wrong? Ba't namumutla ka?" Nag aalalang tanong niya. Bago ko pa siya masagit ay nasa harap na namin si Avo at Seb na seryoso rin ang mga mukha. "Uno," hindi sila tiningnan ni Uno at nasa akin parin ang atensyon. "Tell me, Winter." Tawag niya ulit sakin. "May nak-k-kalimutan lang talaga ako. Mauna na muna kayo." Hinigit ko ang kamay ko sa kanya at akmang aalis pero mabilis siyang humarang sa daraanan ko. "Let Avo get those stuff--" "Hindi na kasi." "Uno," napalingon ako sa gilid namin at ganun rin si Uno na naiinis na, "May bisita tayo." Sumeryoso ang mukha ni Uno saka siya lumingon sa gate. Ngayon niya lang na pansin na may istudyante sa labas ng gate ng hindi kaparehas ng uniporme ng skwelahan na to. Mas namutla ako habang nakatitig sa labas. Ilang mga istudyante ng Williams Academy ang nasa labas. And I'm sure that it's not Drake. If that's Drake he wouldn't mind other people and just enter the Academy because her sister was studying here. Pero hindi ito si Drake at mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko namalayang papalapit na pala kami sa labas ng gate habang hilang hila ako ni Uno. "Teka lang," mabilis pa sa alas kwatrong hila ko sa kamay ko ng mapansin kong nasa harap na kami ng gate. "Aalis na ako--" "Dito ang daan palabas," malamig na sabi ni Uno at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sakin. "May kailangan pa akong--" "Wilson gangsters," parang nanlamig ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun. Nakatalikod ako sa labas ng gate habang nakaharap kay Uno. Nakatitig lang siya sa labas habang ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. "Grendel," parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ng makonpirma ko ang taong yun. "Matagal na kitang hindi nakita kaibigan. Sobrang namiss kita pare." Tumawa ito ng malakas. Napayuko ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Wag kang umastang kaibigan Grendel if you don't want me to burn your gangs into pieces." Malamig na sagot ni Uno sa harap ko. "At ang lakas ng loob mong dumaan sa lugar namin." Dugtong ni Avo. "Guys, guys, baka na miss talaga tayo ng pangit nato. Mahirap talaga maging gwapo kahit kalaban mo nagkakagusto sayo." Tumatawang sabi ni Seb. "F*ck you!" Galit na sigaw ni Grendel sa labas. "No, thanks. I better find other ramp-sexy-model than to f*ck you!" Nakangising balik ni Seb. "That's gross!" Narinig ko pang bulong ni Avo. "Shut up!" Galit na sigaw ni Grendel. Narinig kong parang mas lumapit ang boses niya. Napapikit ako ng madiin. "Ano bang kailangan niyo rito?" Sigaw ni Avo sa gilid ko. "Gusto niyo na naman bang matalo? Sana inambangan niyo nalang kami sa iskinita o kaya hinintay niyong gumabi para matalo niyo kami." Pagmamayabang ni Avo. Tumawa naman ng malakas si Grendel at naramdaman kong nanginginig na ang kamay ko. Nagulat ako ng makita ang kamay ni Uno na humawak bigla sa kamay ko. "Relax. I won't let them hurt you." Bulong niya pero hindi man lang ako natinag sa sinabi niya kaya mas lumapit siya at ginamit niya ang braso niya para iyakap sa bewang ko. Hindi naman masyadong mahigpit pero sapat lang para itago ako sa mga tao sa paligid ko. "May hinahanap lang kami mga bata--" "Walang kauri niyong unggoy rito." Nakangising sabi ni Seb. "Ulol. Hindi ko hinahanap ang kamag'anak mo!" "Aba't--" "Back off, Grendel." Naramdaman ko ang lamig ng boses ni Uno habang nakayakap parin sa bewang ko. "Oh! May chix ka palang kasama. Hindi ko alam na may girlfriend ka." Lumakas ang tawa nito. "Back off! She's mine." Humigpit ang yakap niya sakin kaya napahawak narin ako sa dibdib niya at mas siniksik ang sarili ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung may makakita samin. Wala akong pakialam kung may mga gangster nanakapalibot samin. Parang gusto ko nalang mag laho bigla. "Relax." Huminto ito sa kakatawa, "May hinahanap lang kami rito." "Wala rito ang hinahanap niyo." "Nandito siya sa letseng paaralan niyo at kailangan namin siyang makita." Humigpit ang kapit ko kay Uno. "Back off, frog! Wala rito--" "Tangina! Ilabas niyo ang pag aari ng Williams rito!" Napahinto si Uno dahil sa sigaw ni Grendel. "Pag aari ng Williams?" Tanong ni Avo. Naramdaman kong pasulyap-sulyap sila sa kinaroroonan namin ni Uno. "Winter. Winter Alonzo. Dito na nag aaral ang babaeng yun--" "What do you want from her?" Humigpit ulit ang yakap ni Uno sakin kaya medyo nilabas ko ang mukha ko para makahinga. Pero mali yata ang desisyon ko. "W-Winter?? Teka, siya ba yang yakap mo?" Gulat na tanong ni Grendel at naramdaman kong nasa likod ko na siya. "Back off!!!" Galit na sigaw ni Uno at medyo umatras para mapalayo ako kay Grendel. Agad namang lumapit samin ang ibang gangster ng Wilson para protektahan kami sa bisita. "Winter?! Ikaw nga!!" Bakas ang tuwa sa boses ni Grendel pero hindi ko magawang lumingon sa kanya. "Stop it! Get lost!!!!" Sigaw ni Uno na kinagulat ko. Tumawa ng malakas si Grendel. "Hindi mo ba kilala ang babaeng yan? Pag aari siya ng Williams! Bitawan mo siya--" "Why would I? She's f*ckin' mine. Parti na siya ng Wilson Academy!" Sagot ni Uno. "Uno, Uno, Uno. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Si Winter ay hindi sayo at hindi magiging sayo. Kung kilala mo siya ikaw mismo ang magpapaalis sa kanya sa harapan mo--" "T-tama na!" Di ko na nakayanan at basta nalang napasigaw. Dahan-dahan akong humarap sa likod ko at nakita ang nakangising si Grendel. "Winter." Mas lumapad ang ngiti nito. "Ano bang kailangan mo?" Nauutal na tanong ko. Tinago ko sa likod ko ang nanginginig na kamay ko. "I can handle this," bulong ni Uno at hinila ako papunta sa likod niya. Nakita kong napailing si Grendel. "Alam mo ang mangyayari, Ms. Williams. Hindi to magugustohan nang kapatid ko. Hindi magugustohan ni Hades ang bagay na to--" "Sabing tama na!" Sigaw ko at hinila ang kamay ko mula kay Uno at naglakad papalapit kay Grendel. Sobrang kaba ko pero wala na akong pakialam. Narinig ko pa ang pag tawag sa akin ni Trinity sa di kalayuan. Naramdaman ko ang braso ni Uno na nasa bewang ko habang nakatayo sa gilid ko. Napailing ulit si Grendel. "Hindi mo alam ang ginagawa mo, Wilson." "Kahit may malaman pa ako I don't mind." Seryosong sagot nito. Nagtitigan silang dalawa ni Uno saka muling napailing at tiningnan ang kamay ni Uno sa bewang ko. "Tsk tsk.." tumalikod si Grendel samin at nagsimula ng maglakad palayo pero agad rin siyang huminto, "Hindi to magugustohan ni Hades. Babalik ako Winter at sa susunod na balik ko dala ko na ang kapatid ko." Saka siya tumawa ng malakas. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi maari! No! Narinig ko pa ang mga sunod-sunod na tanong sakin ni Uno pero natahimik siya ng makitang wala akong imik. 'There's no more escape anymore.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD