CHAPTER 18

1737 Words

CHAPTER 18 Lumabas ako sa elevator habang nakayuko. Wala naman akong pakialam sa mga kapitbahay namin. Hindi naman nila ako matutulungan sa problema ko. Sa labing pitong taon ko sa mundo wala akong ibang inasahan kundi ang sarili ko. Nasanay ako noon na kami lang palagi ni kuya Drake at hindi ko na iniintindi ang iniisip o tingin ng iba. Kaya nga rin nakayanan ko ng ilang taon dahil lang rin sa tuling ni kuya Drake. Kung wala si kuya, hindi ko alam kung papaano ako mag-eexist sa mundong 'to. Inangat ko ang paningin ko malapit na ako sa condo pero napahinto ako ng magtama ang paningin namin. Nanatiling seryoso ang mukha niya at kitang kita ko ang namumutok na labi niya. May dalawang pasa rin siya na nasa gilid ng mata niya at sa pisngi niya. Napanganga ako habang nakatitig sa itsura niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD