Chapter 17 Life is all about suffering. This is all I've got after what I've done. Ano nga ba ang ginawa ko nun sa buhay ko at bakit ako pinapahirapan ngayon? "Miss, pauwi na po ang mommy at daddy niyo." Nilingon ko ang tagapagsilbi sa harap ng pinto ngunit wala akong maramdaman. Nagpaalam siya saka umalis. 'Bakit ba naisipan kong umuwi?' Hindi ko naman ugaling umuwi pag mag problema ako pero gusto ko kasi ng makakapitan ngayon. Nanghihina ako. Gusto kong may mahawakan sa kabila ng mga nangyayari sakin. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong inabot sa inaakalang tumawag si Uno pero napapikit ako ng madiin ng ibang numero ang lumabas. "Hello?" Walang ganang sagot ko. Mahabang katahimikan ang sumagot sakin sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko. "Kung wala kang pl

