CHAPTER 32 "Panay yung tingin nila sayo.." bulong ni Tyler sakin. Hindi naman ako sumagot at nanatiling nakayuko lang. "Ayun si Drake! Ang gwapo niya talaga!" Kinikilig na sabi ni Trinity. "Ano namang ginagawa nito dito?" Napaangat ang tingin ko ng makita ko si Hades sa harap namin. Teka, paano to napunta agad rito? "Sweet Winter.." tawag niya saka medjo lumuhod sa harapan ko. Konti nalang talaga at didikit na ako sa kinauupuan ko. Napansin kong natigilan rin yung ibang istudyante sa ginawa niya. "Winter.." inangat ko ang paningin ko at nagtama ang paningin namin ni Uno na seryoso parin ang mukha habang nakatingin sakin saka titingnan ng masama si Hades. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Di ba nila napapansin na naaagaw namin ang atensyon ng mga istudyante at ng ibang staff?! Napatayo

