CHAPTER 31 Nang makaalis si Uno ay agad akong pumunta sa stundent council. Nadaanan ko pa yung ibang istudyante na tumatawa habang nakatingin sakin. Kahit di nila sabihin alam ko namang sinasadya nilang ipakita sakin na pinagtatawanan nila ako dahil alam kong kalat na yung nangyari kagabi. Siguro nga iniisip na nila na ginagawa lang akong laruan ni Uno. Naging laruan na nga ako ng Williams, pati ba naman rito? "Tyler, pwede palitan natin yung kanta natin bukas? Aabsent ako ngayong hapon para makapractice naman tayo." Sabi ko sa kanya ng magsisimula na sana kaming mag practice. Habang pinapakinggan ko kasi ang kanta kanina ay pakiramdam ko may mali. Hindi bagay ang kanta sa nararamdam ko sa oras nato. Pumayag naman agad si Tyler at pumasok kami sa kabilang room. Medyo malaki kasi ang roo

