Chapter 24 Soundtrack: Fresh Eyes - Andy Grammer ** Nakasunod lang sakin si Uno habang papalabas ng gym. Nang makalayo na kami sa lugar at nasa quadrangle na kami ay agad akong huminto at hinarap siya. Seryoso ang mukha niya at nakapamulsa lang. Basa parin ang buhok niya tanda na kakatapos niya lang maligo pagkatapos nilang mag laro kanikanina lang. Nanlambot ang mata kong lumapit sa pwesto niya, "Ayos ka lang?" Saka ko hinaplos ang kanyang pasa sa mukha. Nakatitig lang siya sakin na tila binabasa kung anong iniisip ko. "Galit ka ba?" Kalmadong tanong niya. "Ba't mo ginawa yun?" "Natakot ba kita?" Seryosong tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako. Bawat tanong sinasagot niya rin ng tanong. Napailing ako. Galit ba ako? Natakot ba ako? Hindi ko alam. Bago ko siya nagustohan alam

