CHAPTER 23 Ilang sandali pa ay nagsimula na ang laro. Nakaupo lang ako sa bench malapit sa ibang members ng Wilson. Simula palang pero ang init na ng laban. Sobrang seryoso ni Uno at ng ibang members. Nakita ko pa si Seb at Avo na malapit kay Grendel habang si Uno naman ay kaharap si Hades. Kinabahan ako bigla. Bakit ba sobrang ramdam ko ang tension ng dalawang grupo?! Nakita kong may sinabi si Hades kay Uno na nagpakunot ng noo nito. Agad naman naagaw mula kay Uno ang bola. Nagsimulang habulin ni Uno ang kalaban at ng ipasa ito ng kabilang kampo kay Hades ay agad naman itong hinarap ni Uno. Hindi ako mahilig manuod ng basketball pero kahit papano may alam rin naman ako rito dahil minsan rin naman kaming mag pustahan ni kuya Drake pag nanunuod kami ng basketball sa t.v. Napatayo ako ng

