Band Aid
Namamangha akong nag-angat ng tingin sa likod ni Appolo na naglalakad na ngayon pabalik sa teachers table. Pero hindi pa din nakatakas ang inis ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtulong pagkatapos akong pagsabihan at pangaralan kanina.
"Aww. Ang bait talaga ni Appolo. I thought he was a monster, anghel din pala." Sambit ng kaklase ko na babae sa unahan ko.
"He's not a monster. Don’t call him that...he's hot." Sagot naman ng katabi niya.
Nangunot ang noo ko pagkatapos basahin ang problem sa number one. Pagkatapos ay binasa ko ulit iyon ng hindi ko iyon naintindihan.
Narinig ko ang paghagikhik ng dalawang babae .
"I agree. I can call him my baby--"
"Shhh..." malakas na saway ko dahilan para matigilan silang dalawa. Unti unti akong nag-angat ng tingin at binigyan sila ng matalim na titig.
Agad naman silang tumalikod at nagsimulang sumagot sa kani-kanilang papel.
"You look distracted." Abby said to my left after glancing at my paper. "Sumagot ka na. 26 minutes nalang."
I sighed violently and frowned as I started answering the problem. Especially whenever I see Appolos sweet smile on my female classmates whenever they ask and ask him for his help. Ngumuso ako.
Pakiramdam ko ay magkasalubong ang kilay ko sa buong oras na pagsagot sa mga problem dahil sa paminsan minsang papuri nila kay Appolo. Sometimes, I glance at Appolo and sometimes we stare at each other, sometimes I catch him looking at me while he catches me looking at him as well.
I glared at him when we look at each others again, but he just raised his eyebrows and look at me in amused way.
Bigla tuloy nagbago ang mood ko dahil sa mga naririnig. I even thought that he's jealous a while ago, because he sounds like it and even look mad at me, but after I saw his smile to the other girls and giving them compliments, I realize that he's just flirting with me too.
Ngumuso ako at sinulyapan ang libro na pinahiram niya sa akin. Kung sino-sino nalang sa mga kakalse ko ang nilalandi niya. Tss.
Suddenly, I remember our first encounter when we saw each other for the first time in the corridor. After he scolded me and turned his back on me to get the phone from the girl who took him a picture. He's even willing to allow anyone who would like to take him a picture, if you'll just ask for it. So, why should I even wonder. Base on my first impression of him. This is how he really act with the other women. Always willing to flirt and entertain. Kung hindi siya nagseselos kanina, ano naman ang reason niya kung bakit niya sinabi sa akin ang mga salitang iyon?
Hindi kaya? Natawa ako ng wala sa sarili na may mapagtanto. Bahagya pa akong sinulyapan ni Abby.
Anong gusto niyang palabasin? Wala akong ibang maisip na dahilan maliban sa isa...Na baka manggaya ako sa kaklase ko kaya niya sa akin pinahiram ang libro niya. Para hindi na ako makapanghiram sa iba at para hindi ako makakopya ng sagot.
I didn’t dare to looked back at Appolo again. So much for assuming huh?
Nagpatuloy ako sa pagsagot hanggang sa natapos ko iyon. I was about to stand and go out since I'm already done answering the activity, but I was immediately stop from his called.
"Nasia, please collect the papers of your classmate and give it to me after."
I blinked and raised an eyebrow at him. "Bakit hindi nalang ikaw ang kumuha? May kamay ka naman."
Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko.
"Appolo, ako nalang ang kukuha--"
I then turned to my girl classmate who is also our classroom secretary. Mabilis siyang natahimik sa titig ko.
"Thank you, but I want Nasia to do it for me." Sagot naman ng husky na 'to. Ng binalingan ko siya ay mariin niya akong tinitigan bago binalik ang tingin sa mga kaklase ko. "You can leave after you done answering the activity."
Umirap ako at napabuntong hininga. Nangunot ang noo ko ng mabilis na tumayo si Abby at nakangising ibinigay sa akin ang papel niya.
"I'm done." Nakangising aniya. Pinagkunutan ko naman siya ng noo at sinundan siya ng tingin ng kunin niya ang kanyang shoulder bag at muling nag-angat ng tingin sa akin para kindatan ako. “See you tomorrow.” Binigyan niya pa ako ng makahulugang ngisi bago ako tuluyang dinaanan.
Sunod sunod naman na lumapit sa akin ang mga kaklase ko na tapos na at papalalabas na din ngayon ng classroom.
This Husky! Ginawa pa akong utusan!
Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa pinasa na sa akin ng huling kaklase ko ang kanyang papel.
"Bye Nasia." Maarteng paalam sa akin ni Charlotte bago nilapitan si Appolo. "Appolo. Thanks for your help ah. I didn't know you were good at teaching."
Appolo then chuckled. I sighed.
"No problem. I'm glad I can be of help." The husky answered politely.
"You know what, you can be a teacher. I understand your explanation clearly more than our mentor." pamumuri pa ni Charlotte "Sana ikaw nalang ang teacher namin.”
Umikot ang mga mata ko.
"I'm not sure. I already have a choosen course in mind. It’s related to our company. But you can seek my help if you need it." malalim na sambit ni Appolo.
"Talaga? Sige, aasahan ko yan, ah.” Charlotte said happily. “I forgot. Your about to inherit your family business nga pala." She added.
Walang gana kong tiningnan ang mga papel sa kamay ko at binasa ang sagot ng mga kakalse ko habang hinihintay silang matapos sa talk na may kasamang landian.
“Natatakot ka kasing lapitan. You look very intimidated. Pero dahil ikaw na din ang nagsabi. Sige, aasahan ko yan.”
Narinig ko ang pagtawa ni Appolo bago sumagot. “No problem.”
"Sige, I look forward to it. I'll go ahead na. It's good to talk to you by the way."
Nasulyapan ko ang pagngiti ni Appolo kasabay ng pagtango.
Padabog akong lumapit sa kanya pagkatapos ma-check ang papel ng mga classmate ko.
"Bye Nasia." Paaalam ni Charlotte ng magkasalubong kami.
"Nakapagpaalam ka na diba?" I said sarcastically. Agad siyang natigilan at nahihiyang sinulyapan si Appolo, bago tipid na ngumiti at naglakad palabas.
Inirapan ko ito at muling binalingan ang sagot ng mga classmate ko. I don't know which one of us got the correct answer. Pero nakita ko ang pagkakaiba ng mga sagot namin, ang iba sa mga sagot ng kaklase ko ay halatang nangupya lang and iba ay hindi na sinagutan ang problem.
"Checking the answer of your classmate?" Rinig kong sambit ni Appolo sa harapan ko. "How was your answer though? Tama ba?"
"Aba malay ko! Nasakin ba ang answer key?!" Iritadong sagot ko pabalik. Lalo pa ng maalala na pinahiram niya lang ako ng libro dahil iniisip niya na mangungupya ako ng sagot sa kaklase.
Hindi ko tuloy napigilan na banggitin iyon. "What do you think of me, that I'm going to cheet? Kaya mo sa akin pinahiram ang libro mo!" Aniya ko sa painsultong tuno kaysa magpasalamat.
Bumaling si Appolo sa akin habang nakakunot ang noo at kita ang pagkalito duon.
"What?" He asked in shock. "It's not like that. I was thinking that you could answer easily if you had your own book."
My eyes rolled. "As if I would believe you."
Tinalikuran ko siya at bumalik sa upuan ko para kunin ang libro niya at ang bag ko.
"If I didn't do that you'll keep on flirting with your boy and not answer your activity." Siya. Rinig na rinig ko dahil kami nalang naman ang nasa loob ng classroom.
"Oh! I can multitask." Ako.
Bumalik muli ako sa harapan niya at padabog na ibinaba ang libro duon.
"Thank you for lending me your book...sir." pagdidiinan na sambit ko sa huling tawag sa kanya. Tiningnan niya naman ako sa iritadong paraan.
Kung umasta kasi at kung makapag utos akala mo naman ay teacher namin siya. Ni hind nga ako inuutusan ng teacher namin. Siya pa kaya.
"How rude. Ikaw na tinulungan, ako pa masama." Hindi makapaniwalang sambit niya, dahilan upang iritado ko siyang hinarap muli. "Kahit thank you wala?" He asked and glanced outside our classroom before glancing at my hand.
I was surprised when he suddenly left the table and approached me.
"Let me see your hand." Aniya niya dahilan para magsalubong ang kilay ko habang nagtataka siyang tiningnan.
He sighed then grabbed my arm. His other hand took my hand and examined it.
"What are you doing?" Nagugulat na tanong ko at sinulyapan din ang palad ko.
Umawang ang labi ko ng makita ang gasgas sa palad ko. Nakita niya kanina?
"What did he do to you?" Tanong niya dahilan para mas lalo akong matigilan. "He hurt you." Sagot din niya sa sariling tanong.
"I'm fine." Sagot ko. Hindi na sinagot ang unang tanong niya at hindi din iyon pinabulaan.
I was about to withdraw my hand but he pulled it closer to his chest causing me to get closer to him as well. He stared at me intently habang ginagawa iyon. I thought he was going to release me since he let go of my hand, but I was surprised when he took a band aid out of his pocket.
"Don't move." Aniya.
How come na may band aid siya sa bulsa?
Nanatili sa ere ang mga kamay ko habang binubuksan niya ang band aid. Ng inilapat niya iyon sa palad ko ay naramdaman ko ang magaspang niyang kamay sa malambot kong kamay.
Nag angat ako ng tingin sa ginagawa niya. Magkasalubong ang kilay niya habang ginagawa iyon. Nahuhulog din ang iilang hibla ng buhok sa kanyang noo.
Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit. Tila ngayon ko lang din naunawaan ang gustong sabihin ng mga babae kong kaklase kanina. I can't deny the fact that he's really handsome. Pointed nose, deep set of eyes, thick eyebrows, beautiful shape of face and clenched jaw. I looked down at his lips. It was thin and red and seemed...soft.
"You should stay away from your ex...He's not good for you." he whispered kahit rinig ko naman. “Hindi din siya bagay sayo.” he added.
Umawang ang labi ko. Ayan na naman siya. Kaya napagkakamalan ko siyang nagseselos eh.
Ngumisi ako nang may maisip. "Sino naman sa tingin mo ang mabuti at bagay para sa akin?" Mahinang tanong ko.
He looked up while still holding my hand. He glanced slightly at my lips before staring back in my eyes.
“Walang mabuti at bagay sayo para sa akin. You should focus more on your study. Stop flirting with anyone. Your too young for that."
Bahagya akong natawa sa sinabi niya at bigla ay nawala sa seryosong usapan. I stood up straight and tilted my head.
"Why do you always tell me that? Na para bang sobrang bata ko sa paningin mo."
"I'm just stating the fact, you'll still a kid to me." Aniya.
He turned his back on me to go back in front of the teachers table. Sumunod naman ako at bahagyang nairita ngayon. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang unang sinabi niya sa akin noong una naming pagkikita.
"If I am a kid then your old!" Bulalas ko.
Mabilis siyang humarap sa akin at mariin akong tinitigan.
"I'm not that old. We're just 3 years apart." Depensa niya.
Umawang ang labi ko. Pano niya nalaman ang age gap namin? Hindi porket grade 10 palang ako ay alam niya na ang edad ko. Paano pala kung advance akong nag-aral, pa’no kung delay? Edi mas matanda or mas bata ako sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung ilang taon na siya kahit pa alam ko na grade 12 siya. Bakit nga ba hindi ko naisipan na alamin ang birthday niya. Natigilan ako at nagsimulang magbilang sa isipan at nagulat ng tuluyang malaman ang sagot.
"Your 19?!" Nagugulat na sambit ko. Now I know. "Oh, my goodness! Ang tanda mo na pala sa akin! I though your just 17."
Iritado niya akong tiningnan. Samantalang gulat pa din ako sa edad niya. Akala ko talaga 17 or 18 palang siya.
"Kuya na pala kita." Aniya ko at nginisian siya ng makabawi.
"Don't call me that!" He said irritably. "I'm not your brother."
"Tss. It's a sign of respect. Ayaw mo nun? Nirerespeto na kita ngayon. Kuya." Dagdag ko pa.
"Stop calling me that if you don't want me to call you a baby!"
Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang nagustuhan iyon.
"I like that! Baby." Malambing na aniya ko pa.
Pumikit siya ng mariin at hinilot ang taas ng ilong malapit sa gilid ng kanyang mga mata.
"Hmm...baby." aniya ko pa at ngumisi saka tumingkayad habang sinisilip ang mukha niya na nakatagilid na sa akin ngayon. "Why? Masakit ba ang ulo mo, baby? Want me to massage you? Baby? Hmmm?" Sunod sunod na paglalambing ko.
Suminghap siya ng makita ang ayos ko. Umawang ang labi ko ng hinawakan niya ang baywang ko para tigilan ang pagtingkayad ko. Ng magawa niya ay ngumisi ako saka sinulyapan ang kamay niya sa baywang ko.
"Touchy ka, baby huh?" Nangingiting sambit ko.
Kita ko ang namumungay ng mata niya habang tinititigan ako.
"Stop it." he whispered softly. Wala na siyang ibang sinabi kundi stop it. Tss.
"Alright, baby." I whispered too.
Umiling siya at sinulyapan ang likod ko bago muling binalikan ang mga papel at ang libro.
"Sumama ka sa akin sa faculty room." Aniya niya.
Namaamangha ko siyang tiningnan. "Bakit? Anong gagawin natin dun?" Nagugulat na sambit ko. Inaasar siya.
His forehead furrowed at me. "Stop overthinking. We're going to take this to the faculty room." He said glancing at the papers before he turned his back on me.
Nalilito man sa iniakto niya ay sumunod pa din ako. Naglalakad siya sa unahan ko palabas ng pintuan ng aming classroom. Samantalang sumusunod naman ako sa kanya habang nakangisi.
"Nasia." Tawag sa akin ng pamilyar na boses pagkatapos naming lumabas ng pinto. Sinulyapan niya pa muna si Appolo bago ako binalingan.
Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko.
Nangunot ang noo ko ng makitang muli si Henry sa corridor at tila hinihintay ako. What is he doing here! I told him to stay away from me, tapos nandito na naman siya ngayon? Ano 'to? Porket hiniwalayan siya ng current girlfriend niya, ako naman ngayon ang guguluhin niya? Para ano? Para paglaruan ulit ako?
"Nasia!"
Mabilis akong napabaling sa tila kulog na tawag sa akin ni Appolo. He stared at me sharply before glancing at Henry.
The next day, I was lining up in the cafeteria because my friend Abby doesn’t want to go with me because she was busy reading her romantic book. I was totally annoyed. Para kasing mas inuuna niya pa yung pagbabasa niya kaysa kumain. As if naman mabubusog siya ng binabasa niya.
Sinabi ko ang snack na gusto ko sa stuff at bumili na din ng inumin. Habang naghihintay ako ay halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang pamilyar na boses likuran ko.
"What the hell are you wearing?" Appolo's voice boomed behind me.
Ngumisi ako at unti-unting humarap sa kanya. “Hi, baby husky.” Malambing na sambit ko. Tumalim naman ang tingin niya sa akin.
“Why are you wearing that?” tanong niya sa suot ko. Tiningnan ko naman ang suot ko at nakita na nakasuot ako ng short shorts and fitted shirt.
“What? What’s wrong with my outfit? It’s a volleyball uniform. Kakatapos lang namin maglaro. I went straight here because I'm hungry." sagot ko.
“Even so, it too short on you. Sana nagbihis kana muna bago ka pumunta dito. Siguro sinadya mo na hindi muna magbihis para makapang-akit ng mga lalaki.” He accused me. Sisinghalan ko sana siya sa iritasyon kaso narinig ko ang stuff sa likod ko. I took what I bought before I confronted him.
"What really is your problem? As if I'm the only student whose wearing this. Huwag ka ngang OA diyan. At anong nang-aakit? I already told you na nagugutom ako at inuuhaw ako kaya dito ako dumeretso.” Umirap ako at nilihisan siya. “Umalis ka nga diyan, nakakawala ka ng gana eh.” Iritado nang sambit ko.
But then before I could get away, he already grab my arm while looking at the food I bought. “Ba’t dalawa yang binili mo? Para kanino iyan?” he asked again.
I almost laughed at him. “Kanina yung damit ko, ngayon naman pati pagkain ko pupunahin mo?” Hindi makapaniwalang sambit ko. “This is for my friend. Ok na?” Sagot ko.
Her eyebrows met. "Who's friend?"
I groaned and glared at him. "Obviously Abby, who else is my friend here?" I said sarcastically.
Bago pa siya makapagsalita ay lumapit na sa amin si Charlotte na bigla nalang sumulpot sa harapan namin.
“Hi, Appolo!” Masayang bati nito.
Halos umikot ang mga mata ko.
“I forgot to get your number the other day. Pwede hingiin ko, para may contact ako sayo everytime na magpapa-turo ako.”
"Sure." And the brute didn’t even hesitate. I rolled my eyes. Charlotte gives her phone to him and the husky started to type his number.
“Hi, Nasia.” Bati niya pa sa akin habang masayang bumaling muli kay Appolo. I glared at Appolo.
Nang matapos ay sinulypan niya ako. Nagtataka niya akong tiningnan ng makita ang tingin ko sa kanya.
"Thank you!" The chipmunk said happily, while Appolo smiled and nodded at her. “Are you free later after class, magpapa turo sana ako para sa assignment ko. Hindi ko kasi maintindihan.”
Assignment? Really? Why not ask Sienna to do it? I heard Sienna do her assignment for her.
“I’m not sure, may practice pa kami ng basketball mamaya.” Si Appolo. Ngumiti ako sa sagot niya.
“Ah…How ‘bout tomorrow? next week pa naman isa-submitt 'tong assignment ko.” The chipmunk tries her luck.
“I’m sorry, we really are busy. Malapit na kasi ang finals.” Si Appolo.
Pinagtaasan ko ng kilay si Charlotte sa sinagot ni Appolo. Ako na itong nahihiya para sa kanya. Halata naman na walang oras sa kanya si Appolo pero nagpupumilit pa.
“Oh, how‘ bout this weekend? ” She tried again. I sighed and chuckled. They both turned to me. Appolo's forehead frowned at me. I then pursed my lips to suppressed a smile.
"These weekends I'll try if I could help you." Appolo answered. My forehead furrowed, tila nabuhayan naman si Charlotte sa narinig.
“All right! I will look forward to that. Thanks, Appolo! Your so kind.” She said happily and turned to me with a smile on her face. I raised an eyebrow at her. Tumalikod siya at iniwan na kami.
I sighed and watched her went to their table to break the news to her friends.
I glared at Appolo. Now, he looks so amused. Before he could talk to me, I turned my back on him. Bakit nga ba hindi nalang ako umalis duon at hinayaan silang mag-usap na dalawa? hindi iyong nakinig pa ako sa usapan nila. Tss.