KABANATA 13

1038 Words
"Sylvia!" Paiyak na tumakbo si Lorie sa kaniya nang salubungin niya ang mga ito sa labas ng kanilang gate. "O, bakit?" takang tanong niya sa kaibigan habang yapos-yapos ito. Dahil hindi nasagot si Lorie kay Sylvia ay ibinato niya ang tingin sa iba pang kasamahan. Nagtatatanong ang anyo niya nang titigan si Gabe na nakaabrisyete pa kay Patrick. "Naku, talo 'yan sa pustahan!" "Pustahan?" ulit niya habang magkadikit ang mga kilay. "Bilang mabubuti mong kaibigan at kasamahan, pinagpustahan ka namin," pagmamayabang pa ni Patrick sa kaniya, at lumapit. "Wow, thank you naman. Appreciate it," sarkastiko namang anang ni Sylvia habang nakangiti nang nanggigilgil. "Hindi lang ikaw, Syl!" singit ni Patrick. "Sobrang proud talaga ako sa inyo. Lalo na sa iyo, Gabe. Napakabuti mong kabigan," pagkatapos ng mga litanyang iyon ay isang nakamamatay na tingin ang ipinukol ni Sylvia sa kaibigang binabae. "What?!" halos naibuga niya ang alak na nasa loob ng bibig matapos ikwento ni Lorie ang naging pustahan ng mga ito sa loob ng kumpanya. "See, dami kong pera!" bakas sa hitsura ni Gabe ang kasiyahan. Itinaas pa nito ang ilang one thousand pesos na panalo nito laban kay Lorie. "O, 'di magbayad ka!" asik niya rito. "Talagang papalitan ka na ni Sir Troye!" malakas na anunsyo ni Lorie, at tumunngga ng alak. Natigilan naman si Sylvia, at naramadaman ang pagpitik ng puso. Itinuon niya ang walang emosyong mga mata sa ibang dako. Kung ganoon ay naghahanap na talaga ito ng bagong secretary! Hindi niya namalayan ang tuluyang pagbaha ng labis na dismaya sa imahe. Hindi rin niya namalayan ang paglukot ng baba dahil sa pagkuraba ng kaniyang labi dahil sa lungkot na nararamdaman. "Hoy, bakit ganiyang ang reaksyon mo?" bangga naman sa kaniyang siko ng katabing si Gabe. Natuon kay Sylvia ang lahat ng pansin ng mga kaharap sa mesa. Bigla siyang nahiya, kaya umupo siya ng tuwid, at pilit na binago ang anyo. "Ano bang reaksiyon?" "O-oh, masaya ako!" Niluwagan niya ang pilit na pilit na ngiti sa labi , at ipinakita iyon sa bawat kasamahan. "Akala nga namin naapektuhan si Sir Troye sa pag-alis mo dahil weird nga siya ngayong araw," Nakatingala pa si Lorie para bang iniisip ang hitsura ng binatang amo. "Ba-bakit ninyo naman naisip 'yon?" hilaw na tawa ang isinabay ni Sylvia sa pag-uusisa niyang iyon. Tinungga rin ang alak para iwasan ang tingin ni Lorie nang ibaba nito ang mukha. Hindi pa man nag-umpisang magkwento ang kaibigan ay nanginginig na ang mga tuhod niya sa ilalaim ng mesa. "Hind siya lumabas ng opisina maghapon. Hindi nga rin siya kumain," patiunang kwento ni Patrick. Agad siyang nagbaling ng tingin dito habang nakaangat ang magkabilang kilay. Hindi ba siya nabingi? Totoo ba ang narinig niyang hindi lumabas ang binata o kumain? Bakit? Dahil ba sa kaniya? Para namang humaba ng ilang dangkal ang buhok niya sa naiisip. At kung hindi tuluyang makokontrol ang ang ngiti ay malamang maaninag iyon ng mga kaharap. "Bumalik ka na kasi!" Niyugyug pa si Sylvia ni Lorie sa braso habang parang lasing na. "Oo nga!" segunda naman ng iba. "Naku, ha!" "Tigil-tigilan ninyo nga ako!" "Okay na ako rito. Atsaka, bakit pa ako babalik?" "May kapalit na nga ako, 'di ba?" hindi niya sinasadyang maging bitter ang sound sa huli niyang binitawan. "Teka, you obviously sounds bitter!" puna ni Gabe habang tinitigan siya ng may kahulugan. "Nangangamoy, comeback, ha!" sambit naman ni Patrick habang ngiting-ngiti sa kaniya. "Hoy, pwede mo pa namang bawiin 'yong resignation mo!" tila nabuhayan ng loob si Lorie habang kulang na lamang ay yakapin siyang muli. Naiinis na pwersahang kumalas si Sylvia sa kaibigan. Hindi niya nagugustuhan ang mga naririnig sa mga ito ngayon. Ano siya, baliw? Walang isang salita? Porket ba narinig niyang naging weirdo ang dati niyang boss na iyon ay babalik siya agad-agad? At kapag ginawa niya iyon, sigurado siyang mataas na naman ang lipad ng binata na iyon. Magyayabang iyon ng walang katapusan, kaya, never! Never siyang babalik doon! Kahit nasa puntong si Troye mismo ang makiusap sa kaniya! "Babalik na 'yan! Babalik na 'yan!" pambubuyo ng kaniyang kasamahan habang hinahampas pa ang lamesa para magkaroon ng beat ang mga isinisigaw. "Hep!" Kinalampag nang malakas ni Sylvia ang ibabaw ng lamesa, at halos mataob ang laman ng ilang basong naroon. "Guys, listen carefully," determinadong wika, at mukha ni Sylvia. Isa-isang tinignan ng tuwid sa mga mata ang kaharap na ka-opisina. "Hinding-hindi ako babalik sa pagiging secretary ng bagitong 'yon," may panindigan niyang bigkas. Natameme naman sina Gabe habang nakatunghay lamang kay Sylvia. Mula sa pgkakayuko ay muling tumindig nang maayos ang dalaga. Mariing hinawakan ang basong may laman na alak. Matapang niyang itinuon ang mga mata sa 'di kalayuan. Buo na ang desisyon niya, hindi siya madadala sa mga sinasabi ng ka-trabaho. Kung ganoon man ang naging attitude ng dati niyang boss ay sigurado naman siya na hindi siya ang dahilan n'on. Alam ni Sylvia na hindi siya pag-aakasyahan ni Troye ng effort, atensyon, oras at emosyon. Kumpirmado niya iyon dahil sa plano nitong mag-hire ng bagong sekretarya . Ang ibig-sabihin lang no'n ay balewala sa binata ang pag-re-resign niya. Well, pareho naman sila ng nararamdaman! "Ano ng plano mo?" naging seryoso, at tahimik na ang usapan ng lamesa nila Sylvia nang umuwi na ang kanilang ibang kasamahan. "Mag-re-relax," tipid niyang tugon. "Gaga! Anong relax?!" naiiritang anang ni Gabe, a binato pa siya ng walang lamang plastic cup. "It's your time to shine!" "Ano?" natatawa niyang aniya habang umiiling. "Go and explore!" "Ano, hindi mo talaga gagamitin 'yang p********e mo-" Awtomatikong binato ni Sylvia pabalik ang plastik na baso rito para hindi maituloy ang sasabihin pa nito. "Why?" "I am just stating the fact here," katwiran nito habang nakakibit ang mga balikat. "Hindi ako ganiyan. Nagpakatanda pa ako ng ganito kung ganiyan lang din pala ang mindset ko," giit ni Slyvia. "Girl, hindi ko naman sinabing magpakababa ka bilang babae. Hindi ko rin sinasabing ibalandra mo 'yang sarili mo sa daan para makabingwit ng lalake." Hinawakan ni Gabe ang balikat ni Sylvia habang seryoso ang mukha. Diretso siyang tinitigan ng kaibigan sa mga mata. "Go to some dates." "Iyong decent dates. Meet, find, and know different guys. Malay mo, naroon na 'yong pagsusukuan mo ng Bataan," mahabang paliwanag nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD