KABANATA 12

1056 Words
Hilot-hilot ni Troye ang magkabilang sintido. Kahapon pa sumasakit ang ulo niya, hanggang ngayon na nasa loob na siya ng opisina. Hindi napigilan ng binata ang paglipad ng tingin sa isang pwesto ng lamesa. Lamesa, kung saan kahapon lamang ay nakaupo ang sekretarya, dating sekretarya. May naramdaman siyang bigat sa puso, ganoon na rin ang kakaibang lungkot na unti-unting nabubuhay sa kaniyang pagkatao. Ganito rin ang naramdaman niya nang pauwiin ng nakatatandang kapatid para umupo, at manahin ang kumpanya. Noon ayaw niyang tanggapin ang responsibilidad, umupo bilang CEO pero wala rin siyang nagawa. Masasabi niyang nabawasan ang lungkot, at ang bigat ng kaniyang pakiramdam nang makilala si Sylvia. Ayaw niya sa sekretarya ni Trevor noong una. May pagkakataon na pinagtalunan pa nila ito magkapatid. May balak sana siyang mag-hire ng iba kaso matigas ang hindi pagpayag nito. Hindi naman niya pinagsisihan ang pinili. Natauhan lamang si Troye nang makitang lihim na sumisilip doon sina Lorie, Gabe at ilang empleyado. Inaalam siguro ng mga ito ang kaniyang ginagawa. Mabilis na umayos sa pagkakaupo ang binata, a kunwaring inaayos ng kaswal ang mga gamit sa ibabaw ng mesa. Habang ginagawa iyon ay pailalim niyang tinanaw ang mga ito sa salamin. "Parang may kakaiba kay Sir, 'no?" "Napansin ninyo rin pala?" "Parang tinatamad." "Walang energy." "Wala sa sarili." "Tingin ninyo dahil 'yon kay Sylvia?" Parang tambay sa kanto na nagkukwentuhan sina Lorie, Gabe, Patrick, at ibang ka-opisina. Nakaupo pa ang mga ito sa ibabaw ng mesa habang seryosong-seryoso ang mga histsura. Palaisipan sa mga ito ang inaasta ngayon ng binatang amo. Hind ito lumalabas ng opisina, ni kumain ay parang hindi ginawa nito. "Grabe, 'yong epekto ng beauty ni Sylvia kay Sir 'no? Lakas maka-heartbreak," tawang-tawang aniya ni Gabe habang kumakain ng isang cupcake. "Magpustahan tayo?" sugalor na alok ni Lorie, at humarap sa mga kasamahan. "Pababalikin ni Sir Troye si Sylvia." Bumanghalit ng tawa si Gabe, halos naibuga nito sa mga kaharap ang kinakaing cupcake. "Ano'ng nakatatawa roon?" tanong naman ni Patrick. "Girl, ayoko sana kitang kalabanin pero, guys!" tawag nito sa mga kasamahan, at kinampayan ang mga ito para lumapit sa kanila. "Sa akin kayo pumusta!" "Sa akin, kasi for sure, maghahanap ng bagong secretary si Sir Troye," walang pagdadalawang-isip nitong pahayag. "Kay Gabe ako!" Naglagay agad ang ilang kasamahan nilang lalake sa ibabaw ng lamesa ng pera. Sumunod naman ang iba na mukhang naniwala sa mga sinabi ni Gabe. "Hoy, samahan ninyo naman ako sa bet ko!" nagmamaktol na anito ni Lorie habang nagmamakaawa sa mga babaeng katabi. Nagkalat ang mga pera sa ibabaw ng lamesa ni Gabe habang mayabang na nakaupo ito roon, at binibilang ang mga pera. "What's happening here?" Tumalon agad si Gabe, at iniharang ang katawan sa mesa. Nagpulasan naman ang lahat, nagbalikan sa kani-kanilang mga pwesto. "Wala po, Sir. Nagpupustahan lang po kami-" Maagap na inapakan ni Lorie ang paa ng kaibigan dahilan para hindi na naituloy nito ang pagsasalita. "Nagpupustahan? What is that?" nagtatakang usisa ni Troye habang nakahalulipkip, at naglakakad patungo sa gitna. Mabilis na nagtabi-tabi sina Patrick para hindi makita ng amo kung anong nasa lamesa. "Pu-pustahan, Sir!" "A-a-ano para siyang, ano, parang," hirap na hirap si Lorie ipaliwanag sa kaniya kung anong seryosong pinagkaabalahan nito para hindi siya mapansin sa paglabas. "Nevermind," pagsasawalang-bahala niya sa hindi mabanggit nito. "Anyway, tommorow, you have to find me new and fresh secretary." Matulin na nagkatinginan ang lahat, napansin naman iyon ni Troye kaya't napakunotnoo siya. "Did I say something wrong?" "Wala po Sir!" masayang sagot ni Gabe. "Alright. Gabe, you need to find candidates, one of them will my be my assistant tommorow morning." "Make sure it's worth my time when they are in front of me for the interview." Umikot na si Troye habang may buong kumpiyansang tindig. Akala ba ng dating sekretarya niya ay malulugmok na lang siya dahil sa basta-basta na lang nitong pag-alis? Patutunayan niya rito na he can find better! Matapos pumasok ng binata sa loob ng opisina ay tumalon si Gabe, ganoon na rin ang nakapusta sa kaniya. Si Lorie naman ay parang lantang gulay na hinimatay. "May bisita ka?" "Opo, Inang. Bibisita po rito sina Lorie, atsaka 'yong iba kong mga kasamahan," Nakangiti sagot ni Sylvia. Muli niyang inayos ang lamesa na punong-puno ng mga pagkain, at maiinom. Katatanggap lamang niya ng text message mula kay Gabe. "Sige, magluluto pa ako," Tinapik ni Sonia ang balikat ng anak bago nagbalik sa loob ng bahay. "Salamat, Inang!" "Sir, hindi pa po ba kayo uuwi?" urirat ni Gabe nang ilusot ang ulo sa siwang ng pinto. "I'm fine," mahina niyang tugon na hindi na sinayang ang kapirasong energy para tingnan ang empleyado. "We will go ahead, Sir!" Tumango lang siya nang bahagya. Tumaas ang tingin ng binata nang mapansing nakasilip pa rin ito. "Anything?" may bahid na iritang untag niya rito. "May gagawin po ba kayo-" "Why?" hindi niya na pinatapos ang pagtatanong nito. "Baka lang po, gusto ninyong sumama sa amin," Tuluyang nang pumasok si Gabe sa loob habang ngiting-ngiti abot-tenga. "I'm good, Gabe-" "Pupunta po kami sa bahay ni Sylvia!" Natigilan si Troye, tensyonadong napalunok, at napatitig sa mukha nito. Kakaiba ang pakiramdam niya sa narinig na pangalan. "Gusto ninyo po?" "Tara, Sir!" "May tindahan po sila roon, na talaga namang may masasarap na Batangas delicacies!" sabik na sabik na alok sa kaniya ni Gabe. Natahimik siya sandali, naningkit pa ang mga mata niya. Bibisitahin ang dating sekretarya sa bahay nito? Kahit may katagalan na itong nagtatrabaho sa kaniya ay hindi niya nalaman kung saan ito nakatira, ang buhay nito hindi lang bilang sekretarya. "Napansin po kasi namin na malungkot kayo, baka dahil kay Sylvia-" "You stop it there!" bayolenteng niyang awat, itinaas pa ang kaliwang kamay para patigilin si Gabe sa mga susunod nitong sasabihin. "You." "Stop." "Talking." "Hindi ko nagugustuhan 'yang lumalabas sa bibig mo!" banta niya rito habang namumula sa galit? Hindi niya alam kung dahil nga ba sa galit. Hindi niya alam ang nararamdaman. "So-sorry po, Sir," natataranta, at payukong despensa nito. "You get out of my sight now." "Yes, Sir!" Nagmamadaling umibis ng silid si Gabe. Napabuga ng hangin si Troye nang tuluyang makalabas ang empleyado sa kwarto. Agad niyang inalis ang pagkakabutones ng suot na suit. Pinunasan ng binata ang pawis sa noo. Hindi niya alam kung saan galing iyon kahit fully aircon ang kaniyang buong opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD