PROLOGUE The Last Flight..
TO LOVE AND DESTROY
A tale of vengeance, secrets, and a love born from lies.
ELENA'S POV
May mga pagkakataong hindi mo maipaliwanag kung bakit bigla na lang bumibigat ang dibdib mo.
Walang malinaw na dahilan.
Walang nakikitang panganib.
Pero may kung anong boses sa loob mo na paulit-ulit na nagsasabing—
Huwag.
Huwag kang tumuloy.
Huwag kang sumakay.
Huwag mong iwan ang anak mo.
Iyon ang pakiramdam ni Elena Dela Vega nang gabing iyon.
Nakatayo siya sa harap ng salamin habang inaayos ang ilang hibla ng buhok niya. Maayos naman ang lahat. Nakahanda na ang mga gamit nila. Nasa ibaba na ang sasakyan.
Hinihintay na lamang siya ng asawa niya.
Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maalis ang kakaibang kaba sa dibdib niya.
"Elena."
Napalingon siya.
Nakatayo sa may pintuan si Marco.
Nakasuot na ito ng uniporme bilang piloto. Maayos ang buhok, kalmado ang mukha, at may pamilyar na ngiti sa labi.
Her husband.
Her best friend.
Her home.
"Handa ka na?" tanong ni Marco.
Tumango siya.
"Oo."
Pero hindi siya gumalaw.
Napansin iyon ni Marco.
"Anong problema?"
"Wala."
"Elena."
Napabuntong-hininga siya.
"I don't know."
Lumapit si Marco.
"Masama pa rin pakiramdam mo?"
Tumango siya.
"Kanina pa."
"About the flight?"
"Hindi ko alam."
Hinawakan ni Marco ang kamay niya.
"Anniversary celebration lang naman. Kasama natin sina Mama at Papa. Alam mo namang sanay na akong lumipad."
Napangiti siya nang kaunti.
"Alam ko."
"And I'll be careful."
"Tiwala ako sa'yo."
"Then?"
Hindi agad sumagot si Elena.
Dahil ang totoo—
hindi sa asawa niya siya natatakot.
Hindi sa paglipad.
Hindi sa panahon.
May ibang bagay.
Isang bagay na hindi niya maipaliwanag.
"Marco..."
"Hmm?"
"Kung sakaling may mangyari—"
"Hey."
Agad siyang pinutol ni Marco.
"Walang mangyayari."
Napatingin siya sa mga mata nito.
Sa loob ng maraming taon, iyon ang mga matang pinagkakatiwalaan niya.
Kaya pinilit niyang ngumiti.
"Okay."
Lumapit si Marco at hinalikan siya sa noo.
"Come on. Naghihintay na sina Mama."
Tumango si Elena.
Pero bago siya tuluyang lumabas ng kwarto, napahinto siya.
Parang may kung anong humihila sa kanya pabalik.
Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.
Isang boses na hindi niya kayang patahimikin.
Huwag kang tumuloy.
Napapikit siya.
Pero sa huli—
sumunod pa rin siya.
RAFA'S POV
"Mama!"
Tumakbo ako papunta sa kanya.
Walong taong gulang ako noon.
At sa edad na iyon, ang pinakamalaking problema ko lang ay kung bakit hindi ako pinapayagang sumama sa Batanes.
"Mama, sasama ako."
Napangiti siya, pero halatang pilit.
"Rafa, hindi ka muna sasama."
"Bakit?"
"May gagawin ka dito kay Manang Lita."
"Ano naman?"
"Maglalaro kayo."
Napakunot-noo ako.
"Mas gusto kong sumama sa inyo."
Lumuhod si Mama sa harap ko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Anak."
Tumingin ako sa kanya.
"Makinig ka kay Mama, okay?"
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pagkakasabi niya.
Parang may bigat.
Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya.
"Pero pupunta kayo sa Batanes."
"Opo."
"At babalik kayo bukas?"
Tumango siya.
"Babalik kami."
"Promise?"
Ngumiti siya.
"Promise."
Lumapit si Papa.
"Little man."
Tumingin ako sa kanya.
"May pasalubong ako sa'yo."
"Talaga?"
"Oo."
"Ano?"
"Secret."
"Papa!"
Tumawa siya.
"Malalaman mo pagbalik namin."
Ngumiti ako.
"Promise?"
"Promise."
Ngumiti ako nang malaki.
Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko makakalimutan ang sandaling iyon.
Siguro dahil iyon ang huling pagkakataong narinig ko mula sa kanila ang salitang—
promise.
ELENA'S POV
Bago kami tuluyang umalis, muli kong nilapitan si Rafa.
Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang yakapin nang mas matagal.
Kaya ginawa ko.
Mahigpit.
Parang ayaw ko siyang bitawan.
"Mama?"
"Nothing."
Hinalikan ko ang noo niya.
"I love you."
"I love you too."
Napapikit ako.
For one second, gusto kong sabihin sa kanya na huwag akong hintayin.
Gusto kong sabihin na may masama akong pakiramdam.
Gusto kong sabihin na baka hindi ako makauwi.
Pero paano ko sasabihin iyon sa isang walong taong gulang?
Kaya ngumiti ako.
"Be a good boy, okay?"
Tumango siya.
"Yes, Mama."
Binitawan ko siya.
At lumakad palayo.
Hindi ko alam na iyon na pala ang huling yakap na maibibigay ko sa anak ko.
RAFA'S POV
Pinanood ko sila mula sa bintana.
Si Mama.
Si Papa.
Si Lolo Arturo.
Si Lola Clara.
Nakita kong kumaway si Mama.
Kumaway rin ako.
Pagkatapos ay sumakay sila.
Umalis ang sasakyan.
At unti-unting nawala sa paningin ko.
Akala ko—
babalik sila.
Kaya naghintay ako.
Makalipas ang ilang oras, nakaupo ako sa sala habang nanonood ng telebisyon.
Biglang nagbago ang programa.
"Breaking news."
Hindi ko pinansin noong una.
Hanggang sa marinig ko ang pangalan ng tatay ko.
Captain Marco Dela Vega.
Napatingin ako sa screen.
May larawan ng isang helicopter.
May usok.
May apoy.
May mga taong nagkakagulo.
At may isang reporter na nagsasalita.
"Ang helicopter na lulan ang kilalang piloto na si Captain Marco Dela Vega, kasama ang kanyang asawa at mga magulang, ay naiulat na bumagsak habang patungo sa Batanes—"
Hindi ko na narinig ang sumunod.
Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko.
Captain Marco Dela Vega.
Papa.
Napatingin ako kay Manang Lita.
Nakatayo siya sa likod ko.
Namumutla.
"Manang?"
Hindi siya sumagot.
"Manang Lita?"
Wala pa rin.
Tumayo ako.
"Si Papa?"
Nanatili siyang tahimik.
"Manang, nasaan si Mama?"
Napahawak siya sa dibdib niya.
"Rafa..."
"Nasaan sila?"
Lumapit siya sa akin.
"Anak..."
"Ano?"
Nangingilid na ang luha niya.
At doon ko unang nakita sa isang matanda ang takot na hindi ko maintindihan.
"Sabihin mo sa akin."
Niakap niya ako.
Pero itinulak ko siya.
"Nasaan sila?!"
Hindi ko alam kung bakit ako sumisigaw.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.
Hindi ko alam kung bakit walang sumasagot sa akin.
Ang alam ko lang—
may mga taong hinihintay kong umuwi.
At may mga taong hindi na pala makakauwi.
VICTOR'S POV
Tahimik akong nakatayo sa harap ng telebisyon.
Paulit-ulit na ipinapakita ng balita ang pangalan ni Marco.
Captain Marco Dela Vega.
Legendary pilot.
Mabuting asawa.
Mabuting anak.
Mabuting kaibigan.
Kahit sa kamatayan—
siya pa rin ang pinupuri.
Napangiti ako nang mapait.
Kahit kailan—
hindi talaga natapos ang pagkukumpara.
Mas mabuting tao si Marco.
Mas magaling na piloto si Marco.
Mas minahal siya ng mga tao.
At higit sa lahat—
pinili siya ni Elena.
Napapikit ako.
Naalala ko ang mukha niya.
Ang babaeng minahal ko.
Ang babaeng hindi kailanman naging akin.
Dahil kay Marco.
"Kung hindi dahil sa'yo..."
Mahina akong bumulong.
Napatingin ako sa telebisyon.
Patay na si Marco.
Patay na rin si Elena.
Kasama nila ang mga magulang ni Marco.
Sa loob ng maraming taon, iyon ang mundong gusto kong makita.
Pero nang gabing iyon, hindi ko naramdaman ang tagumpay na inaasahan ko.
May kakaibang bigat.
Parang may isang bagay na hindi tama.
Parang may isang bahagi ng kuwentong hindi ko alam.
At tama nga ang pakiramdam ko.
Dahil may isang bagay akong hindi alam.
Hindi kasama sa helicopter ang anak ni Marco.
Buhay si Rafael.
Paghihiganti.