Episode 18

1844 Words
"Magkano pa ang pera mo dyan?" tanong ni Ziya kay Tor. Wala kasi syang kapera-perang dala dahil ang wallet nga nya ay naiwan sa umalis na bus. Dumaan muna sila sa may atm machine pero nagkataong offline kaya hindi rin sila nakapag- withdraw. "Nasa 150 na lang ito, naubos ata sa pagbili ko ng mga napkins mo," sagot ni Tor. Hindi tuloy alam ni Ziya kung nang-iinis si Tor o nagsasabi lang ng totoo. "Sinisisi mo ba ako?" Tinaasan pa nya ng kilay ang lalaki. "Hey, 'yan ka na naman. I am just telling the truth. I have no money here aside from this one hundred fifty peso bills and some coins. Ang balak ko kasi ay kumain na lang tayo sa may resto dun sa bayan malapit sa atin. Tumatanggap naman kasi sila ng credit card. Bukas pa talaga ako magwi-withdraw sana. Yung sa pagpapagasolina naman, nakalimutan ko talaga. Masyado lang ako na-excite na magkasabay na naman tayo, na uuwi na naman ako na andiyan ka. I tend to forget things especially kapag kasama kita." "O, ayan nga sinisisi mo nga talaga ako, na nakalimutan mo magpagasolina dahil sa akin," malungkot na wika ni Ziya. "Haay naku, ang aking prinsesa, hindi talaga nakikinig. Ok, let me rephrase it. I tend to forget things because when I am with you, I only think of you and nothing more." Sa sinabing iyon ni Tor ay napatitig si Ziya sa lalaki. Ramdam na ramdam nya ang bawat katagang namutawi sa bibig ni Tor. Hindi tuloy nya maintindihan kung nagsisimula na naman s'yang kiligin. Bumabalik na ba yung dati nyang nararamdaman sa lalaki? Dahil natigilan na si Ziya at wala na atang balak sumagot muli sa kanya, hinawakan na ni Tor ang isang kamay ng dalaga. Nagpatangay naman ito. "S-san tayo pupunta?" tanong ni Ziya. "Maghahanap tayo ng matutulugan. Alam kong pagod ka dahil ilang araw ka ng puyat. Nangangalumata ka na, o," simpleng sagot ni Tor. "Wala naman tayong pera. Anong ipangbabayad natin?" "Basta, alam kong makakahanap tayo. Sumunod ka lang," kumpyansang sagot naman nito. Hindi na nga nagreklamo pa si Ziya. Totoo namang puyat at pagod na sya. Kaya nga gusto nya umuwi muna sa kanila kahit ilang araw lang. Iba kasi talaga ang tulog kapag nasa bahay na kinalakihan mo. Ilang motels, rental places na ang napagtanungan nila pero dahil wala silang reservation at gabi na, wala na silang makitang bakante. Nanlulumong umupo si Ziya sa may tabi ng daan. Sumasakit na rin kasi ang binti nya kakalakad. "Sana pala nag-stay na lang tayo sa may bus station, at least dun may mauupuan tayo nang maayos." Nangalumbaba pa si Ziya. "Dadaanin ko sana sa papogi yung pambayad natin, kaso di ko naisip na wala ng bakanteng kwarto. Sayang tuloy ang natitira kong charm ngayong araw." Bigkas ni Tor habang hinihilot ang parehong binti nito. Tumabi na rin kasi ito kay Ziya sa may gilid ng daan. "Sayang talaga 'yang charm mo, kung meron man." Ngumisi na rin si Ziya. Alam naman n'yang pinapatawa lang sya ni Tor. Kita na rin kasi nya ang pagod nito. " Sana may magmagandang-loob sa atin, no?" Pagkasabi ni Ziya sa mga huling salita nya ay may dumaang matanda. Tumigil ito pagkarinig sa kanyang winika. "Mga iho, iha, naghahanap ba kayo ng matutuluyan ngayong gabi?" tanong nito. "Ayy, opo, Lolo! Mayroon po ba kayong nalalaman?" masiglang tanong ni Ziya. Mukhang may mairerekomenda ang matanda sa kanila. "Tamang-tama pala. Ako kasi ay nagpapaupa rin. Hindi ko nga malaman dahil kahit mura, ayaw nilang tumira. Ang laki-laki pa naman ng pwedeng mahigaan." "Magkano po ba, Lolo?" nagtanong na rin si Tor, na-curious kung gaano ba kamura ang pinapaupahan at kung ano ang itsura niyon. "Magkano ba ang kaya n'yo?" balik-tanong ng matanda. "One hundred fifty pesos lang po kasi ang dala namin dito. Kahit gustuhin ko man po mag-offer ng mas malaki, wala na po talaga kaming pera. Naiwan po kasi kami ng bus na sinasakyan namin. Andoon po ang pera ng kasama ko." "One hundred fifty pesos ba 'ka mo? E, malaki pa nga yan. One hundred lang, kasya na sa inyong dalawa," paliwanag ng matanda "T-totoo po, Lolo? One hundred lang? S-sige po, kuhanin na po namin yan. Kahit po maliit yan, basta po maayos tulugan, okay na po sa amin," di-makapaniwalang sagot ni Ziya. Jackpot na kaya yun. Mura lang tapos makakapahinga pa sila. " Wag kayo mag-alala. Malaki ang tutulugan ninyo," malaking ngiti sa kanila ng matanda. "Halina kayo at masyado ng gabi. Mahirap ang nasa labas pa lalo at kabilugan ng buwan." Sabay tiningnan ni Ziya at Tor ang kalangitan. Tama nga ang matanda, full moon pa naman. Kumapit pa ng mabuti si Tor kay Ziya dahil kinilabutan sya sa sinabi ng matanda. "Ziya, are you sure susundan natin yan? What if bumalik na lang tayo sa bus station?" Inginuso ni Tor ang matanda na pumapasok sa maliit na eskinita. "Wag ka ng maarte dyan. Mukha namang mapagkakatiwalaan ang matanda. I-ready mo na lang sarili mo kung sakaling niloloko lang tayo n'yan. Black belter tayo sa taekwondo nung mga bata tayo, remember?" Tumango na lang si Tor. Mukha naman talagang di nananakit ang matanda, sadya lang hindi nya gusto yung nilalakaran nila. Huminto ang matanda sa harapan ng isang lumang building, dalawang palapag iyon. "Pasok kayo. 'Wag na kayo mahiya. Dito kayo matutulog sa first floor." Napahinto sila pareho ng mabistahan ang lugar. "D-dito po kami m-matutulog?" nauutal na wika ni Ziya. "Oo, iha. 'Di ba malaki sya?" tanong ng matanda, proud na proud pa sa pinaparentahan nya. "Y-yes po, Lolo. Malaki po sya p-pero.. di nyo naman po sinabi na funeral p-parlor po itong tutuluyan namin. M-may mga k-kabaong pa po, o." Hindi mawala-wala ang pagkautal ni Ziya sa kabiglaanan, ang mga huling salita ay halos ibulong na lang nya dahil sa namumuong takot sa dibdib. "Ok po, Lolo. Kukuhanin na po namin," desidido namang sagot ni Tor. Hinatak naman ni Ziya ang kamay ni Tor at pasimpleng umiling-iling. "Kukunin nyo ba o hindi?" tanong muli ng matanda nang makita ang ikinilos ni Ziya. "Opo, Lolo!" ika ni Tor. "Mabuti naman mga anak. O, paano ba iyan? Aakyat na ako sa taas. Kung may kailangan kayo, wag kayo mag-atubiling tumawag." Bilin ng matanda bago tuluyang umakyat ng hagdanan. Natawa si Tor sa itsura ni Ziya nang lingunin nya ito, para na kasing estatwa na hindi gumagalaw sa kinatatayuan. "O, asan ang tapang mo? Ipakita mo na yung tinatago mong taekwondo skills," tudyo pa nya sa dalaga. Natauhan naman si Ziya sa sinabi ni Tor. "P-pwede pa ba tayo bumalik sa bus station?" nahihintakutan pa ring wika nito. Hinawakan na ni Tor ang dalaga at iginiya ito sa may gilid. Andoon kasi ang isang may kalakihang kama na gawa sa kahoy. Mayroong nakakabit na puting tela na nakalagay sa may dulo nun. Maaari mo syang hilahin para matakpan ang kama. Nasa may kanan ng kama ay isang dining table, sa kabila naman ay ang restroom. Tama naman ang sinabi ng matanda, malaki sya at maayos. Nakakaaya naman talagang tirhan, minus na lang yung mga kabaong na nasa isang gilid. Iyon marahil ang main business ng matanda. "Ziya, 'wag mo ng intindihin ang mga iyan." Itinuro pa nito ang mga kabaong. "Isasara na lang natin itong parang kurtina para makatulog ka. Nasa tabi mo naman ako e. Sa buhay ka matakot, hindi sa mga patay. Mga kabaong lang iyan na wala namang mga laman," Tor assuring Ziya. "Tatabihan mo ako sa kama?!" gulat na bigkas ni Ziya. "Of course! Alangan namang ikaw lang ang matulog d'yan? San mo ako papahigain?" Tumingin pa ulit si Ziya sa paligid. Wala palang sofa. Siguro yung kama na rin ang nagsisilbing sofa sa umaga, aside kasi sa dalawang malalaking pillows ay mayroon pang mga anim na throw pillow na nasa kama. "Dati pa naman tayo nagtatabi matulog, ah." turan ni Tor ng hindi pa rin sumasagot ulit si Ziya. "Yes, natutulog tayo sa may puno ng mangga, sa may sofa sa inyo o sa amin. Pero, never pa tayo natulog magkatabi.. sa … kama…" "Hmmm, nagiging malisyosa na ata ang kaibigan ko?" panunudyo pa ni Tor. "A-anong s-sinasabi mo d'yan? Anong malisyosa? Ano lang kasi, lalaki ka tapos babae ako. H-hindi tamang matulog tayo sa iisang kama," paliwanag ni Ziya. "My everdearest Ziya, matulog na tayo dahil pagod na ako. Kung mas gusto mong humiga sa isa dyan sa mga kabaong, feel free. Basta ako, inaantok na ako kaya matutulog na ako." Humiga na nga si Tor at ipinikit ang mga mata. "Ayyyy!" Napaupo na rin si Ziya dahil biglang namatay ang ilaw sa paligid. Mukha namang hindi brownout kasi patuloy ang pag-andar ng wall fan. Baka pinatay lang ng may-ari ng building ang ilaw sa buong bahay. "Ziya, malawak ang kama. Try to sleep now. Don't forget to close the curtains so you won't see the coffins," sa inaantok na boses ay bilin ni Tor. Nag-aalangan man pero wala na rin namang choice si Ziya kaya humiga na rin sya sa kama. Kapag tumalikod sya kay Tor, mahaharap sya sa mga kabaong kaya mas pinili na lang nyang humarap kay Tor dahil natatakot talaga sya. Isa rin pala yung pagkakamali. Akala naman nya ay pumikit na ito at natutulog pero iyon at nagkatitigan pa sila. Hindi nya maipikit ang mata dahil nahihipnotismo sya sa mga mapupungay nitong mata. Matagal din sila sa ganoong posisyon ng magsalita si Tor. "Ziya…" "Hmmm? B-bakit?" Sa halip na sumagot ay lumapit pa ng tuluyan si Tor sa kanya. Ang isang kamay nito ay inihaplos pa sa kanyang pisngi. " Ang ganda mo pa rin hanggang ngayon." "Tor…" "Hmm…" "N-natatakot talaga ako. Pero, thank you sa compliment." Napabunghalit ng tawa si Tor. "Nagawa mo pa talagang magpasalamat kahit takot ka na, ah." "Syempre naman, lagi mo kaya akong tinatawag na pangit noon. First time mo akong tawaging maganda." Ngumuso pa si Ziya. Lumapit pa si Tor nang husto at niyakap si Ziya, ang ulo niyon ay nakahilig na sa kanyang dibdib. " Expression ko lang naman 'yun dati, way of pang-aasar sa'yo. Bully ka kaya nung mga bata pa tayo." " T-talaga ba?" Hindi na makapag-isip si Ziya dahil ramdam na ramdam nya ang init ng katawan ni Tor at ang panatag ngunit malakas na t***k ng puso nito. "Yes, pero okay lang. I like you just the way you are, because you are special to me." "Y-you like me? I am s-special to you?" "Yes, Ziya. I would like to talk you kahit abutin pa tayo ng umaga but, I am really tired now. Can we sleep first. Hmm?" Hinalikan pa ni Tor ang tuktok ng ulo ng dalaga. Mga ilang minuto pa ay narinig na ni Ziya ang mahinang hilik ni Tor. "Buti ka pa nakatulog na. Sana ako rin. Dahil nililito mo na naman ang puso ko, Tor," bulong ni Ziya sa sarili. Hindi kasi n'ya alam kung makakatulog pa sya. Dahil mas lamang ang kaba at kilig na nararamdaman nya kesa sa antok na kanina lang ay gustong magpatulog sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD