Prologue
Binuksan ni Ziya ang kaniyang Friendster* acc0unt dahil ida-download niya ang mga pictures na naroroon. Malapit na raw kasi ma-discontinue ang service nang naturang social networking service.
Ayaw niya sana buksan iyon pero dahil marami siyang mga pictures na magiging memories na lang ay kailangan niya iyong gawin. Isa pa, gusto niyang basahin ang mga testimonials ng kababata sa huling pagkakataon.
Gusto na niya itong kalimutan.
Chineck niya kung mayro’n man lang laman ang messages doon galing sa lalaki ngunit wala ni isa.
Tiningnan niya kung sino ang nag-view sa kaniyang profile ngunit muli siyang nabigo nang hindi niya nakita mula roon kahit man lang isang profile na posibleng ang kababata.
Sumibol na naman ang hinanakit sa puso niya dahil doon.
Pesteng lalaki iyon at talagang kinalimutan na siya.
Pwes! Ako rin!
Pagkatapos niyang i-download ang mga litrato ay magla-log out na sana siya ngunit naisipan niyang basahin ang mga testimonials— sa huling pagkakataon.
Most of the testimonials came from none other than her bestie, Tor.
“Musta ka na? Kumain ka na ba?”
“Si Ziya ba? Maganda? Mabait naman.”
“Hi to my favorite sketcher (taga-drawing sa kanto..HAHA!)
“Si Ziya? Ehem, basta bestfriend ko yan:)”
And she read the long list of other testimonials…
At dumating na nga siya sa pinakadulo niyon. Ang pinakauna sa lahat.
No other than Tor himself.
“Ziyanna Gracias– Well, ito lang naman ang best friend ko.
Sige na nga, kahit konti maganda siya. Ito kasi siya mismo sa tabi ko sa loob ng isang computer shop. Aray! Opo! Kinurot niya ako.
She cares about her family. She loves her Mommy and Daddy soooo much! She is very respectful and caring.
She loves to draw. So, Ziya, after reading this testi ‘pag malaki na tayo at nagtatrabaho na, know that I am your number one fan.
Hindi ko ito ipagpapalit sa kahit sino. Kahit matakaw ito at mukhang salaula minsan..hehe.. Basta, promise ko sa’ yo, Ziyanna, I will always be here for you. Tamaan na ako ng kidlat at mabingi sa kulog forever, pero nangangako ako na lagi akong gagawa ng paraan para lagi tayong magkasama.
Ziya and Tor BFF forever!”
Pinalis ni Ziya ang luha na pumatak sa kaniyang mga mata at mabilis na nag-log out.
Sinungaling ka, Tor!
I hate you…
‘Wag na ‘wag ka na magpapakita sa akin. You are not my friend anymore!