A hopeless romantic with a pen in one hand and a novel in the other. A reader and a believer of happily-ever-afters. Obsessed with Koreanovelas, Lakorn, Cdrama and TW dramas.
I am sweet just like my favorite desserts with a soft heart.
Welcome to my own romance---dramas---
Thank you for reading!
112222
Maganda, walang kinatatakutan at mailap. Iyan si Vela Beatrix Perfetti, ang lihim na anak ng Mafia boss na si Rufus Perfetti. Sa murang edad ay sinanay na siyang ipagtanggol ang sarili niya upang sa kaniyang pagdadalaga ay maipakilala na siya sa madla at sa grupong pinapatakbo ng magulang. Ngunit lahat nang iyon ay biglang naiba ng atakehin ng kalabang grupo ang kanilang vacation house at mamatay ang kaniyang mga magulang. Napuno ng paghihiganti at galit ang puso niya at ang tanging hangarin niya ay mabawi ang lahat ng nawala sa kaniya. Nawalan siya ng tiwala sa mga tao at naging mailap. Ngunit dahil sa angking kagandahan at tapang ay maraming kalalakihan pa rin ang nabibihaghani niya. Ang tanging naging kaibigan niya ay ang abogadong si Tristan na kaniyang kababata at may lihim na pagtingin sa kaniya. Walang lalaki ang nakakuha ng atensyon niya maliban lang sa batang CEO ng kilalang S&S Mall na si Skylar Alonzo. Na dahil sa kainosentehang taglay maging sa mabuting puso nito ay patuloy na nakakuha ng interes ni Vela. Paano kung malaman niyang may ugnayan pala si Skylar sa grupong walang-awang pumaslang sa kaniyang mga magulang? Maaatim ba niyang gamitin ang lalaki sa kaniyang paghihiganti o magwawagi ang puso niyang tuluyan nang umibig dito?
Napilitan si Hannah na manirahan at magtrabaho nang permanente sa Australia dahil malapit nang maremata ang kanilang bahay na isinanla ng sugarol niyang tiyuhin. Sa kanyang pananatili roon, nakilala niya nang tuluyan si Killian, isang lalaking ilang beses na niyang nakatagpo sa Pilipinas. Marami silang hindi malilimutang karanasan na pareho nilang pinagsaluhan. Hindi man niya aminin ay nagawa na nitong paibigin siya.
Matatanggap ba ni Hannah kung malaman niya ang totoong pagkatao nito? Mababago kaya niya ang batong puso nito na pinatigas nang katakot-takot na pangyayari noong kabataan nito?
Iisang lalaki ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang magandang samahan ng magkapatid na Patrice at Astrid. Kung kaya't ang tanging harangin na lamang ni Patrice sa buhay ay bumalik ang ate niya at magkabati sila. Itinuon na lamang niya ang atensiyon niya sa kaniyang pamangkin na iniwan ng kaniyang ate. Ang pag-ibig para sa kaniya ay ang pinakahuli sa priority niya sa buhay.
Pinaka turn off din sa kaniya ang lalaking playboy.
Kaya nang makilala niya si Lenus Cepeda na para sa kaniya ay lantaran kung makipagflirt ay disgusto agad ang naramdaman niya rito.
Ngunit nang lubusan niya itong makilala ay nalaman niyang mabuti ang puso nito. Hindi naglaon ay nahulog ang loob nila sa isa't isa.
Paano kung bumalik ang kaniyang ate at hingin nito hindi lamang ang loob ng anak nitong si Brie kundi maging si Lenus na dati na pala nitong kaklase? Magpaparaya ba si Patrice alang alang sa muling pagkakasundo nila ng kaniyang ate o ilalaban niya muli ang kaniyang karapatan na umibig at ibigin?
Magkababata sila Tor at Ziya at pawang mauuwi na sana iyon sa pag-iibigan kung hindi lamang napilitang umalis ng pamilya ni Tor dahil namatay ang tiyuhin nito. Kasabay niyon ay kailangang pamahalaan ng nanay nya ang kanilang negosyo sa Amerika.
Ang isa pa ay umalis si Tor ng hindi nagpapaalam kay Ziya, leaving her heartbroken.
Heartbroken, dahil hindi lang ang nag-iisang kaibigan nya ang nawala, maging ang lalaking kinatatangi nya sa murang edad.
Hindi na nagawang magpaliwanag ni Tor kay Ziya hanggang naaksidente ito at nagkaroon ng partial amnesia.
Bumalik naman si Tor sa Pilipinas pagkatapos ng siyam na taon, nananabik na makasama muli si Ziya.
Nais din niyang hanapin ang katotohanan, dahil lagi siyang nananaginip, tungkol sa ilang taong nag-aaway sa bench, ang parehong bench na inuupuan nila ni Ziya noon. Ang mga taong ito ba ay produkto ng kanyang imahinasyon o isang fragment ng kanyang nakaraang alaala?
Mababalik kaya niya ang kanyang alaala at sa wakas ay masasabi na niya kay Ziya ang totoo?
Ano ang mangyayari kung lahat ng alam ni Ziya sa simula ay pawang kasinungalingan? May puso pa kaya siyang magmahal at magtiwala muli?
Ximena Maya has been showered with love and material things by her parents but she still seeks love and acceptance from her peers.
But, in order to find it, she must first accept and love herself as she is.
She completely forgot about it when she thought everything was going her way. A complete family, a fantastic guy friend, and a thriving career.
But she can never be completely satisfied because of her dark secret, her desire to steal. She can't be found. She can't be seen. She can't be caught.
What will she do when things spiral out of control? Will she be able to find true love and acceptance if she cannot be honest with the people around her?