Episode 5

1908 Words
Nine years later… Dahan-dahang binuksan ni Ziya ang pintuang bakal at patingkayad na lumakad papasok sa bahay nila Tor. Alas-siyete na ng gabi at kalat na ang dilim sa buong kabahayan. Hindi na sya nag-abala pang buksan ang ilaw at tinunton ang likurang bahagi ng bahay. Hindi naman sya nangangambang baka matisod dahil kabisado nya ang bawat sulok niyon. Kahit nga siguro nakapikit o lagyan ng piring ang mga mata nya, hinding-hindi sya mababangga kahit saan. Ano pa ang silbi nang pagkapanalo nya sa taguan nila ni Tor nung mga bata sila kung hindi nya memorize kung san sya pupunta. Natatawa na naman sya sa naiisip. Mismong may-ari ng bahay, nauutakan nya. Nang may biglang kumalabog na animo may nabanggang upuan. "S-sino yan?!" Nilingon ni Ziya ang pinanggalingan ng ingay, nakiramdam sa paligid. Nagkibit-balikat na lang sya ng walang sumagot. Baka hangin lang.. Palakad na sya ulit nang may tumunog na naman, kakaiba sa kaninang narinig nya. Parang bakal naman ito ngayon. Nag-umpisa nang kilabutan si Ziya. "M-may t-tao ba riyan?!" nahihintakutan nyang sigaw sa kawalan. Kasabay ng takot ay ang pagka-irita nya sa sarili kung bakit ba hindi nya binuksan ang ilaw. Hahakbang na sana sya papunta sa kinaroroonan ng ingay nang biglang lumitaw ang isang puting pusa mula sa kung saan. "Ayyy! Papatayin mo ata akong animal ka! Wag ka manakot!" Napahawak pa sya sa dibdib sa gulat. Kinuha ni Ziya ang pusa at hinaplos ito.Kinarga nya ito at lumakad na muli. Pagdating sa may hallway bago ang kusina ay may pintuan sa gawing kanan, binuksan nya iyon at itinapak ang mga paa sa hardin ng mga Montemayor. Huminga sya nang malalim at sinamyo ang sariwang hangin. "Haaaay, isang linggo din kitang hindi nalanghap." Galing sya sa trabaho sa Maynila. Umuwi muna sya dahil nagkakagalit na sila ng kanyang boss. Nagtatrabaho sya sa isang Design and Construct company bilang interior designer. May collaboration sila sa isang international company at ilang beses nang pinapaulit sa kanya ang kanyang design. Masyadong metikuloso ang nag-a-approve na senior engineer dito for final endorsement sa client. Tinanggal nya ang suot na itim na hoodie jacket at inilagay iyon sa isang tabi. Hinawakan nya ang upuang kahoy at marahang isinayad ang kanyang kaliwang palad habang umiikot sa punong mangga na pinalilibutan nito. Napakarami nyang alaala rito, kasama ang kababatang si Tor. "Asan na kaya yun? Naaalala pa kaya nya ako?" Hinawakan ni Ziya ang kanyang dibdib dahil naninikip na naman iyon. For the last nine years, dinala nya ang kalungkutan dahil sa pangungulila sa pagkawala ng kaisa-isang lalaki na una nyang minahal. Hindi lang naman din iyon, best friend nya rin ang lalaki, na hindi nya malaman bakit umalis na lang nang hindi nagpapaalam. Ganun na lang ba iyon? Basta-basta lang ba ang pinagsamahan namin? Sabi nila baka puppy love lang, pero bakit naiiyak pa rin ako tuwing naiisip ko sya? Katulad ngayon. Pinahid nya ang kanyang luha. Hindi nya dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang lalaking wala naman pakialam sa kanya. Baka nga nagsasaya pa 'yun ngayon, tapos ako umiiyak lang dahil dito? Hindi na uy! Naupo na sya sa wooden bench at pumikit. Mamya na nya bubuksan ang ilaw. Pumunta sya rito para magpahinga at hindi para lalong pasakitan ang sarili. Mas masarap balikan ang mga masasayang alaala nila, ginagawa nya yun upang makalimutan ang sakit na dulot nang biglaan nitong pag-alis. ***** Nasa harapan si Tor nang salamin at kasalukuyang hinahawi ang kanyang medium brown hair. Sinusukat nya ang mga bagong biling damit na gagamitin nya sa trabaho. Konti lang kasi ang dinala nya pauwi galing Amerika. He is planning to stay a little bit longer sa Pilipinas. Dahil doon ay napagmasdan nyang mabuti ang sarili; ang makakapal nyang kilay, malalim na mga mata, katamtamang laki at matangos na ilong. Ang kapansin-pansin sa lahat ay ang heavy upper lips at makinis nyang mukha. Hindi talaga sya madalas nagpapatubo ng bigote o balbas, yung pa-good boy type of face, ika nga. Kayumanggi ang kanyang balat simula pa noon, medyo pumuti lang kasi galing nga sa malamig na lugar . Sigurado sya mga isang linggo lang sa Pinas, baka kayumanggi na sya ulit. Sa taas nyang 6"1' ay napapalingon ang mga babae. May kapayatan man ay may mga well-built muscles naman sa tamang lugar. Ilang piraso pa lang nang damit ang naisusukat nya nang mapakiramdamang may ibang presensya sa loob ng bahay. Nagtataka sya dahil mag-isa lang sya sa bahay ngayon. Sa isang linggo pa kasi uuwi si Nanay Carol. Dahan-dahan syang sumilip sa may sala nang mapansin nya ang isang taong naka- black hoodie jacket na nakatingkayad pa. Sinundan nya ito at napansing lubhang nababatid nito ang nilalakaran. "Who the heck is this guy?!" Kinuha nya ang floor map na nadaanan at nag-iisip kung paano nya aatakehin ang nanloloob. Nang bigla syang matalisod at nahulog ang floor map. "What the…!" Nagmamadali syang nagtago sa sofa at nakiramdam. Narinig nya ang pagtatanong nito at abot-abot ang kaba nya na hindi sya matuklasan dahil wala na syang hawak na armas ngayon. "Tamang-tama, boses babae. Madali na lang ito para sa'kin." Marunong naman sya ng basic self-defense kaya okay lang. He is wishing na mag-isa lang ito at walang dalang kahit anong armas. Sinilip nya ang kinaroroonan ng manloloob at nang makitang tumalikod na ito ay sinundan nya ulit. Mabilis nyang kinuha ang nahulog na floor map. Muli ay nabunggo na naman sya sa kung saan. "Ouchhhh.." Gustung-gusto nya isigaw dahil malakas ang naging impact ng binti nya sa kung saan. Pero sa halip ay pagtatago ang ginawa nya habang hinihimas ang nasaktang binti. "Who the heck arranged our house?!" Sa pagsigaw nito ay ramdam nya ang paggaralgal ng boses nito, boses ng pagtatapang-tapangan sa kabila ng takot na nararamdaman. Nang sa kung saan ay may biglang umungol na pusa. Napabuntong-hininga sya as a sign of relief. Nagulat sya nang lumabas ito ng garden at tinungo ang wooden bench. "Aano yun? Wala naman nanakawin dun!" Kasalukuyan syang nag-iisip nang tinanggal nito ang hoodie jacket. Napagtanto na nya kung sino ang "manloloob." Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Binaba nya ang floor map at masaya itong sinundan. Nang makita nya ang paghilig nito sa bench, pinalipas nya muna ang ilang minuto. Nang mapansin ang kalmanteng paghinga nito ay tuluyan na nya itong nilapitan. Inaliw nya ang sarili sa pagtitig sa mukha nito. Hinawi pa nga nya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito. Wala mang make-up at bakas man ang pagod sa mukha, hindi nito natakpan ang angking karikitan ng dalaga. Maamo ang mukha, natural ang pagkamorena, mapulang labi na animo ay japanese doll. Medyo matangkad din ito at pinagsiksikan lamang ang sarili sa bench, tamang tama lamang sa balingkinitan nitong katawan. Marahan nyang pinunasan ang luhang namumuo sa gilid ng mata nito upang hindi ito magising. Naawa sya sa itsura nito. Naalala nya ang mga panahong nangungulila rin sya rito at tinatanong ang sarili bakit kailangan nila magkahiwalay. "Andito na ako, Ziya. Hindi ko na papayagang muli ka pang umiyak. I miss you so much, Ziyanna Gracias." ***** Naalimpungatan si Ziya kaya mabilis nyang tinignan ang suot na pink na relo. Napabalikwas sya sa kinauupuan nang malamang mag-aalas otso y medya na ng gabi. Ang sabi nya sa sarili ay ipipikit lang nya ang mata, ngunit tuluyan na pala syang nakatulog. Siguradong hinihintay na sya ng Mommy Sandra nya kanina pa. Sabi nya rito ay uuwi sya pero iyon at inuna pa nyang pumunta sa bahay ng mga Montemayor kesa sa sariling tahanan. Kinuha nya ang kanyang jacket na naiba ng pwesto. Naguluhan sya sa nakita dahil ang pagkakatanda nya ay inilapag nya sa paanan ang kanyang jacket, nakatakip na kasi ito ngayon sa kanyang katawan. Isa pa, hindi nya matandaan na binuksan nya ang ilaw sa garden! "OMG! Ang bata ko pa para maging ulyanin." Napakunot noo tuloy sya sa kaiisip at tumayo pa para ire-enact ang pagdating nya sa garden hanggang nakaupo na sya. Mga tatlong balik ata ang ginawa nya pero 'di pa rin nya maalala yung tungkol sa jacket at sa ilaw. "Haay, poor self. Hinay-hinay, hindi ikaw ang nagmamay-ari ng kompanya, girl!" Sa huli ay napagdesisyunan na nyang umuwi sa bahay. ***** Tawang-tawa si Tor sa eksenang nasa harapan nya. Nang maramdamang magigising na ang dalaga ay dali-dali syang tumayo at nagtago sa isang parte ng fence. Gusto na sana nyang bumunghalit ng tawa pero 'di nya magawa. Na-miss na nya talaga ang dalaga pero ayaw pa nya magpakita rito. Nakita nya ang pagtayo nito at pag-reenact siguro nang pagdating nito sa garden. Una, pumunta sa entrada, opened the switch, umupo at itinakip ang jacket sa katawan. Sumunod naman ay nagkakamot na ito nang ulo nang bumalik sa entrada nang garden. Lumakad palapit sa bench at umupo muna, tumayo at pinuntahan ang switch. Umiling ito na sinamahan pa nang pagtaas nang isang parte ng labi nito. Pangatlo ay padabog na itong bumalik sa entrada, pinuntahan ang switch, umupo at inilagay ang jacket sa paanan. Habang nakapikit ay inabot ang jacket at inilagay sa katawan. Para itong tanga sa ginagawa. Sigurado kasi syang 'di nito tatanggapin na hindi nito alam ang nangyari dito. Syempre di talaga nito maaalala yun, kasi sya ang nagbukas ng ilaw at naglagay ng jacket dito. Madetalye, perfectionist, smart… Iilan lang 'yun sa mga katangian ng babae na nagustuhan nya. Minus na lang talaga ang pagiging pilya nito, noong mga bata sila. "Maldita ka pa din kaya 'gang ngayon?" bulong nya. He missed a lot of events in her life. He is hoping he can still make it up to her. "That's my girl, right there!" he said silently. Susundan pa nya sana ang babae nang mag vibrate ang kanyang cellphone. " Tor, kelan ka ba pupunta dito sa office?! I can't do it anymore. Sa totoo lang wala na akong maireklamo kay Ziya. Flawless ang mga designs na ipinapasa nya. Yung una nga nyang ipinasa, aprubado na sakin dahil kakaiba ang designs. Nakaapat na syang draft! Kung gusto mo, ikaw ang magpaliwanag sa kanya. Wala na akong masabi pang dahilan!" mahabang litanya ni Dean, ang classmate ni Tor sa Amerika na boss ni Ziya ngayon sa isang kompanya. Pinakiusapan nya itong mag-create nang alibi dahil nga uuwi sya ng Pilipinas. He wanted to have an impact on Ziya again. Wala syang ibang maisip kundi inisin muna ito. That's how they are when they are younger. " Calm down, Dean. I will surely talk to her, I promise," Tor said. "Kelan 'yan, Tor? I-video call mo na kaya sya. Total alam mo naman ang mga social media accounts nya. Puro sa emails ka nagrereklamo, kawawa si Ziya!" " Ayaw mo bang sa personal ko sya makausap?" " Nasa Pinas ka na, Tor?! Kelan pa? Ikaw ang taya sa inuman. Na-stress ako ng sobra sa'yo! Ano ba kasing kasalanan sa'yo ni Ziyanna, ha?" "Long story, Dean. Pero babawi ako sa'yo. Magpapainom talaga ako dahil may deal na tayo. Yung unang draft ni Ziya pinakagusto ko, actually." "Hayop ka, bro! Iba din ang trip mo! O sige, i-ready ko na ang kontrata." Pinatay na nito ang telepono bago sya makasagot. Natatawa na lang din sya sa kalokohan nya. Napatingin sya ulit sa wooden bench. Uupo na sana sya dun nang sumakit ang ulo nya. Meron kasing biglang sumagi sa isipan nya. Pumasok na sya sa loob nang bahay habang hinihilot ang ulo nya. "Dala lang siguro ng jetlag ito. I need to sleep now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD