Chapter 11. Intruder

2566 Words
Benj Pov * BANG* Nakarinig ako ng putok ng baril " Kathlyn dito kalang" sabi ko bago sinundan si Irish sa labas. " Irish na saan ka?" Sigaw ko habang hinahanap siya sa paligid. Inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid nahagip siya ng mga mata ko na tumatakbo palapit sa gate. " Irish tumigil ka mag usap tayo" sigaw ko habang humahabol sa kanya. Sandali bakit may mga dugo akong nakikita sa lupa. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo nakita ko naman na medyo bumagal siya ng kunti kaya malapit ko na siyang maaabutan. " Benj hayaan mo nalang akong makaalis" sigaw niya na patuloy parin sa pagtakbo. Ngayon mas lalo kong napansin na may mga dugo na lumalabas sa tagiliran niya. Natamaan siya ng baril sino ang bumaril sa kanya? " Irish we need to talk kilala mo ba kung sino ang pumatay kay Nick? Kilala mo ba taong master mind sa krimen?" Sunod sunod kong tanong. * BANG* Isang putok ng baril ulit ang narinig ko malapit lang sa amin. Biglang natumba si Irish sa sahig kaya mas lalo kong binilisan ang takbo papalapit sa kanya. " Irish" sabi ko bago siya hinawakan nakita ko ang tama sa dibdib niya. " Benj maniwala ka hindi ako ang pumatay sa kanya" mahina niyang sabi mayroong mga luha na lumalabas sa mga mata niya habang binibigkas niya yun. " Huwag ka ng magsalita kailangan kitang madala sa hospital" sabi ko bago siya binuhat. " Benj huwag na alam kong hindi na ako aabot sa hospital... mayroon akong.....gustong sabihin sayo.." Mayroong lumalabas na mga dugo sa bibig niya. Nilapit ko ang tainga ko at mayroon siyang ibinulong sa akin. " Irish I'm sorry" sabi ko habang umiiyak hindi ko gusto na ganito ang kahahantungan niya. Pagkatapos niyang masabi ang gusto niyang sabihin nalagutan siya ng hininga. Humagolhol ako sa pag iyak habang yakap yakap ang walang buhay niyang katawan. " Benj yumuko ka" sigaw ni Kathlyn nakita ko si Jess na nakatayo malapit sa amin. May hawak siyang baril at nakatutok yun sa akin maaring siya ang taong bumaril kay Irish. Mabilis kong kinuha ang baril na nakatago sa jacket ko. * BANG* Sobrang bilis ng pagkalabit niya ng gatilyo natamaan ako sa tiyan tumakbo naman siya pagkatapos niya akong barilin. " Hindi kita hahayaang makatakas" sigaw ko bago kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko. Nagawa ko siyang tamaan sa binti niya. " Benj are you okay?" Tanong ni Kathlyn ng makalapit siya sa akin. " Kathlyn ikaw na ang bahala kay Irish hahabulin ko ang taong pumatay sa kanya" sabi ko bago tumayo. "Benj huwag masyadong delikado isa pa may sugat ka" pagtutol niya. " Kathlyn Do what I say" " Okay pero mag iingat ka humingi na ako ng tulong sa mga pulis maya maya nandito na sila" Pinunit ko muna ang damit ko at nilagyan ng tela ang sugat ko para tumigil ito sa pagdudugo. Pagkatapos tumakbo ako ng mabilis para habulin siya. Sinundan ko ang mga patak ng mga dugo galing sa sugat niya papunta yun sa labas. Nakabukas na ang gate ng safehouse nakita ko ang mga patak ng dugo na papasok sa kagubatan. Wala akong magagawa kung di sundan siya hangang sa tumigil ang bakas ng mga dugo sa harap ng isang malaking puno. Dahan dahan akong naglalakad habang pinakikiramdaman ang buong paligid. Isang malamig na kamay ang dumampi sa aking balat ng bigla niya nalang ako hawakan sa leeg. " Ihagis ko palayo ang hawak mong baril kung ayaw mong putulan kita ng ulo" saad niya gamit ang malamig na boses may hawak siyang isang matalim na kutsilyo. " Sa tingin mo matatakot mo ako gamit yan" sabi ko idiniin niya sa leeg ko ang kutsilyo kaya nagdulot yun ng sugat. Masakit pero pinilit kong hindi sumigaw " Uulitin ko ihagis mo palayo ang hawak mong baril" pag uulit niya mas lalo niyang idiniin ang hawak niyang kutsilyo kaya wala na akong nagawa kung di sundin ang gusto niya. " Very good ngayon dumapa ka" " Kung gusto mo akong patayin gawin muna dahil kapag nakawala ako dito papatayin kita" sigaw ko hinawakan niya ang buhok ko at diniin ang mukha ko sa lupa. Itinali niya ang mga kamay at paa ko habang nakadapa " Gusto mo akong patayin magagawa mo ba talaga yun?" Tanong niya habang tumatawa ng malakas. Kinuyom ko ang mga kamao ko dahil sa galit " Pakawalan mo ako dito para malaman mo" Itinaas niya ang ulo ko bago nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Ang bawat titig niya ay nakakapanindig balahibo nakikita ko ang mga mata ng isang kriminal sa kanya. " Akala mo ba hindi ko nakikita ang takot sa mga mata mo. You're eyes is pure tapos sasabihin mo papatayin mo ako" ngumisi siya matapos niyang sabihin yun. " Bakit mo siya pinatay hindi mo ba siya mahal?" Tanong ko na dahilan kung bakit umiba ang expression sa mukha niya. " I love her more than anything kahit na hindi niya ako kayang mahalin" tugon niya kahit nakakatakot siya nakikita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. " Bakit mo siya binaril?" " Hindi ko siya binaril kung may dapat ako patayin ikaw yun dahil ikaw ang dahilan ng lahat ng mga paghihirap niya" sigaw niya habang nakatutok ang kanyang baril sa akin. " Benj bago kita patayin may gusto akong sabihin sayo ang taong bumaril sa kanya ay nasa paligid lang" * BANG* Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko dahil marami narin ang dugo na lumabas sa sugat ko. " Benj are you okay?" Sandali boses yun ni Gray minulat ko ang mga mata ko ng marinig ang boses niya. Nakita ko si Jess na nakabulagta sa lupa may nakita akong mga dugo na lumalabas sa tagiliran niya. " Ikaw ba ang bumaril sa kanya Gray?" Tanong ko ng makalapit siya sa akin. Tinanggal niya ang tali sa kamay at paa ko " Patay na ba siya?" " Huwag kang mag alala hindi ko siya napuruhan kailangan ko lang siya barilin bago ka niya patayin" paliwanag niya bago ako inalalayan patayo. " Paano mo pala nalaman na nandito ako?" " Tinawagan ako ni Kathlyn" Dumating ang mga pulis at kinuha ang katawan ni Jess bigla nalang ako nakaramdam ng panghihina ng katawan at pagkahilo dahil siguro sa sugat na natamo ko. " Benj huwag kang pumikit" mahinang sabi ni Gray unti unting lumalabo ang paningin ko hangang sa....... Everything went back Fastforward Nagising nalang ako sa loob ng isang hospital room nakita ko si Mommy at Venice na natutulog sa isang couch malapit sa bed ko. Maraming mga apparatus na nakadikit sa katawan ko dahan dahan akong bumangon habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Ang huling naalala ko yung inalalayan ako ni Gray palabas ng gubat. " Kuya huwag ka munang gumalaw" sabi ni Venice sabay takbo palapit sa akin. "Kamusta si Irish at si Jess?" " Kuya patay na si Ate Irish three days ago" tugon ni Venice ibig sabihin.... tatlong araw na akong natutulog. " May alam kaba kung ano ang nangyari sa taong pumatay sa kanya?" "I don't know wala akong alam diyan Kuya" " Benj I'm glad that you're fine" bumangon si Mommy sa couch at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak " Mom huwag kang umiyak ayos na ako" Bumukas ang pinto ng hospital room at nakita ko na pumasok sa Daddy. Hinanda ko ang sarili ko na makarinig ng mga masasakit na salita mula sa kanya. " Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya tinitigan ko lang siya at sa unang beses sa loob ng dalawang taon nakita kong nag aalala siya sa akin. " I'm fine Dad" tugon ko sa kanya bumukas ulit ang pinto at mayroong pumasok na mga pulis sa loob ng kwarto ko kasama nila si Kathlyn at Gray. " Mr. Montefalcon pwede ba namin kayong mahingan ng statement tungkol sa nangyaring pagpatay kay Ms. Irish Villanueva " sabi ng isang pulis. " Detective kagigising lang ng anak ko pwede bang bigyan niyo siya ng oras para makapagpahinga" " I'm sorry Sir babalik nalang kami bukas" nang makalabas sila nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko rin alam kong ano ang sasabihin ko sariwa parin sa isip ko ang mga nangyari at ang takot na naramdaman ko. " Benj tapos na kaming magbigay ng statement sa mga pulis hindi mo kailangan ipilit ang sarili mo nasabi ko na rin sa kanila ang lahat" saad ni Kathlyn. " Anong nangyari kay Jess?" " Nasa kabilang room siya at hindi pa nagigising " tugon ni Daddy. " Ano ang mangyayari sa kanya pagkagising niya?" " Siya ang pumatay kay Irish dapat siyang makulong at tayo ang makapagpatunay ng ginawa niya" singgit ni Kathlyn. Bigla akong natahimik bumalik sa alaala ko ang mukha niya habang sinasabi niyang hindi niya kayang patayin ang babaeng mahal niya. Naramdaman kong nagsasabi siya ng totoo pero....... " Benj ayos ka lang?" Biglang nalang sumakit ang ulo ko " Huwag mo munang isipin yun kailangan mong magpahinga" sabi ni Mommy bago ako inalalayan pahiga sa kama. On the next day " Mr. Montefalcon I am Detective Wan ako ang humahawak ng kaso ni Ms. Irish Villanueva mayroon lang ako gustong itanong sayo" panimula niya. " Go on" maikli kong sabi " Mr. Montefalcon ano ang ginagawa mo sa safehouse ng biktima ng araw na pinatay siya?" " Pinuntahan ko siya dahil gusto ko siyang makausap" " Pwede bang malaman kung bakit gusto mo siyang makausap?" Hindi agad ako nakasagot dahil.... " Detective huwag mong eh pressure ang anak ko" singgit ni Daddy nakaupo siya sa couch habang nakikinig sa amin. " I'm sorry Sir hindi mo na kailangan sagutin ang tanong na yun. Let's proceed sa huling tanong ko nakita mo ba kung sino ang bumaril sa kanya?" Natahimik ako sa totoo lang nagdududa parin ko kung Jess ba talaga ang bumaril sa kanya. Hindi ko naman nakita ang actual na nangyari. " Ofcourse nakita niya" si Daddy ang sumagot sa tanong niya. " Pwede mo bang ituro kung sino sa kanila ang bumaril kay Irish?" May inilabas siyang mga larawan itinuro ko ang larawan ni Jess. " Hindi ko talaga nakita kung sino ang bumaril sa kanya pero nasa crime scene siya" nakayuko kong sabi. " Maraming salamat Mr. Montefalcon malaking tulong to sa kaso" sabi ng Detective bago tumayo sa harap ko . Hinatid siya ni Daddy sa labas si Mommy naman pumasok sa loob. " Benj are you okay?" Nag aalala niyang tanong Unti unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko " Mom hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko" umiiyak kong saad. " Bakit anong problema?" " Hindi pa nahuhuli ang taong pumatay kay Irish" "Hindi ba si Jess ang bumaril sa kanya?" " Hindi ko nakita na binaril niya si Irish pero kaming tatlo lang ang tao ng nangyari yun. Malaki ang posibilidad na siya ang bumaril sinabi niya mismo Mom na hindi niya kayang saktan ang babaeng mahal niya" paliwanag ko habang umiiyak parin. " Baka nagsisinungaling lang siya gagawin ng isang kriminal ang lahat para lang matakasan ang mga kasalanan niya" saad niya napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari. " Hindi ko alam... Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko" " Hayaan mo na ang batas na mismo ang huhusga sa kanya" sabi ni Mommy tumango lang ako at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. " Hayaan mo muna makapagpahinga ang anak mo" sabi ni Daddy habang naglalakad papalapit sa amin. " Mom & Dad happy anniversary mag enjoy kayo" nakangiti kong sabi magkasama silang lumabas ng hospital room. Today is there 30th anniversary tuwing anniversary nila nag tatravel sila sa ibang bansa. Ayaw sana ni Mommy umalis kasi gusto niyang alagaan ako pero pinilit ko siyang tumuloy. Kailangan nila yun dahil this pass few years sobrang gulo ng buhay namin. " Brother " sigaw ni Venice habang naglalakad papasok sa loob . " Bakit hindi ka sumama sa kanila?" " Ayaw kong makita ang kanilang lambingan nakakadiri yun" nakangiwi niyang tugon. " Isa pa ako ang mag aalaga sayo" dagdag pa niya " Pwede mo ba akong samahan sa kwarto ni Jess?" " Are you sure kaya mo ng tumayo?" Tumango ako bilang tugon " Anong ginagawa niyo?" " Ate Kathlyn tinutulungan ko si Kuya na tumayo" " Benj can I talk to you about something" seryoso niyang sabi. " Venice lumabas ka muna mag uusap lang kami ni Kathlyn" " Okay Ate ikaw na ang bahala kay Kuya" saad niya habang naglalakad palabas. May kinuhang singsing si Kathlyn sa bulsa niya at nilagay sa palad ko. " Nakita ko yan sa bulsa ni Irish ng iniwan mo siya sa akin" saad niya hindi ako nakagalaw ng makita yun. Ito ang nawawalang singsing ni Nick ng pinatay siya. " Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya " Ito ang nawawalang singsing ni Nick at ang susi para malaman kung sino ang pumatay sa kanya" tugon ko " Naniniwala ka parin ba na innosente siya?" " I don't know" " Kung mayroon dapat sisihin siya yun dahil sa kanya nawala ang taong mahal mo. Deserve niya ang mga nangyari sa kanya ngayon" seryoso niyang sabi bigla namang tumindig ang mga balahibo ko sa katawan sa di malaman na dahilan. Fast forward 8:00 pm Lumabas ako ng hospital para puntahan ang kwarto ni Jess bubuksan ko na sana ang pinto pero naka lock yun. " Miss bakit naka lock ang pinto nito?" Tanong ko sa isang nurse. " Sir hindi po yan naka lock" sagot niya "Miss naka lock po talaga ang pinto pwedeng buksan mo nalang " pakiusap ko lumapit siya sa akin habang dala dala ang susi. Ewan ko pero kinakabahan ako ngayon pagbukas ng pinto isang taong ang nakasuot ng maskara ang nakatayo sa harap namin. " Sino ka?" Sigaw ng nurse itinulak niya kami ng nurse kaya tumilapon kaming dalawa sa sahig. Ang lakas ng pagkakatulak niya sa amin, mabilis akong bumangon at hinabol siya. Naghabulan kami pero bigla nalang siya nawala sa paningin ko. Mabilis siyang tumakbo tumigil ako sa pagtakbo habang naghahabol ng hininga. " Sir bumalik na po kayo kami na ang bahalang humabol sa lalaki" sabi ng isang security guard ng hospital. " Hanapin niyo ng mabuti kailangan niyo siyang mahuli" " Opo Sir sasamahan ko na kayo sa hospital room niyo. Kailangan ring magamot ang sugat niyo" Nakita kong may lumalabas na mga dugo sa sugat ko. Kasabay noon nakaramdam ako ng kirot. " Sir halina po kayo" inalalayan ako ng isang security guard pabalik sa hospital room. Habang naglalakad kami pabalik hindi parin mawala sa isip ko ang taong nakita ko kanina. " Kuya doon tayo sa room 208" hindi ko pinansin ang kirot na nararamdaman ko kailangan kong balikan si Jess baka kung ano na ang nangyayari sa kanya. Pagbalik namin nagulat ako ng makita ang mga Doctor na sinusubukan siyang eh revive sa loob. " Anong nangyari?" Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang nangyari sa loob. Sa pagsapit ng 8:30 pm tumigil ang doctor sa pag rerevive sa kanya. Tumingin ang Doctor sa orasan kasabay ng pagtabon sa kanyang katawan ng puting tela. Napaupo ako sa sahig habang humahagolhol sa pag iyak pinatay siya ng taong pumatay rin kay Nick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD