Chapter 10. Confrontation

2522 Words
Benj Pov. " Did I tell you to stop" sigaw ni Daddy bago ako sinuntok ng panglimang beses. " Hindi siya pinatay" I insisted kahit na alam kong hindi siya titigil sa pagsuntok sa mukha ko. " Hon please enough huwag mong saktan ang sarili mong anak" pakiusap ni Mommy pumagitna na siya sa amin ni Daddy. " Benj huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan na ikakasira ng pangalan ko" sabi niya na may pagbabanta. Ito ang pangalawang beses na nagawa niya akong saktan dahil lang sa pag- uungkat ko sa mga nangyari 2 years ago. " Benj I'm sorry" umiiyak na saad ni Mommy sinubukan kong pigilan ang mga luha ko at nanatiling matapang para kay Nick. "Mom sundan mo si Daddy baka kung ano pa ang mangyari sa kanya" hinalikan niya muna ako sa noo bago hinabol si Daddy palabas ng condo. Kumuha ako ng first aid kit para gamitin ang sarili kong sugat. " Benj ayos ka lang ba?" " Kathlyn bakit nandito ka?" " Akin na yan ako na ang gagamot diyan" nilagyan niya ng gamot ang mga sugat ko. " Bakit to ginawa ni Tito?" " Maybe he's bored o dahil galit siya sa akin" pabiro kong tugon. Diniinan niya ang sugat ko kaya napasigaw ako sa sakit " Magseryoso ka kasi" pangaral niya "Galit si Daddy sa akin dahil inuungkat ko ang mga nangyari dati. Hindi siya naniniwala sa akin kahit na ilang beses kong sabihin na hindi nagpakamatay si Nick" paliwanag ko. " Benj kung walang tutulong o maniniwala sayo nandito lang ako" " Thanks Kathlyn" Parang gumaan ang loob ko matapos masabi sa kanya ang lahat. " Kring...kring..." " Sandali sasagutin ko lang ang tawag sa cellphone ko" paalam ko bago lumabas ng condo. " Hello Blue nahanap mo na ba siya?" Tanong ko sa kabilang linya. " Benj magkita tayo sa address na ipapadala ko" sabi niya nagulat ako ng marinig ang mga putok ng baril sa kabilang linya. " Blue ayos ka lang ba?" Natataranta kong tanong " s**t" mura niya " Benj uulitin ko magkita tayo ngayon sa address na ibibigay ko" biglang naputol ang tawag kaya mas lalo akong kinabahan. " Benj ayos kalang ba bakit ka sumisigaw?" " Ayos lang ako" tugon ko sa kanya bumalik ako sa loob ng condo para magbihis. " Saan ka pupunta?" Tanong ni Kathlyn ng makalabas ako ng kwarto. " May mahalaga akong asikasuhin" tugon ko " Benj sasama ako" " No you can't masyadong delikado" pagtutol ko " That's the reason na dapat akong sumama paano kung mapahamak ka" saad niya na puno ng pag aalala. " Kaya nga dapat hindi ka sumama I can't secure you're safety I hope you understand" paliwanag ko para maintendihan niya. " Alam ko pero isa akong blackbelter sa taekwondo at magaling din akong humawak ng baril " confident niyang sabi. " Pag sinabi kong bawal huwag mo ng ipilit pa Kathlyn para din to sa safety mo" I insisted pero hinarangan niya ang dadaanan ko. " Please Benj I'm begging you hindi ako matatahimik kapag hindi ako sumama sayo. Please mamamatay ako sa pag aalala kapag umalis kang mag isa" she is persistent kaya wala na akong magawa kung di isama siya. " Fine pero sa kotse ka lang at huwag kang lalabas promise me" " I promise" " Okay let's go" Pinuntahan namin ang address na ibinigay ni Blue " Sigurado kaba sa lugar na pinuntahan natin?" Tanong ni Kathlyn nandito kami ngayon sa isang cemetery. " Kathlyn gaya ng ipininangako mo huwag kang lumabas ng sasakyan" paalala ko sa kanya. " Okay dito lang ako" sabi niya binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas. " Benj mag iingat ka" usal niya na nasa loob ng sasakyan. " Blue " tawag ko habang hinahanap siya sa buong paligid " Benj" nagulat ako ng bigla nalang siya sumulpot sa harap ko nakasuot siya ng hood at mask. " Ayos ka lang ba?" Nag aalala kong tanong " Ako dapat ang magtatanong niyan sayo mukhang hindi maganda ang nangyari sa mukha mo" " Ayos lang ako malayo to sa atay" tugon ko ngumiti naman siya ng bahagya. " Ito na ang kailangan mo" sabi niya sabay abot ng isang brown envelop. " Maraming salamat" kinuha ko yun mula sa kanya. " One more thing ito na ang huling beses na gagawin ko to" sabi niya na ikinagulat ko. " What do you mean?" Taka kong tanong " Kung gusto mong ipagpatuloy ang investigation sa nangyari kay Nick maghanap ka nalang ng ibang taong gagawa ng trabaho ko" paliwanag niya sa akin. " Naiintendihan kita maraming salamat sa tulong mo Blue" malungkot kong saad. " Pasensiya na marami kasing mga mata na nakatuon sa akin ngayon at hindi ako sanay sa ganyang set up" pabiro niyang sabi. " Alam kong nanganganib ang buhay mo dahil sa akin kaya pasensiya na" saad ko habang nakayuko. Lumapit siya sa akin at mayroong ibinulong sa tainga ko. "Hangang sa muli " sabi niya sabay tapik sa balikat ko Pinanood ko siyang naglalakad palayo sa akin ng mawala siya sa paningin ko bumalik ako sa loob ng sasakyan. " Anong nangyari? Sino yung kausap mo?" Sunod na sunod na tanong ni Kathlyn pagpasok sa loob. " He was my private investigator pero ngayon hindi na tumigil na siya sa pagtatrabaho sa akin dahil nanganganib ang buhay niya" " Don't worry I can recommend someone para magtrabaho sayo" " Really?" " Oo magaling siya kaya malaki ang maitutulong niya sayo" Maraming salamat" Umalis kami sa cemetery at bumalik sa condo ko " Kathlyn maraming salamat sa pagsama mo sa akin" sabi ko bago naglakad papasok. " Benj" tawag niya kaya napalingon ako " Thank you for trusting me sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong ko" ngumiti ako at tumango bago sinara ang pinto ng condo. Pagpasok ko sa loob umupo ako sa sala at tiningnan ang laman ng brown envelop. Nabuhayan ako ng makita ang kasalukuyang address ni Irish. " Ito kaya ang sinasabi ni Blue na makapangyarihang tao sa likod ng pagkamatay ni Nick?" Tanong ko sa sarili ng makita ang kulay itim na larawan na mayroong question mark. Isang sulat ang nakita ko sa pinakailalim, sa taas nakita ko ang sulat kamay mismo ni Blue. Binasa ko ang mga detalye na nakasulat. January 24, 2004 iniregalo ni Nick kay Irish ang isang sasakyan gaya ng sinabi nila sa akin. Pagkalipas ng walong taon bininta ni Irish ang sasakyan sa isang Jessie Alfonso nangyari yun August 13 2011. Sandali yun ang 5th anniversary namin ni Nick kung ibeninta niya ang sasakyan mayroon possibilities na hindi siya ang killer. Or pwedeng ginawa niya yun para hindi siya mapagbintangan. Napahilamos nalang ako sa mukha dahil sobrang gulo na ng utak ko. Kumuha muna ako ng red marker bago nilagay ang dalawang picture sa taas ng larawan ni Irish. Una ang kulay itim na larawan na mayroong question mark siya ang itinuturing kong mastermind. Pangalawa ang larawan ni Jessie Alfonso ang taong bumili ng sasakyan na bumangga kay Nick during third lop. Mayroong chances na siya ang mastermind o pwede rin naming hindi. Nagkataon lang ang lahat ng mga nangyari? Pwede ring may kinalaman siya? Gayunpaman kailangan kong puntahan si Irish para mabigyang linaw ang lahat. " Mom" gulat kong saad ng makita siya paglabas ko ng kwarto. " Benj" isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. " Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko na nakayakap sa kanya isang paghikbi ang sunod kong narinig mula sa kanya. She is crying again " Mom ako din ba ang dahilan kung bakit kayo nasasaktan ng ganyan?" " Kasalanan namin kung bakit kami nasasaktan" Ang laki ng pinagbago niya gaya ni Daddy kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. " Huwag ka ng umiiyak mahirap sa akin na makita kang ganyan" " I'm sorry sana mapatawad mo kami" paulit ulit niyang sabi " Huwag mong sabihin yan Mom kahit na anong kasalan na gawin niyo ni Daddy hindi ko magawa na hindi kayo patawarin" " Sana nga..." Bigla siyang nawalan ng malay " Mom" saad ko sandali medyo mainit siya " Kuya" sigaw mula sa labas tumatakbo si Venice habang papasok ng condo. " Kuya she is sick" natataranta niyang sabi " Don't worry dadalhin natin siya sa hospital" binuhat ko si Mommy palabas ng condo. Dinala namin siya ni Venice sa pinakamalapit na hospital pagdating namin agad siyang inasikaso ng mga doctor. "Venice tawagan mo si Daddy sabihin mo na dinala natin si Mommy sa hospital " "Kuya if we do that mag aaway ulit kayo" " Venice he is our father saka mas magagalit siya pag hindi natin sinabi sa kanya ang nangyari kay Mommy" " Kuya alam ko yun pero sobrang laki na pinagbago niya minsan nalang siya umuuwi ng bahay palaging rin siyang naglalasing" " Ano? Sinasaktan niya ba kayo?" " Hindi kuya pero hindi na siya ang ideal Dad na mahal natin pareho" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit " Stop crying hindi gugustuhin ni Mommy pag nalaman niya na umiyak ka" Agad din naman siyang tumigil sa pag iyak pagkatapos mabigyan ng gamot si Mommy para bumaba ang lagnat niya napagdesisyonan kong iuwi siya ng mansion. Mayroon naman kaming family Doctor na mag aasikaso sa kanya. " Venice natawagan ko na si Doctor Lee ikaw na muna ang bahala kay Mommy" " Mag iingat ka Kuya balitaan nalang kita mamaya" hinalikan ko muna siya sa noo bago tuluyang umalis. Bumalik muna ako sa condo bago pinuntahan ang bagong address ni Irish. Nakatira siya sa isang safehouse dalawang oras ang biyahe mula sa condo ko. Isang mataas na pader ang nakaharang sa buong safehouse kaya hindi madaling pasukin. Nasa kotse lang ako habang pinagmamasdan ang buong paligid at nag iisip ng plano. Nakatago ang sasakyan ko sa likod ng mga matataas na punong kahoy para walang makakita sa akin. Paglipas ng limang minuto lumabas ako ng kotse, inakyat ko ang punong kahoy na nakadikit sa mataas na pader. Kaya hindi ako nahirapang makarating sa tuktok ng pader, tumalon ako pababa at bumagsak sa lupa. " Aray" reklamo ko dahil sa sobrang sakit ng balakang kong tumama sa lupa. Dahan dahan akong tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa safehouse. Nagmasid muna ako baka may ibang taong kakampi si Irish na nasa paligid lang. Dumaan ako sa likuran ng safehouse para walang makakita sa akin. Napayuko ako ng makita ang isang lalaking nakatayo sa garden area kinuha ko naman ang cellphone ko at agad siyang kinuhanan ng picture. Pagkatapos kong gawin yun sinubukan kong buksan ang pinto sa likuran pero naka locked yun. " Jess maraming salamat na dumating ka" sumilip ako ng marinig ang boses ni Irish. Niyakap niya ang lalaki pagkatapos naghalikan silang dalawa. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanila, boyfriend kaya siya ni Irish? Baka siya rin ang tumutulong sa kanya kaya siya mahirap hanapin. Nang makapasok sila sa loob lumabas narin ako sa pinagtataguan ko. " Benj" " Kathlyn anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makita ko siyang nakatayo sa likuran ko. " Sinundan kita kanina" tugon niya bago umupo sa tabi ko " Bakit mo ginawa yun?" " Huwag ka ng maraming tanong nandito na ako at isa pa bakit ka nagtatago dito?" Hinila ko siya pabalik sa likuran ng safehouse mas ligtas mag usap doon kaysa sa pwesto namin ngayon. " Listen nandito ako para maghanap ng mga sagot sa tanong ko pero hindi ko alam kung paano pasukin ang safehouse ng hindi nila nalalaman" paliwanag ko sa kanya " Leave it to me" saad niya mayroon siyang kinuhang hair clip sa buhok niya saka pinasok sa doorknob. Nagawa niyang buksan ang pinto kaya nakapasok kami sa loob ng bahay. " Benj sandali" hinatak niya ako papasok sa isang kwarto Nasa sala ng bahay si Irish kausap ang lalaking kasama niya. " Sino sa kanila ang pumatay kay Nick?" Pabulong niyang tanong. " Hindi ko alam kung siya talaga ang pumatay kay Nick pero malaki ang chances na siya ang killer" tugon ko. " Yun ba ang babae?" Tumango ako ng itinuro niya si Irish Hindi namin marinig ang pinag uusapan nila medyo malayo din ang sala sa pwesto namin ngayon. " Benj aakyat tayo sa taas" suggestion niya " Paano kung mahuhuli tayo?" " Malabo yun mangyari malayo ang sala sa hagdan pataas kaya hindi nila tayo makikita kung tahimik lang tayo" hindi ko man lang nakikita ang takot o pag alinlangan sa mukha niya. " Dito nalang tayo" " Benj makinig ka ng mabuti sa akin malaki ang chances na makakuha tayo ng solid evidence sa kwarto mismo ng suspect" May katwiran naman siya " Okay aakyat tayo" " Ako ang bahala sayo basta sumunod kalang sa akin" Gumapang kaming dalawa papalapit sa hagdan " Irish nababaliw kana ba?" Sigaw mula sa sala kaya napahinto ako at sinilip silang dalawa. Hinila ni Kathlyn ang kamay ko kaya hindi ko nakita ang sumunod na nangyari. "I'm sorry Jess but please respect my decision" pakiusap ni Irish sa tuno ng boses niya mukhang maiiyak na siya. Safe kaming nakarating sa taas ng hindi nila namamalayan. Mayroong dalawang kwarto sa taas pinasok namin isa isa ang bawat kwarto. Ang unang pinasok namin ay mayroong isang bedroom at maliit na table. " Benj tingin mo ito ang kwarto ni Irish?" " Hindi sigurado nasa kabila ang kwarto niya" Dahan dahan kaming lumabas at pumasok sa kabilang room. Pagpasok tumambad sa paningin namin ang mga picture ni Nick na nakadikit sa dingding. " Grabe napaka possessive naman niya" bulong ni Katlyn " Benj magtago tayo sa ilalim ng kama" sabi niya sabay hila sa kamay ko. Parehas kaming nakadapa sa ilalim ng kama " Benj pakinggan mo ang mga yabag" bulong niya tama nga siya naririnig ko ang yabag na paakyat dito sa taas. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto nilagay ni Kathlyn ang daliri sa bibig niya senyales na huwag kaming mag ingay. Gumalaw ang kama ng humiga si Irish mula sa pwesto namin maririnig ang kanyang paghikbi. " Nick patawarin mo ako" saad niya habang umiiyak matapos kong marinig yun gumapang ako palabas. " Benj bumalik ka dito" mahinang tawag ni Kathlyn Patuloy parin ako sa paggapang hanggang sa makalabas ako sa ilalim ng kama. " Benj anong ginagawa mo dito? " Gulat na gulat niyang tanong ng makita ako. Tumayo ako at hinarap siya " Ikaw ba ang pumatay sa kay Nick?" Walang pag alinlangan kong tanong. " Ofcouse not hindi ko magagawa yun" pagtanggi niya " Hindi mo magagawa pero lahat ng ebedensiya ay nakaturo sayo" sigaw ko. " Tingin mo ba talaga kaya ko siyang patayin?" " Oo" " Hindi ko magagawa yun mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Hindi ko kayang patayin ang taong mahal na mahal ko" " Sinungaling ka" sigaw ni Kathlyn " Nagsasabi ako ng totoo pero tama ka Benj mayroong pumatay sa kanya pero hindi ako yun" Tumakbo siya palabas ng kwarto. " Irish comeback here" * BANG*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD