Benj Pov.
Nakatutok lang ang tingin ko sa cellphone na hawak ko ilang araw na akong naghihintay ng reply mula kay Irish pero bigo parin akong makatanggap ng text message mula sa kanya.
" Benj nandiyan kaba?"
Tumayo ako sa sofa ng marinig ang boses ni Kathlyn sa labas. Pagbukas ko ng pinto nakita ko ulit siyang may hawak na plastic bag.
" Hulaan ko pagkain yang nasa loob?" Nakangiti kong tanong tumango lang siya bago pumasok sa loob.
Dumeretso siya sa kusina ako naman bumalik aa pagkakaupo sa sala.
" Benj handa na ang pagkain kumain na tayo"
" Mukhang tataba ako kapag araw araw kang magdadala ng pagkain dito" pabiro kong sabi umupo ako sa upuan na nakaharap sa kanya.
" Ayos lang sa akin kung araw araw kitang dalhan ng pagkain" sabi niya sumubo ako ng chicken curry napangiti ako ng biglang naalala si Nick.
" Si Nick na naman ang nasa isip mo?"
" Bakit mo nalaman?"
" Siya lang ang taong dahilan ng ganyang ngiti" tugon niya
Katahimikan ang sunod na namayani tumigil ako sa pagsubo ng pagkain ng maramdaman na nakatitig siya sa akin.
" May problema ba Kathlyn?" Tanong ko umiwas siya ng tingin sa akin bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
" Diba sinabi mo na pinatay si Nick alam mo na ba kung sino ang pumatay sa kanya?" Walang pag alinlangan niyang tanong.
Natahimik ako nag aalinlangan parin kasi ako kung sasabihin ko sa kanya.
" Benj I'm asking you" sabi niya nakita ko ang pagnanasa niya na malaman ang totoo.
" I'm sorry pero hindi ko muna masasabi sayo" saad ko na ikinadismaya niya.
" Ayos lang basta kung kailangan mo ng tulong ko o taong makakausap nandito lang ako alam ko kasi ang pakiramdam na mag-isa at wala kang taong pwedeng sabihan ng mga nararamdaman mo" sa tuno ng pananalita niya mayroong kalungkutan sa boses niya.
" Bakit hindi rin ba kayo nagkakasundo ng mga magulang mo?"
" Parehas lang tayo kaya ako naglayas sa bahay" tugon niya na parang maiiyak.
Hinawakan ko ang kamay habang nakangiti
" Don't worry nandito lang ako sino pa ba ang magdadamayan kung di tayo din"
" Thank you Benj"
" Kumain nalang tayo"
Pagkatapos namin kumain nanood kami ng movie sa sala parehong nakatuon ang attensiyon namin sa mga kaganapan sa pinapanood namin. Tumunog ang phone ni Kathlyn na nakapatong sa table hindi niya pinansin ang cellphone niya na ilang beses ng tumutunog.
"Benj I think I need to answer this call" sabi niya bago lumabas nagpatuloy ako sa panonood ng movie pagbalik niya nakita ko na medyo balisa siya.
" May problema ba?" Tanong ko ng makaupo siya sa sofa
" Benj I'm sorry kailangan ko ng umalis" tugon niya saka dinampot ang bag niya na nakalagay sa mini table.
" Okay salamat ulit"
Kumaway ako bago siya umalis pinagpatuloy ko ang movie hangang sa matapos yun. Sinubukan kong tingnan ang inbox ko pero wala parin akong natatanggap mula kay Irish. Si Blue hindi pa nagbibigay ng update. Tommorow is Friday at bukas din ang ikaapat na Loop.
On the next day
2:00 am
" Ibaba mo yan" sigaw ko habang nakatingin sa taong nakatalikod sa akin hawak hawak niya ang baril habang nakatutok sa ulo ni Nick.
" I'm sorry" sabi niya habang dahan dahan na humaharap sa akin sandali siya ba si.....?
*Bang*
" Sandali" nagising ako habang pawis na pawis at naghahabol ng hininga.
Isang panaginip pero mukhang totoo inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid nandito ako sa bahay namin. Tumayo ako sa kama at bumaba para kumuha ng maiinom na tubig. Pagkatapos kong magsalin ng tubig sa baso inubos ko ang isang basong tubig para gumaan ang pakiramdam.
" Hello handa na ba ang lahat?"
Sandali boses yun ni Daddy dahan dahan akong naglakad para sundan kung saan nanggaling ang boses. Nakita ko siyang nakatayo sa garden area ng bahay at may kausap sa cellphone niya.
" Ayusin mo ang trabaho mo ayaw ko ng makalat" sabi niya sa kanyang kausap lumapit ako ng kunti para mas lalong marinig ang kanilang pinag-uusapan.
" Sige ikaw na ang bahala" yun ang huling sinabi ni Daddy bago binaba ang hawak niyang cellphone.
" Son bakit nandito ka?" Gulat na gulat niyang tanong ng makita akong nakatayo sa likod niya.
" Kumuha ako ng tubig pero nakita kita na nandito sa garden kaya ako lumapit dito" paliwanag ko.
" Did you hear anything?" Tanong umiling iling lang ako bilang tugon.
" I see let's go pumasok na ulit tayo" sabi niya bago ako inakbayan papasok sa loob.
" Son babalik na ako sa taas ikaw matulog kana ulit matagal pang mag umaga" saad niya.
Nasa kusina ako para ibalik ang baso
" Dad anong oras na ba?" Tanong ko tiningnan niya ang relong kanyang suot.
" 2:10 am" tugon niya bago nagpatuloy sa pag akyat sa hagdan.
" Weird nagsusuot siya ng relo kahit na gabi that's very unusual" bulong ko sa sarili bago umakyat pabalik ng kwarto.
Sinubukan kong bumalik sa pagtulog pero gising na gising ang diwa ko kaya minabuti ko nalang na magmuni muni. Bigla kong naalala si Irish kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang hanapin ang social media account niya. Napangiti naman ako ng mahanap yun sa paglipas ng ilang minutong pag scroll. Wala naman akong nakitang kahina hinala, napako ang paningin ko sa isang pictures, ito ang sasakyan na hinahanap ko. Tiningnan ko ang taon kung kailan yun inapload mas lalo akong nagulat ng malaman na ganoon na pala katagal ang sasakyan sa kanya. It uploaded 8 years ago ibig sabihin hindi pa kami nagkakilala ni Nick nasa kanya na ang sasakyan. Pwedeng mas matagal pa sa walong taon na nabili niya ang sasakyan. Sino ang nagbigay sa kanya ang mga magulang niya? O pwede ring hindi mas lalo akong naguguluhan, kailangan masagot ang tanong ko ngayong araw.
8:00 am
" Ngayon naniniwala na ako na kayang magbago ng isang tao kahit na Benj Montefalcon ang pangalan niya" bungad ni Venice habang nakaupo sa harap ng hapagkainan.
" Tumigil ka ang aga aga" saway ko bago umupo sa tabi niya.
" Benj papasok ka?" Di makapaniwalang tanong ni Mommy
" Yes Mom" sagot ko habang kumukuha ng pagkain
Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila sa akin mabilis kong inubos ang pagkain ko at nagpaalam na umalis. Dumeretso ako sa school at agad na hinanap si Nick sa football field nakita ko siyang kausap si Irish. Lumapit ako sa kanila saka umupo sa tabi nilang dalawa natigil sila sa pag uusap ng makita ako.
" Benj bakit nandito ka?" Gulat na gulat na tanong ni Nick
" Bakit bawal ba?"
" Hindi naman kasi..... I'm sorry....."
Binaling ko ang tingin kay Irish hindi ko namalayan na umusod pala siya palayo sa akin.
Hinawakan ni Nick ang mukha ko at iniharap sa kanya nakita ko ang mukha niya na puno ng pangamba dahil nahuli ko sila na nag uusap ni Irish.
" Irish come with us may pag uusapan tayong tatlo" seryoso kong sabi hinila ko si Nick papunta sa canteen area ng school.
10:00 am
" Anong gusto mong pag usapan natin Benj?" Tanong ni Irish nakaupo sila ngayon sa harap ko.
Inilabas ko ang isang larawan at inilagay sa harapan niya
" Sayo ba to?" Kalmado kong tanong nagtinginan silang dalawa bago ulit binaling ang tingin sa akin.
" Oo sa akin nga yan" tugon ni Irish
" Saan mo nakuha yan Benj?" Tanong ni Nick habang nakatutok ang tingin niya sa larawan.
" Hindi na mahalaga yun ang gusto kong malaman kung paano yan napasayo binili ba yan ng magulang mo?"
" Bigay ko yan sa kanya" tugon ni Nick na ikinagulat ko
" Bigay mo??" Gulat kong saad sabay tayo sa kinauupuan ko.
Napatingin ang lahat ng taong kumakain sa pwesto namin. Napalakas yata ang pagkakasabi ko kaya nakuha ko ang attensyon nila.
" Benj calm down hindi mo kailangan sumigaw" sabi ni Nick umupo ako pabalik sabay kuha ng isang juice sa harap ko.
" Nick marami kapa bang tinatago sa akin?"
" Benj I'm sorry hindi ko sinabi sayo dahil alam kong magagalit ka" paliwanag niya.
" Benj huwag kang magalit kay Nick ikaw lang ang taong mahal at mamahalin niya" singgit ni Irish habang nakayuko.
" Nick bakit mo siya binilhan ng sasakyan?"
" Birthday gift ko yun sa kanya on her 13th birthday" tugon niya.
Ngayon alam ko na ang sagot sa mga tanong ko hindi na ako nagulat dahil parang kapatid ituring ni Nick si Irish.
" Isang huling tanong ginagamit mo ba yung sasakyan na ibinigay ni Nick?"
" Hindi ko yun ginagamit dahil hindi ako marunong mag drive" sagot ni Irish.
" Tama siya nasa bahay nila ang sasakyan at wala sa condo niya" pagsang ayon ni Nick.
" Maraming salamat Irish pwede ka ng umalis"
Kinuyom ko ang mga kamao dahil sa inis
" Benj I'm sorry please huwag ka ng magalit kay Irish" pakiusap ni Nick habang hawak ang kamay ko.
" Hindi ako galit halika dito" sabi ko ibinuka ko ang dalawa kong kamay, lumapit siya at niyakap ako ng sobrang higpit.
" I'm sorry " paulit ulit niyang sabi
" Today is our 6th anniversary hindi dapat tayo nag away"
2:00 pm
" Bar?" Kunot noong reaksyon ni Nick
" Bakit ayaw mo?" Nakataas kilay kong tanong
" Gusto pero sigurado kana ba diyan?"
" Oo isama mo si Irish" sabi ko na mas ikinagulat niya
" Benj huwag mo ng guluhin pa si Irish"
" Bakit wala naman akong gagawin masama isa pa it's our anniversary celebration" sabi ko na nakangiti.
" Magpaalam ka muna kay Tita at Tito" paalala niya
" Natawagan ko na sila" sabi ko
" Okay, kung yan ang gusto mo payag ako "
3:00 pm
" Benj nandito na ako sa loob" sabi ni Gray sa kanilang linya
" Good gusto kong kuhanan mo ng mga picture ang loob ng kwarto ni Irish at ipadala mo sa akin"
" What bakit?"
" Huwag ka ng madaming tanong gawin mo nalang ang sinasabi ko"
" Una gusto mong pumasok ako sa condo niya tapos kailangan kong picturan ang room niya. Pwede akong kasuhan ng tresspassing kapag nahuli ako" reklamo niya sa kabilang linya.
" Ang daming sinasabi dalian mo nalang diyan"
" Oo na ito na"
Pagkatapos ko siyang makausap lumabas ako ng comfort room ilang minuto pa ang nakalipas natanggap ko ang mga larawan na pinadala ni Gray. Puno ng mga larawan ni Nick ang kwarto niya nadikit yun sa dingding kasama ng mga larawan na magkasama sila mula elementary hanggang highschool.
4:00 pm
" Hindi kaba nagseselos sa dalawang yun?" Tanong ni Gray na kasalukuyang nakatayo sa tabi ko. Pagkagaling niya sa condo ni Irish agad siyang bumalik siya dito.
" Gray huwag mo ng dagdagan pa" nakasimangot kong saad mas lalo pa yatang nadagdagan ang galit ko sa kanya.
Wala akong choice kapag malapit siya mas madali ko siyang mahuhuli.
" Kung nakakamatay ang titig kanina pa bumulagta si Irish. Kung galit ka sa kanya bakit mo siya isasama" bulong ni Gray na rinig na rinig ko naman.
Siniko ko siya sa tagiliran kaya tumigil siya sa kadadaldal
" Benj" tawag ni Rolan
Lumapit ako sa kanya at bumulong
" Na saan sina Nathan at Leo?" Tanong ko sa kanya
"Nandoon na silang dalawa" pabulong niyang tugon
" Bakit nagbubulungan kayong dalawa?"
" Hi Nick may sinabi lang ako kay Benj" sagot ni Rolan
"Sa susunod huwag kang lumapit sa boyfriend ko"
" Nick tara na, Rolan pasensiyahan mo na siya"
Agad kong nilayo si Nick sa kanya bago pa magkagulo
4:15 pm
" Ang ganda ng lugar na to"
Pagpasok namin sa loob nagsimula na ang kasiyahan tinawag ko si Irish sa pwesto namin.
" Cheers " sigaw ni Gray na nakatayo sa table
" Tama ba ang desisyon na ginawa ko?" Tanong ko sa sarili habang malalim na nag iisip.
" Benj is there something wrong?" Natauhan ako ng marinig ang boses ni Nick.
" Bakit sobrang lalim ng iniisip mo at mukhang hindi ka masaya?"
Tumayo si Irish sa kinauupuan niya at naglakad palabas ng bar. Nakatutok lang ang attensyon ko sa kanya hangang sa mawala siya sa paningin ko.
" Benj kausapin mo ako" sabi ni Nick pero hindi ko siya pinapansin.
Tumayo ako at sinundan si Irish nakita ko siyang may kausap na lalaki sa labas.
" Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Nick napako ang paningin niya sa kausap na lalaki ni Irish.
" That bastard" sabi niya bago tumakbo papalapit sa dalawa.
" Nick sandali" sigaw ko bago sumunod sa kanya
" Nelson layuan mo siya" bulyaw ni Nick sa lalaking kausap ni Irish.
" Nick huwag kang makialam dito"
Isang suntok sa mukha ang pinukol ni Nick sa kanya kaya siya natumba sa sahig. Medyo kinalibutan ako sa mga titig niya.
" Ikaw ba si Benj?" Nakangisi niyang tanong
Hinila ako ni Nick palayo sa lalaki
" Tara na pumasok na tayo sa loob" sabi ni Nick bago kami hinila ni Irish paalis.
" Thank you Nick pasensiya na nadamay ka ulit sa gulo namin" umiiyak niyang sabi.
"Sino ba siya?" Tanong ko
" Hs is my boyfriend" tugon niya medyo nagulat ako ng marinig ang sinabi niya.
" Boyfriend diba gusto mo si Nick did you just use him?"
Tumigil sa paglalakad si Nick at tumingin sa akin
"Benj huwag na huwag mong sasabihin yan" sabi ni Nick gamit ang malamig na boses.
" May nasabi ba akong mali?" Tanong ko
Nagsukatan kaming dalawa ng tingin nakikita ko ang galit sa mga mata niya. Siguro galit din siya sa akin habang tumatagal parang hindi ko na siya nakikilala. Nauna akong naglakad pabalik sa loob.
5:30 pm
Nanatili akong kalmado kahit na sabihing galit na galit ako. Nakapagitna ako kina Irish at Nick kaya kapag may ikinilos siyang kahina hinala madali ko siyang mapipigilan. Tahimik lang kami hindi ako kinakausap ni Nick dahil galit siya si Irish naman tahimik lang at mukhang malalim ang iniisip.
5:50 pm
Isang putok ng baril ang bumulabog sa aming lahat isang grupo ng kalalakihan ang pumasok sa loob.
" Ilabas niyo si Nick magtutuos kami" sigaw ng isang galit na lalaki siya ang taong sinuntok ni Nick kanina lang.
" Lumaban kayo ng patas" sigaw ni Rolan
" Na saan ang mga security guard sa labas?" Tanong ko
" Malamang binaril na nila" kalmadong tugon ni Gray
5:55 pm
Nagsimula ang kaguluhan sa loob ng bar kinuha ko ang pagkakataon para makatawag ng pulis. Nagulat ako ng may isang lalaki na lumitaw sa harap ko may hawak siyang kutsilyo sasaksakin na niya sana ako pero hinampas siya ni Irish ng bote sa ulo.
" Benj dito" sigaw ni Irish hinanap ko si Nick sa buong paligid at nakita ko siyang nakipagsuntukan sa boyfriend ni Irish.
5:58 pm
Tumatakbo si Nick papalapit sa akin itinulak niya ako palayo kaya natumba ako sa sahig.
5:59 pm
Nakita kong may saksak siya sa dibdib hinarang niya ang katawan niya para protektahan ako laban sa taong mananakit sa akin. Hindi ko nakita kung sino ang sumaksak sa kanya dahil sobrang bilis ng mga pangyayari. Ang huli ko nalang nakita si Irish may hawak siyang kutsilyo na puno ng dugo malapit kay Nick.
" N- I- C- K "
6:00 pm
Umalingaw ngaw ang mga pulis car sa labas pero hindi na humihinga si Nick nasasaksak siya sa dibdib na dahilan kung bakit siya binawian ng buhay.