Chapter 8. Clue

2447 Words
Benj Pov. " Nick please huwag mo akong iwan" " Benj gising" " Nick" naghahabol ako ng hininga matapos magising sa loob ng isang hospital room. " Paano ako napunta dito?" Tanong ko sa sarili " Benj si Kathlyn to ayos ka lang ba?" Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama " Kathlyn paano ako napunta dito?" Tanong ko sa kanya ang huling natatandaan ko nawalan ako ng malay malapit sa flower shop. " Si Nick na saan si Nick?" " Benj patay na si Nick 2 years ago" sagot niya ibig sabihin hindi ko ulit siya naligtas. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng pagkahilo " Magpahinga ka muna ang sabi ng Doctor may sakit ka at tungkol sa tinatanong mo mayroong isang batang babae na tumawag sa akin kanina ang sabi niya puntahan daw kita sa park" paliwanag niya sigurado ang misteryosong batang babae ang tinutukoy niya. " Pinuntahan kita at dinala dito sa hospital" " Maraming salamat Kathlyn" " Wala yun tatawagan ko ba sina Tito at Tita?" Tanong niya umiling iling lang ako baka kung ano na naman ang sasabihin nila sa akin. " Okay magpahinga ka muna nandito lang ako para bantayan ka" " Nick I'm sorry nabigo ulit akong iligtas ka" bulong ko bago tuluyang pumikit ang aking mga mata. KINABUKASAN " Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Kathlyn " Ayos lang ako kailangan ko lang magpahinga maraming salamat sa pagkain" saad ko na patuloy sa pagsubo " Mabuti na magana kang kumain para mas mabilis kang gumaling" " Kailangan kong maging malakas para makalabas na agad ako dito" Bumukas ang pinto ng hospital at pumasok si Gray kasama niya si Venice. Tinapunan ko ng makahulugan tingin si Kathlyn nagkibit balikat lang siya bago tumingin sa dalawa. " Kuya are you okay?" Bungad ni Venice " Paano niyo nalaman na nandito ako?" " Kaibigan ko ang doctor na nag asikaso sayo mabuti nalang kilala ka niya kaya agad niya akong tinawagan para ipaalam na nandito ka sa hospital" tugon ni Gray " Kuya wala kaba talagang plano na sabihin sa amin ang kalagayan mo" naiiyak na sabi ni Venice. " Patawarin mo si Kuya ayaw kong mas lalong magalit si Mommy at Daddy" " Pero..." " Venice promise me na huwag na huwag mong sasabihin sa kanila na nandito ako" " Okay promise" sabi niya kahit na labag sa kanyang kalooban. " Miss ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ni Gray habang nakangiti ng malapad. " I am Kathlyn kaibigan ni Benj" pakilala ni Kathlyn sa kanya " Benj hindi mo naman sinabi sa akin na mayroon kang magandang kaibigan" pabiro niyang sabi. " Mabuti naman akala ko girlfriend mo siya" singgit ni Venice " Hinding hindi mangyayari yan si Kuya Nick mo lang ang mamahalin ko" tugon ko na ikinatuwa niya. " Ang swerte ni Nick sayo I wish I can find someone like you Benj ang taong handa akong mahalin ng totoo" sabi ni Kathlyn. " Ahem.. baka nasa paligid lang siya" Tumawa si Venice hatalang nagpapansin siya para makuha ang attensyon ni Kathlyn. " I am sorry Gray pero may nagmamay ari na ng puso ko" malungkot na sabi ni Kathlyn. " Ouch ang sakit" sabi ni Gray habang nakahawak sa puso niya. " Bakit hindi mo yan na kwento sa akin sino ba siya?" Curious kong tanong. " Kilala mo siya" tugon niya napaisip ako kung sino ang tinutukoy niya. " Bakit ka malungkot hindi kaba niya mahal?" Tanong ni Gray. " Hindi may mahal siyang iba at kahit na anong gawin ko hindi niya ako kayang mahalin" tugon ni Kathlyn. " Huwag kang mag aalala nandito lang ako para sayo" saad ni Gray sabay akbay sa balikat niya. Ngumiti lang si Kathlyn bago siya siniko sa tagiliran kaya napausod siya ng kunti. " Ang sakit" reklamo ni Gray Bumukas ang pinto ng hospital room at pumasok ang Doctor siya siguro ang kaibigan ni Gray. " Benj kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya " Labas muna kami" Nang makalabas sila nag konduct ng kunting examination ang Doctor. " Benj bumubuti na ang kalagayan mo pwede ka ng lumabas bukas" sabi ng Doctor. " Okay po" tugon ko " Huwag mo ring kalimutan inumin ang mga gamot mo" paalala niya bago lumabas. Inabot ko ang cellphone na nakalagay sa table nagpadala ako ng text message kay Blue tungkol sa plate number ng sasakyan na nakabangga kay Nick baka may makuha kaming information na may kaugnayan sa killer. " Kuya masaya akong bukas makakalabas kana" tuwang tuwa na saad ni Venice. " Sinabi ni Greg sa amin ang magandang balita" sabi ni Gray " Ako na ang bahalang magbantay kay Benj hanggang sa makalabas siya" " Kathlyn huwag na ayos lang naman ako dito mag isa" ayaw ko siyang abalahin pa. " Benj pumayag kana mahirap kapag nag iisa ka walang mag aalaga sayo" she insisted. " Tama si Kathlyn, pasensiya na hindi kita mababantayan dahil abala ako sa office" saad ni Gray. "Okay maraming salamat ulit Kathlyn" Mabilis na lumipas ang oras buong araw akong nakahiga sa hospital bed. Biglang tumunog ang cellphone ko nang tingnan ko kung sino ang nagpadala ng text message napangiti ako ng makita ang message ni Blue. " Benj may gusto ka bang kainin?" Tanong ni Kathlyn nasa couch siya habang kaharap ang isang laptop. " Busog ako" tugon ko On the next day Hinatid ako ni Kathlyn sa condo pagdating namin nandoon sina Venice at Mommy. Naghanda sila ng kunting pagkain para sa akin. " Benj I'm sorry" bungad ni Mommy bago ako niyakap " Huwag kang humingi ng tawad wala kang kasalanan" " No I should alam kong nadismaya kita " " Sa totoo lang medyo nagtatampo ako pero napag isip-isip ko na wala kayong ibang hangad kung di ang kabutihan ko" " Benj I'm really sorry.. I'm really sorry" paulit ulit niyang sabi mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayap sa akin. " Mom is there anything wrong?" Tanong ko ng naramdaman na mayroong kakaiba sa kanyang ikinikilos. " Wala naman masaya lang ako na nakalabas kana ng hospital" tugon niya pero ibang iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi na ako nagtanong pa sabay kaming kumain ng agahan. Pagkaalis nilang tatlo sa condo agad kong tinungo ang isang private restaurant kung saan kami magkikita ni Blue. Pagdating ko wala pa siya sa restaurant kaya hinintay ko siya hangang sa makalipas ang isang oras. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage ang phone niya. " Saan na ba siya?" Isang tao ang nakausot ng jacket at mask ang pumasok sa loob nakita ko siyang naglalakad papalapit sa akin sigurado akong hindi siya si Blue pero umupo siya sa harap ko. " Ikaw ba si Benj?" Tanong niya malamig ang mga titig niya kaya medyo naiilang ako tumingin sa kanyang mga mata. " Oo ako nga sino ka?" Tanong ko nanatili akong kalmado kahit na sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. "Hindi na mahalaga kung sino ako, nandito lang ako para magbigay ng isang babala" seryoso niyang saad napalunok ako ng laway habang naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "Mukhang may makapangyarihang taong involve sa pagkamatay ni Nick" dahil sa gulat hindi ako nakapagsalita. " Na saan si Blue?" " Nakikipaghabulan siya sa isang eskena malapit dito mayroong dalawang sasakyan ang humahabol sa kanya habang papunta siya dito. Kaya humingi siya ng tulong sa akin para ibigay to sayo" sabi niya bago inilabas ang isang brown envelop. " Nandiyan na lahat ng kailangan mo at sabi niya tawagan mo siya dalawang araw mula ngayon. Pagkatapos kong lumabas umalis kana din" dagdag pa niya bago tuluyang umalis. Dinampot ko ang envelop at mabilis na lumabas sa private restaurant. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang driver seat ng sasakyan. Mabilis kong pinaandar ang engine at bumalik sa condo. Pagdating agad kong binuksan ang brown envelop naglalaman yun ng mga larawan ng mga pangyayari dati. Nakita ko ang larawan ni Nick na nakahandusay sa sahig habang duguan at hawak ang isang baril. Ang ikalawang larawan ay isang lubig mula sa window ng condo ni Nick. Sandali wala namang natagpuang lubig sa condo niya dati. Wala to sa crime scene bigla akong napaisip sa sinabi ng taong pinadala ni Blue. "Mukhang mayroong makapangyarihang taong inlove sa pagkamatay ni Nick " Ano ang atraso ni Nick sa kanya? Mas lalo akong naguguluhan tiningnan ko ang sumunod na larawan. Yun ang close up picture ng kamay ni Nick napako ang paningin ko daliri niya. Ngayon ko lang napagtanto na nawawala ang singing na nakasuot sa daliri niya. Nakakapagtaka hindi yun tinatanggal ni Nick sa kanyang daliri pero bakit nawawala? Naging pabaya ba ako dahil ngayon ko lang napansin ang mahahalagang detalye? Kinuha ba yun ng killer? Kung kinuha niya nga yun anong gagawin niya sa singsing? Kring.. kring..( calling unknowned number) " Hello sino to?" Tanong ko sa kanilang linya " Ako to mag iingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo" naputol ang tawag matapos niyang sabihin yun. Siya ang taong kausap ko kanina sa restaurant " Benj kumalma ka kailangan mong maging matapang" bulong ko bago ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Ang sumunod na larawan ang mas lalong nagbigay sa akin ng linaw. Nakita ko ang puting kotse na may parehong plate number sa sasakyan na sumagasa kay Nick sa ikatlong loop. Mas nagulat ako ng nalaman kung sino ang may ari ng sasakyan. Papaanong siya ang may ari ng sasakyan halos pagsukluban ako ng langit at lupa dahil sa mga nalaman ko. " Benj alamin mo muna ang totoo bago ka tumalon sa isang konklusiyon " sabi ko bago tumayo sa kinauupuan ko. Hahanapin ko ang sagot sa mga tanong ko ngayon din mismo. Umalis ako para puntahan siya sa condo niya pagdating ko ilang beses akong kumatok pero walang sumasagot. " Iho anong kailangan mo?" Tanong ng isang matandang babae. " Alam niyo po ba kung saan ang nakatira dito?" " Iho isang linggo ng walang nakatira diyan" " Huh! Alam niyo po ba kung saan siya lumipat?" " Pasensiya na hindi ko alam" Napilitan akong umalis sinubukan kong tawagan ang number niya pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. " Na saan kana ba please answer my call Irish" Hindi pa rin siya ma contact sunod kong tinawagan si Gray baka may alam siya kung saan nakatira si Irish. " Benj may problema ba?" Tanong niya sa kabilang linya " Alam mo ba kung saan ngayon nakatira si Irish?" " Hindi ko alam wala narin akong balita sa kanya bakit may nangyari ba sa kanya?" " Wala naman pasensiya na sa istorbo" Pagbalik ko ng condo sinubukan kong hanapin ang social media account niya pero hindi ko mahanap para bang binura ang kanyang account. Dumaan ang dalawang araw wala akong natanggap na tawag o text message mula kay Blue. Hindi ko maiwasang mag alala dahil sa sinabi ng lalaki sa akin. Ngayon ang ikalawang araw ibig sabihin pwede ko na siyang tawagan. Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan siya pero napatigil ako ng marinig ang malakas na kalabog mula sa labas ng kwarto ko. Bigla kong naalala ang sinabi ng lalaki na mag iingat ako kaya kumuha ako ng pamalo at dahan dahan na lumabas ng kwarto. Isang tao ang nakatayo sa sala, akma ko na sana siyang paluin pero nagawa niyang hawakan ang kamay ko. He is so strong sobrang bilis din ng pagkilos niya. " Who are you?" Kinakabahan kong tanong habang hawak niya parin ang kamay ko. " Benj ako to" tinanggal niya ang hood niya kaya nakilala ko siya. " Blue" sabi ko nakahinga ako ng maluwag ng malamang siya lang pala ang pumasok sa condo ko. " Pasensiya na akala ko kasi kung sino" " Naintendihan ko hindi na rin kasi ako sanay na gumamit ng pinto" pabiro niyang sabi. " Sabi ng isang lalaki may mga taong humahabol sayo ayos ka lang ba? Kilala mo ba sila? Dahil ba sa binigay kong trabaho kaya ka nila hinahabol?" Sunod sunod kong tanong ngumiti lang siya bago umupo sa sofa. " Ako na ang bahala sa kanila ang gusto kong malaman mula sayo kung mayroon kana bang primary suspect?" Tanong niya " Ang larawan ng babaeng pinadala mo ay childhood bestfriend ni Nick mahirap paniwalaan na siya ang gumawa ng krimen pero siya ang may ari ng sasakyan kaya wala na akong ibang naisip" tugon ko tumawa siya ng malakas na ikinataka ko. " Anong nakakatawa?" Kunot noo kong tanong "Natutuwa akong hindi ka mapanghusga minsan kasi ang mga nakikita namin ay malayo sa tunay na mga nangyari" makahulugan niyang saad mas lalo niyang dinadagdagan ang mga iniisip ko. " Kung may gusto kang sabihin deretsahin mo nalang ako" " Hmm.. wala akong ibang gustong sabihin isa lang yun sa katotohanan na palaging nangyayari sa realidad hindi ko sinasabi na ganoon din ang sitwasyon mo" Napakamot ako ng ulo lahat ng mga sinasabi niya tingin ko may ibig sabihin. " Anong gusto mong sunod kong gagawin?" Tanong ko " Mabuti natanong mo gusto kong hanapin mo si Irish" tumango siya bago tumayo itinabon ulit niya ang suot niyang hood sa kanyang ulo. " Ako na ang bahala sa paghahanap sa kanya pero bago ako umalis may gusto akong itanong sayo" sabi niya habang nakatingin sa akin. " Ano yun?" " Ano ang kinalaman ng hit and run sa kaso ni Nick sa pagkakalam ko namatay siya dahil sa tama ng bala sa ulo?" Tanong niya natahimik ako dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. " Anong kinalaman ng puting sasakyan sa nangyaring krimen 2 years ago?" " I'm sorry hindi ko masasabi sayo" tugon ko ang bawat titig niya pakiramdam ko ay tumatagos sa kaluluwa ko. " Pasensiya na kung matanong ako huwag kang mag alala hindi mo kailangan sagutin ang mga tanong ko. Isa pa hindi yun kasama sa trabaho ko" sabi niya bago naglakad papunta sa window ng condo ko. Tumalon siya mula sa ikalawang palapag tumakbo ako para tingnan kung ano ang nangyari sa paglanding niya. Pero bigla siyang nawala hindi ko na siya nakita pa. Bumalik ako sa sala at kinuha ang mga larawan dinala ko yun sa loob ng kwarto ko at dinikit sa maliit na board. Una kong nilagay ang larawan ni Nick ng pinatay siya. Tapos ang larawan ng lubig at singsing na nagpapatunay na mayroong taong gumawa ng krimen. Huli ang larawan ng sasakyan at ni Irish I consider as a primary suspect sa ngayon kumuha ako ng red marker at binulugan ang larawan niya. Ikaw ba ang talaga ang pumatay sa kaya o hindi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD