Maori Librae Sinalubong ako ng masigabong palakpakan pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ng gusali na 'to kung saan gaganapin namin ang selebrasyon ng pagkapanalo ko sa Selection. Abot tenga ang ngiti ko sa nakita at nasaksihan dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pagsuporta nila sa akin. The support of the people is really vital for the winner's journey to the Upbringing because it will only not affect your performance but the also factors you will need for the Upbringing. Kaya laking tuwa ko na lang nang sabhin sa akin ni Aderi na halos lahat ng miyembro ng House of Libra ay suportado sa akin. Pinaupo nila ako sa gitna kung saan nakikita ko lahat ng mga tao na dumalo sa selebrasyon. Pagkatapos kong magsalita sa harap nilang lahat ay tumungo na ako sa isang silid kung saan makak

